Chapter 12

149 12 5
                                    

n i c o l e

"Please, Nicole? Sigi na. Ililibre kita ng frostee bukas sa school. Sigi na, please? Please, please, please?" pangungulit sa akin ni Stephen habang naglalakad kami sa may hallway malapit lang sa condo unit nila Kate.

Magseseven pm na kasi kaya napagdesisyunan na naming umalis sa condo nina Kate at Sir Mico. Atsaka bawal akong magpagabi kasi alam niyo na, strict parents ko eh. Well, ganyan talaga 'pag maganda HAHAHA.

Yinaya ako ni Sir Mico na ihatid sa bahay namin pero di na 'ko nag-abala pa kasi nakakahiya naman sa kanya. Baka sabihin paimportante ako de joke haha. Syempre, kailangan ding magpa-hard to get minsan! Ano siya, chix? OO, CHIX TALAGA YUN! HINDI YUNG ANAK NG MANOK AH? KASI ANG GWAPO GWAPO NIYA TO THE INFINITE POWER PLUS ONE! >////////////<

Okay, going back to Stephen, kinukulit niya ako ngayon dahil gusto niyang tulungan ko raw siya kay Kate. Aba! Pumoporeber itong si Stephen! HAHAHA. Sa totoo lang, gusto ko naman siya para kay Kate eh. Kaya lang, knowing him, palikero siya at di marunong magseryoso sa babae!

"Tss," sabi ko sa kanya.

"Luh? Sa dinami dami kong sinabi kanina? 'Tss' lang ang sasabihin mo?" tanong niya.

"Nagrereklamo ka?" aniko sabay taas ng isang kilay.

"Ahehehe, hindi, nuh! Sabi ko nga bagay na bagay kayo ni Sir Mico! Otp ko nga ang Micole eh. So ano, tutulungan mo ko kay Kate ah?" Ang kulit! Pero ngayon ko lang nalaman, hindi pala marunong magsinungaling itong si Stephen. Kasi totoo yung sinabi niyang bagay kami ni Sir Mico! MWAHAHA. Hashtag Micole, aye aye. <3

"Oo na."

"Orayt! Thanks."

"Thanks lang? Libre mo ko ng frostee, hoy!"

"Oo na po. HAHA."

Pumasok na siya sa condo unit niya at nag-elevator na ako pababa. Sumakay na lang ako ng taxi kasi delikado kapag naglakad lang ako eh gabi na. Alam niyo na, maganda kasi ako! MWAHAHA.

Pagkarating ko sa bahay...

"Yo, Mommy!" sabi ko at kiniss ko si Mommy sa cheeks. Wala kasi siyang business trip ngayon kaya nandito siya sa bahay. Madalas kasi ay nasa ibang bansa siya para tulungan si Daddy sa pagmamanage ng negosyo namin.

"Hi, Anak! Saan ka nanggaling? Gabi na ah." Luh? Seven pa lang, Mommy!

"Ah, galing po ako kina Kate. Atsaka tinutor pa po ako ng teacher ko sa Math. :)" Ahihihi, kilig pwetzxcs.

"Yung gwapong teacher ba na sumundo sayo nung nakaraang araw?"

"Opo." Bigla naman akong nginitian ni Mommy at parang nanunukso pa kasi kiniliti pa ako sa tagiliran ko. HALA! Kaloka si mader!

"Sige po, Mi, akyat na po ako sa kwarto ko," pagpapaalam ko at nagfly away na nga ako papunta sa kwarto ko.

Nagpalit na ako ng school uniform then nag-open ng fb. Grabe naman! 9,956 notifications?! Pati notifs ko, sabog! Parang yung kaklase kong si Karlo Victorio. HAHAHA joke.

Nagscroll ako doon at natigilan nang makita ang isang notification na matagal ko nang hinihintay.

Mico Ortega accepted your friend request.

"UWAAAAAAAA!!! OMG OMG OMG! SERIOUSLY?!!!" sigaw ko habang tumatalon talon pa ako sa kama ko. Grabe!!! Another record na naman sa Guinness Book of Kilig Records! YIEEEE!

Nagulat ako nang biglang may nagbukas sa pintuan ng kwarto ko. Si Mommy pala hehe.

"Nasaan ang magnanakaw?! Are you alright?!" sigaw niya at hinawakan pa niya ako sa magkabilang braso ko at halatang alalang alala sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at umiling.

"Mommy, wala pong magnanakaw," sabi ko.

"Then why are you shouting? Is there something wrong?" Ay, jusko teh. Nusbled ka day!

"Ahehehe... Wala po yun. Nagbabasa lang po ako sa Wattpad tas nakakagulat lang yung isang scene doon kasi mystery and thriller po yung binabasa ko eh. Pero wag po kayong mag-alala, okay lang po ako. :)"

Sinungaling na si Nicole. :((

"Hay nako, akala ko kung ano nang nangyari sayo! Next time don't shout okay? I don't want to lose my only daughter," aniya at nagsmile siya sa'kin. Ang sweet naman ng mommy ko. <3

So ayun, lumabas na siya ng kwarto ko at tinignan ko ulit yung notification na iyon. Shocks. Kilig!

Kinabukasan, mag-isa akong naglalakad papuntang library para humiram ng isang libro kasi may project kami sa Chemistry at kailangan magresearch tungkol doon sa mga libro. Hindi na ako nagpasama pa kina Kate kasi may ginagawa rin silang project eh. Busy kasi ang week na ito dahil malapit na ang Feast Day ng saint namin. At kung sino man ang saint namin? Hehehe. Nakalimutan ko na! Actually hindi ko talaga alam. Alam niyo na, mabait daw kasi ako eh. HAHA.

Kaya ayun, sunod sunod ang mga projects para kapag dumating na yung Feast day, hindi na namin kailangang maghabol pa ng lessons sa mga darating na araw.

And omg kasi excited na excited na ako sa Feast Day! Marami kasing booths lalo na yung Wedding Booth! My gosh! Sana kami ni Sir Mico yung ikasal. Ahihihi. Marami ring activities tas syempre maraming pagkain! MWAHAHA. >:)

Papasok na sana ako sa library nang biglang may apat na babaeng humigit sa akin at dinala ako sa CR.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!" sigaw ko sa kanila. Nagulat ako nang makita ko ang queen bee ng school namin na si Raquel pati na rin yung tatlo niyang alipores. Ano bang trip nila at mukhang ako yung natrip nila ngayon? Waaaa! Help me! Huhuhu! TT______TT

"Malandi ka!" sigaw ni Raquel sa akin at tinulak ako sa pader habang hinihila hila niya yung buhok ko. Malandi? Luh? Is she describing herself? Lol. Pero grabe! Ang sakit ng pagkatulak niya sa akin, huhu!

"Wala akong alam sa sinasabi mo! Hindi ako malandi!" sigaw ko at pilit umiiwas sa kanila. My goodness! Pinagsasabunutan nila yung long, silky, straight hair ko! UWAAAAAA!!! Apat sila tas mag-isa lang ako! Anong panlaban ko sa kanilang lahat?! TT_______TT

"Talaga lang ha? Then why are you seducing Sir Mico?!"

"Hindi ko siya sineseduce! Tinututor lang naman niya ako ah!" aniko. Totoo naman eh. Hindi ko naman siya sineseduce! Gusto ko siya pero hindi ako ganung klaseng babae!

"In your face! If I know gusto mo lang siya eh. Malandi ka kasi!"

"Ano ba! Bitawan niyo ko! Wala akong ginagawang masama! Tulong!!!" sigaw ko.

"Shut up, btch! Kapag may nakarinig sa atin, patay ka sa'kin!" sigaw naman nung si Barbie. Jusko! Barbie ba yan? Eh mas maganda pa nga yung paa ni Barbie kesa sa kanya eh.

"Araaaay! Bitawan niyo ko! Tama na!" Huhuhu! Ang sakit tuloy ng ulo ko! Makakalbo na ba ako? Omfg!

Pero nagulat ako nang biglang may pumasok na lalaki sa CR ng girls. Si Sir Mico pala! Kyaaaaa! My knight in shining armor! <3

"Bitawan niyo siya," aniya at kaagad naman nila akong binitawan then nagsorry yung apat na lamok este sina Raquel kay Sir at sa akin. Tss. Sabi na eh, weak din naman sila. Pero ahihihi. Kinikilig ako!

"Sa susunod na gawin niyo pa ito kay Nicole, ipapaguidance ko na niyo," galit na sabi ni Sir sa kanila.

"Hindi na po mauulit," anilang lahat at lumabas na ng CR yung mga lamok. Hmp!

"Are you okay?" Ay, palakang prag! Kinakausap na pala ako ni Sir. Jusko, Sir Mico. Hindi ako okay! Sinabunutan nila ang long, silky, straight hair ko!

"O-Okay lang po ako." Tae pabebe ang lola niyo.

"Let's go, hatid na kita sa classroom niyo. Baka awayin ka pa nila," aniya. My gahd. Kinikilig ako!

May advantage din pala ang pananabunot sa akin nina Raquel and lamok friends. MWAHAHA.

___________________________________

Chapter 12 is done! Vote and comment!

-D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Surreptitious {On Hiatus}Where stories live. Discover now