Chapter 11

80 11 14
                                    


k a t e

Hay salamat at uwian na namin. Nandito na ako ngayon naglalakad palabas ng gate ng school namin ng may tumawag saakin.

"Kate!" sigaw ng tumatawag saakin.

Napalingon ako sa pinaroroonan ng pagtawag saakin at nakita ko si Stepehen epal este Stephen pala na tumatakbo papalapit saakin.

"Anong problema mo, Stephen?" sabi ko sa kanya ng makalapit na siya dito .

"Wala, bakit? Problema ka ba? Kay ganda mo namang problema." wika niya at napa ngumiti pa. Sus di bagay sa kanya. YUCK.

"Urur!" ani ko. "Sige alis na ako." Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at napaharap muli sa kaniya.

"Ano nanaman?"

"Uuwi ka na ba?"

"Obviously." aniko.

"Tara! Sabay na tayo tutal parehas naman tayo ng condo eh."

"Tss, fine." aniko.

"Lakarin na lang natin para masaya! 15 minutes lang naman mula dito eh." Aniya.
Haay nako ayoko nga maglakad eh dahil ang kakagaling lang sa sakit itong paa ko tapos palalakarin pa ako netong epal na ito? Ano siya chix? Urur.

"Ayoko nga! Kakagaling lang sa sakit netong paa ko ano!"

"Sus! Ako pa niloko mo ah? Eh kanina nga nung PE time ang bilis mo tumakbo nung nag racing tayo." Aniya. Psh, sige na hindi na ako makakalusot dito sa mokong na toh. Haaay.

"Haaaaay may magagawa pa ba ako? Tss" wika ko.

"Oh tara na! Libre kita ice cream diyan sa 711." Aniya.

"Ay weh? Kuripot ka eh."

"Hindi ah saan mo nasagap ang kasinungalingan na yan ha?"

"Sikretong malupet!"

Pumasok na kami sa sa 711 at pumila na kami para makabili ng ice cream. Nako, ang haba pa ng pila ang dami kasing bumibili na estudyante yung iba classmates ko pa. Marami kasing tumatambay dito na estudyante kapag uwian na eh. Habang nakapila pa si Stephen ay umikot muna ako dito sa store baka makahanap pa ako ng pagkain at makabili. I'm craving for cookies. :(

Naghahanap na ako ng cookies dito sa chocolates section ng nakaramdam ako ng may sumusunod saakin. Tumingon ako sa likod ko pero wala naman. Nang humarap na ako ay bigla akong ginulat.

"WAAAAAAAH!!! Huli ka!!" sigaw nila. Jusmeyo marimar! Nandito pala ang mga nakawala sa mental kong mga magagandang kaibigan pero si Klare at Sofie nga lang.

"Sus, nakakagulat naman kayo. Anong ginagawa niyo dito?" wika ko.

"Ay.. Siguro naglalaba kami ni Klare. Diba Klare nandito tayo sa 711 kasi naglalaba tayo, noh?" Ani Sofie. Kahit kelan tong Sofie na to ay pilosopo kausap. Pero, sa bagay oo nga naman nandito sila kasi bibili lol common sense naman Kate!!

"Haha" sarkastiko kong tawa.

"Oh? Ikaw sino kasama mo dito? Sumama ka na lang sana saamin. Gagala pa kami eh hehe." wika ni Klare.

"Nako hindi na,  kailangan ko na umuwi. May gagawin pa ako eh." ani ko.

"Susss, if I know magbabasa ka lang ng wattpad stories dyan." ani Sofie.

"Nako nako Kate,  sino niloko mo?" wika ni Klare.

"Kate!" sigaw ni Stephen. Tapos na pala siya bumili ng ice cream. Hindi na nga lang ako bibili ng cookies.

Surreptitious {On Hiatus}Where stories live. Discover now