2YAS Chapter 5

1.4K 50 8
                                    

Hi! :) Enjoy reading!

Dedicated to Eynnaa! Hello. :"> Thank you for reading! Hihi. Enjoy this chapter. ;)

2YAS Chapter 5

“Niloloko mo ba ko?!” seryosong tanong ko kay Ren habang nakacross arms ako.

Nakatayo ako sa harapan nya at sya naman ay nakaupo sa sa sofa. Kung titingnan, para ko sya pinapagalitan. -___-

”Halos halikan ko nga ang Papa mo nung sinabi nya na dito ako matulog sa inyo! Tapos hindi ka maniniwala?” Tanong nya.

At ano daw?! Hahalikan nya ang Papa ko!? BAKA GUSTO NYANG SAPAKIN KO SYA?!

”Fine. Tatawagan ko si Papa.” Sabi ko at tinalikuran sya.

Pagpunta ko sa may table, may nakita akong note.

Hayaan mo matulog si Ren sa bahay habang wala ako.

Pinagkakatiwalaan ko naman sya at alam ko na hindi kayo gagawa ng milagro… sana.

Ako ang nakiusap sa kanya kaya wag mo syang paalisin. Sorry, neng. Hindi ko sinabi sa ‘yo dahil alam kong hindi ka papayag.

-          Papa

 

Para akong nanlumo sa note na binasa ko.

“So... totoo nga.” Bulong ko sa sarili ko.

“Totoo talaga.” Nilingon ko si Ren at nakita ko sya na nasa harapan ko.

Nagtataka ba kayo? Hindi ba dapat ay matuwa ako na dito matutulog si Ren? Well... don’t compare me to others!

Ayokong matulog sya dito. Ayoko talaga. Ayoko. May tatlo akong dahilan.

Una, baka hindi ako makatulog.

Pangalawa, baka gahasain ko sya.

Pangatlo, baka i – report nya ko sa pulis. Huhuhuh!

”Nagugutom ka na ba?” Tanong nya habang sumusunod sa akin sa kusina.

Umupo ako sa upuan ng dining table namin.

”Nagda-diet ako.” Sagot ko sa kanya at biglang naningkit ang mga mata nya.

I know that look!

”Fine. Kakain tayo ng dinner.” Walang gana na sabi ko.

Tumalikod naman sya para magluto.

“Ren...” Tawag ko sa kanya.

”Hmm?” Sagot nya na hindi man lang ako nilingon.

”Ayaw mo ba sa mga babaeng hindi marunong mag luto?” Tanong ko. At ng dahil sa tanong na ’yun, napalingon sya sa ’kin.

Pero ibinalik din nya ’yung tingin nya sa ginagawa nya.

Two Years After Summer (BOOK 2 of My Summer Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon