2YAS Chapter 2

1.6K 57 13
                                    

 Dedicated to ChekwaPadilla dahil bitin daw ang chapter 1! Lol! Heto na ohhh... Mabitin ka ulit sa chapter 2! Hahah. Thanks! :)))

NASA GILID SI REN! HALA! MA - INLOVE TAYONG LAHAT! HAhaha.

2YAS Chapter 2

March 3, ****

"Ang init!" reklamo ko.

Mag-isa lang ako dito samin habang nakataas ang buhok ko, nakatank top at nakamaikling short.

Tumingin ako sa orasan. 8:30

Kinuha ko yung phone para tawagan si Ren. Magpapasama daw sya kumuha ng grade report.

Maaga ba? Di ba nag-advance din sya ng exam? Kaya yun.

I called Ren. At wow!

BABAE ANG SUMAGOT!

"The number you have dialed is either unatte--"

WOW! Ito ang first time na unattended sya.

I called Shan.

(Yo!) bati nya.

"Si Ren?!" I asked.

(Pre, ikaw na!--Oo, teka! May kausap ako.)
What's going on?

(Ahh... MJ. Di ko kasi alam e.) Psh. Liar.

"Saang billiard place yan?" Tanong ko.

(Huli mo na kami. Ball Boulevard. Gate 2.) Then the call ended.

Biglang nag-init ang ulo ko. Nag-aantay pala ko sa wala?! Nakakainis!

Kinuha ko lang yung pouch at phone ko tapos umalis na.

Ball Boulevard. Isa yung place na maraming naglalaro, nage-enjoy, nagsusugal, nambababae.

At malapit lang yun sa school ni Ren!

After 15 minutes, nakarating din ako sa BBoulevard.

Pumasok na ko sa gate 2.

WOW! Ang daming nagbi-billiard.

"Wow... Ms. MJ! Long time, no see." bati ng lalaking di ko naman kilala.

"Su - sexy ka yata!" Sabi pa ng isa.

"Kapag di nyo sya tinigilan, malilintikan kayo sa 'kin."

Biglang nag-atrasan yung mga nambabastos kanina nung marinig at makita nila si Ren na nasa likuran ko.

Hinila ako ni Ren sa braso dahilan kaya ako napaharap sa kanya.

"Bakit ka pumasok?!" Sabi nya na salubong ang kilay.

Oh oh. Galit na yata ang prinsipe.

Hinila ko ang braso ko at nagcross-arms para hindi nya makitang namumula yung hinila nya. T___T

"Magbi-billiard ako." Sabi ko at pumunta sa isang pool.

"Hello, Shan."
Bati ko kay Shan ng nakataas ang kilay.

Mukhang natakot sya sa 'kin. -___-

"Uy."
Tanging nasabi nya lang.

Kumuha ako ng stick sa gilid pero nagulat ako ng may pumigil.

"Ano bang ginagawa mo?!" tanong ni Ren at alam kong naiinis na sya.

Ehem! Ako ang dapat na naiinis dito!

Tiningnan ko sya ng masama.

"Kapag nanalo ko, hindi ka na pupunta dito." sabi ko.

Two Years After Summer (BOOK 2 of My Summer Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon