k a t e
"Hey, I'm sorry," aniya at hinawakan niya yung braso ko. Kaagad ko naman itong tinabig at tinignan siya ng masama. I'm sorry your face! Sapakin kita dyan eh!
"Kate, sorry na o. I'm sorry, okay? Hindi naman namin sinasadya yung nangyari kagabi eh. I'm sorry," ani pa ni Mico.
Kasalukuyan kaming nasa condo. Syempre tapos na ang mga classes at kailangan nang umuwi sa bahay, di ba? Tss.
Atsaka bakit ba nagsosorry 'tong lokong 'to? Ako ba yung ginawan niya ng mali? Ako ba si Nicole? Ako ba?! Tangina niya! Parehas sila ng nanay namin! Malandi ka, Mico! Tae ka! Ang sarap mong murahin!
"Tss. Bakit ka nagsosorry sa'kin? Magsorry ka kay Nicole!" ani ko at padabog na lumabas sa unit namin.
Nakakainis siya! Naging teacher pa siya sa lagay na yun ha? Harassment! Langya! Na--
"Kate?" Napatigil ako sa kakaisip kay Mico nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko ang Stephen na nakangiti. Bakit nandito siya sa condominium namin? Nakatira rin kaya siya dito? Aba, PAKE KO!
"Oh?" tanong ko sa kanya.
"Dito ka pala nakatira?" tanong niya habang nakangiti. Edi ikaw na may puting ngipin. Namapak siguro 'to ng Colgate. Tch.
"Obvious ba?" ani ko sabay taas ng kilay.
"Ang sungit sungit naman neto! Kaya ka walang boyfriend eh."
"Tss. Bahala ka. Alis na nga 'ko, baka sakaling mahanap ko yung pake ko sayo."
"Wait! Teka lang!" aniya at hinawakan naman niya yung braso ko. Seriously, boys? Bakit ang hilig niyong manghawak sa braso?
"Ano na naman ba?" Ang epal neto eh.
"Pwede mo bang ituro sa'kin yung daan?"
"Ha? Anong daan?"
"Daan para makapunta ako dyan sa puso mo. ;)"
WTF.
n i c o l e
"Boy, you got my heartbeat runnin' away! Beating like a drum and it's coming your way!" Kyaaaaaah! Ang saya ko, orayt!
Napatigil ako sa pagkanta nang magvibrate ang phone ko. Seriously? Ang epal talaga neto! Huhu!
From: Unknown Number
Nicole, si Sir Mico 'to. I'm sorry pero di kita matututor ngayon eh. May importante kasi akong pupuntahan. Maybe tomorrow na lang. Anyway, I'm sorry sa nangyari kagabi. I hope you can forgive me.
KYAAAAAAAAAAAAH!!! SI SIR MICO PALA YUNG NAGTEXT! ALAM NIYA NUMBER KO! NAKU, SIR! SYEMPRE NAMAN NAPATAWAD NA KITA, NUH! AKSIDENTE LANG NAMAN YUN EH. PERO GRABE TINEXT NIYA AKO! OMG! KILEEEEEEEEEEG~~ >////////////<
But wait, di niya ako matututor ngayon! Huhuhuhuhu! Nakabihis na 'ko eh! Sayang lang ang pagpapaganda ko! Saan kaya siya pupunta? OMG! Baka magkikita sila ni Kate ngayon! Ugh, ano ba kasing meron sa kanila? Well, I will find out that later! Mag-iinvestigate ako! *dora mode activated*
Syempre, as a spy, nag-iba ako ng onti sa looks ko. Since medyo mahilig ako sa anime at may wig ako ni Hinata, sinuot ko na lang yun dahil maikli naman ang buhok ko at madali siyang itago. Minake-up-an ko na rin ang mukha ko para medyo mag-iba yung itsura ko. Nagsuot lang ako ng orange na T-shirt at denim shorts tas nagflats na lang ako. Perfect! Di na siguro nila ako makikilala, di ba? Besides, di naman ako mahuhuli kung di ako magpapahuli eh. MWAHAHA you're so smart talaga, Nicole! Ililibre kita ng frostee bukas sa school. *u*
KAMU SEDANG MEMBACA
Surreptitious {On Hiatus}
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba mainlove? Yung napatingin lang siya sayo akala mo ang ganda ganda mo na. Yung ngumiti lang siya sayo, laglag na agad panty mo. Yung kung saan siya kumain, nandun ka rin. Yung nag-aaral ka pa sa mga lessons para lang hindi kahiya-h...