2YAS Chapter 6

1.2K 45 18
                                    

Dedicated to Mimieufear! :) Happy reading! :))) Enjoooooy! :3

2YAS Chapter 6

*BZZT BZZT*

 

“Hello?” sinagot ko ‘yung phone ng walang tingin tingin sa screen.

 

“Pauwi na ko sa ‘tin.” Huh? Inalis ko ‘yung phone sa tenga ko para tingnan kung sino.

Si Ren pala. -__- Ibinalik ko ‘yung phone sa tenga ko.

 

“Ang weird pala pakinggan na dito ka uuwi.” Medyo natatawa na sabi ko.

 

“Kung hindi siguro dyan. Sa Condo ko tayo. Medyo maliit nga lang.” Oo, maliit compare sa bahay naming. -__- Pero konting konti lang.

 

“Gusto ko ng manggang hilaw.” Sabi ko. Ewan ko ha. Pero lately, gusto ko talaga ng maaasim. :3

 

“Wala pang nangyayari sa ‘tin, naglilihi ka na?” O_____O

 

“SIR---“

Tootoot

 

“Aba’t! Binabaan pa ko!”Inis na sabi ko.

Ramdam ko ngayon na umaakyat ang dugo ko sa mukha. Hindi ko nga lang alam kung dahil sa inis o sa hiya! >____<

*DING DONG*

Nako. -___- Dumating na ang mokong.

Lumabas ako para pagbuksan sya.

“Hi!” Bati ng isang mas mukhang bata sa ‘kin na babae. May dala dala syang paper bags. And she looks really familiar. -__- Akala ko pa naman si Ren na. -3- Mangga koooo.

“Miss?” Parang nagising ako sa pagdaday dream ng makita kong kinakaway ng babaeng nasa harap ko ang kamay nya.

“Ahh… Sino po… sila?” Medyo alangan na tanong ko.

“Ako po si Lily. Gusto kong ipagluto si Ren--- I mean kayo.” Sabi nya na nakangiti.

Tama. Sya nga yun. Lily. ‘Yung nagbigay ng cake kay Ren. At… ipagluluto nya daw?

Seriously? Does she have any idea who I am?

“Sige. Pasok ka.” Haaayyy!!! T*nga mo! Bakit ka ba nagpapapasok ng di mo naman kakilala!!! >___<

Nung pagpasok namin, dumiretso sya sa kusina at nilabas ang lahat ng laman ng paper bag nya.

Two Years After Summer (BOOK 2 of My Summer Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon