Chapter 3

117 11 3
                                    

Pagkagising ko sa umaga, nagfb muna ako. Syempre! Ilang linggo na kaya akong di nakakapagfb. Grounded ako dahil bumagsak ako sa mga exams ko noong first sem. Ilang buwan din siguro yun.
Pero ngayon, makakapagfb na 'ko! ^________^ *sabog confetti*

Una kong ginawa ay sinearch ang pangalan ni Sir Mico. Mwahaha. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakapagstalk sa profile niya e. As usual, profile at coverphoto lang naman ang nakita ko. Di naman kasi kami pwends e. Walang sense yung pang-iistalk ko. -______-

Napatingin ako sa 'add friend' button. Sheeeet. Parang gusto ko itong iclick kaya lang nahihiya ako. Atsaka wala rin naman kaming mutual friends e. Pero dahil kung saan saan napupunta ang isip ko at desperada na talaga ako, kinlick ko na yung button!

"Owemgeeeeee~!!!" sigaw ko. Hala! Oks lang kaya ito? Ay, bahala na!

Pumasok na muna ako sa CR, ginawa ang morning rituals ko at syempre, naligo then nagbihis ng school uniform. Sinuklay ko na ang mahaba kong buhok at grabe, ang ganda ko! Ako lang ang nagagandahan sa sarili ko, promise.

Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba ng hagdanan upang kumain ng breakfast. Excited na akong pumasok sa school! Makikita ko ulit si Sir Mico e. Ahihihi.

"Good morning, Mommy!" bati ko sa mommy ko at umupo na para samahan siyang kumain ng breakfast. Wow, bacon! Engsherep pero di ako kumakain nyan.

"Good morning din, Baby! You look so excited, what happened?"

"Syempre, Mommy!"

"So, tell me, who's the boy?" nakangiting tanong sa'kin ni Mommy. Luh?

"Who is the boy?" pag-ulit ko sa tanong niya.

"Are you having a crush on someone?" Hala! Masyado na ba akong halata at napapansin iyon ni Mommy? Bakit ba ang galing ng nanay ko? Yung totoo, manghuhula ba siya?

"Mommy naman e, wala po akong crush." Soweeee, huhuhuhu! Kailangan ko muna kasing itago itong sikreto ko. Sekretong malupit nga, di ba?

"Well, sabi mo e. Just tell me if meron ha? No secrets, okay?"

"Opo, Mommy," ani ko. My gahd. Ang sama ko talaga, huhu. Sarili kong nanay pinagsisinungalingan ko. Pero kailangan ko talaga itong isikreto e. Mga best friends ko lang ang nakakaalam atsaka yung iba kong classmates na fc sa akin. Haha, joke!

*school*

"Good morning, Besties!" bati ko sa mga kaibigan ko na nagdedebate. Grabe 'tong mga babaeng 'to oh. Pati Aldub at si Pastillas Girl ipinaglalaban nila. Ang aadik lang nila. Hahaha.

"Yo, Nicoleee!" bati nina Klare then umupo na ako sa bakanteng upuan na nasa tabi lang nila. Syempre, nireserve nila sa'kin yun.

"Wag ka, Angelica! Mas maganda Aldub, nuh!" sigaw ni Kate. Hala? Akala ko ba Kathniel ito?

"Mas maganda kaya si Pastillas Girl! Eh yang Aldub na yan puro pacute lang e!" ani Angelica.

"Weh! Ang drama kaya ni Pastillas Girl! Ang arte niya! Akala mo maganda!" Nagkatitigan na lang kami nina Sofie, Rien, at Klare. Yung dalawa kasi, grabe magdebate. Eh parang di na yun debate e! Parang nagbabayangan na, haha.

"Hoy, Kate at Angelica! Quiet nga kayo! Ang ingay ingay niyo," sabi ni Veilo. Vice President ng class namin. Di katulad ni Dunno na maingay at pakain kain lang kahit siya ang Presidente namin, itong si Mr. Vice Pres ay responsable naman. Well, responsable rin naman si Dunno Mars kaya lang inuuna talaga niya yung pagkain e. Hahaha.

"Sorry naman," anila Kate at Angelica.

"At ikaw!" turo sa akin ni Veilo. Luh? Anong ginagawa ko? Tinaasan ko lang siya ng kilay at binigyan siya ng bakit-ano-na-naman look.

Surreptitious {On Hiatus}Where stories live. Discover now