Maris' POV:
"Hay nako maristella! napakatagal mo namang mamili ng damit na susuotin para sa audition mo. ilang oras na tayong lakad ng lakad di ka ba napapagod?" Pagmamaktol ni Hannah.
"Ano ka ba hannah? ayos nga to oh? kasi, mas magandang magdesisyon bago mamili agad. kasi paano kung may sira pala? edi nagsayang ka lang?" Sabi ko habang namimili ng damit.
"Tck. sge na nga. basta bilisan mo nang mamili para di sayang efforts mo" Hannah.
parang sa Love..
Kailangan mong piliin ang tamang tao para di ka masaktan.. kasi pano kung may mali? edi sayang naman?
haysst. ayokong isipin muna yung mga ganto. ayokong masaktan si Hannah tsaka si Ate Weng sa ginagawa ko.
ayokong isipin nila na nasasaktan si Joshua dahil sakin. kung ganon man ang isipin nila, may magagawa pa ba ko?
"Oy ano na maris? nakapili ka na ba?" tanong ni hannah. nubato nagmomoment yung tao e.
"Oo. eto, bayaran na natin" sabi ko na lang. kahit hindi talaga yon.
hay! ano bang nangyayari saken? bakit ba to nangyayare? ayoko ng ganto. seryoso.
(fast forward 10000x)
Nasa taxi na kame ni Hannah. pauwi na kami. 7:00 na nang gabe. hay naman oh. si hannah busy sa katext niya. habang ako, nakatitig sa bintana. napakalalim na naman ng iniisip ko. hanggang sa kinalabit ako ni hannah.
"Oy, senti ka na naman? malalim yata yan ah? ishare mo naman" Hannah.
"Di ah. inaantok lang ako.. " pagsisinungaling ko. ayokong malaman niya. kasi masasaktan lang siya.
"Ahh. orayt! hahaha" lah? anong nangyare dito? pshh.
Nang makadating na kami sa bahay, nagbayad na kami sa driver. napansin ko, bat ang dilim ng bahay? nakaalis na yung taxi. nag ba bye na si hannah at umuwi.
bakit parang walang tao? hanggang sa may humawak sa braso ko, nabitawan ko ang mga dala ko at napatingin ako kung sino.
si Joshua lang pala.
"Joshua naman. nakakagulat ka" sabi ko. at kinuha ulit ang mga pinamili ko.
"Akala ko ba saglit ka lang? san ka nanggaling? sa mall? parang hindi" Sabi niya. ramdam ko na galit siya. malay ko ba kung bakit.
"Sa mall ako galing, Joshua. wala kang dapat ipag-taka. halika na pumasok na tayo sa bahay" sabi ko sabay binuksan lahat ng ilaw sa bahay at pumasok.
nilapag ko sa lamesa lahat ng pinamili ko at nagbihis. pagkatapos kong magbihis, bumaba ako para magluto. pero si joshua, nakaupo lang sa sofa at nakapatong ang mga siko niya sa hita niya at mukang galit paren. ano bang problema nito?
"Joshua, tulungan mo na lang akong magluto kaysa magsimangot ka dyan" sabi ko. di siya nagsasalita. nakasimangot parin.
"Joshua? ano?" sabi ko ulit. di parin nagsasalita.
bigla siyang tumayo at sinabing,
"Bakit ka ginabe?" tanong niya. "Traffic. tsaka mahirap mamili ng damit na susuotin para sa audition. ano bang problema?" sabi ko. bigla siyang nagdabog.
"HINDI YUN YUNG DAHILAN! Kaya ka ginabe kasi nakipag-kita ka sa Manolo na yan! bat ba ayaw mo pang Umamin?! ha?!" sabi niya ng pasigaw.
"Joshua Galing lang akong mall! napatagal pumili ng damit para sa auditon, at natraffic. At Bakit ako makikipagkita sa manolo na yan? Joshua wala nang dahilan para makipagkita ako sa kanya! isipin mo naman!" Sabi ko ulit.
"Sinungaling!" Sigaw niya sakin. nasaktan ako sa sinabi niya. "Bakit ba kasi Joshua?! di nga kasi yun totoo! di mo ba maintindihan paliwanag ko? at ano naman sa tingin mo bakit ako makikipagkita sa kanya?!" sabi ko habang lumuluha.
"Kasi MAHAL MO PA SIYA!" sabi niya. di ako nakapagsalita. "O ANO?! Tama ako diba?! MAHAL MO PA YUNG ASUNGOT NA YON!" sabi niya. sabay umakyat siya pataas at padabog na sinarado ang pinto ng kanyang kwarto.
napaupo ako at napahawak sa bibig ko. nilabas ko lahat ng luha ko.
Ayoko ng ganto.. nasasaktan siya e. ayoking masaktan si Joshua sa ginagawa ko pero kahit anong gawin ko di ko siya maalis sa puso ko..
pinunasan ko ang mga luha ko. matapos kong magisip-isip, umakyat ako at pumasok sa kwarto ni joshua.
pag pasok ko, nakita ko siyang nakaupo malapit sa bintana. tinawag ko ang pangalan niya.
"Joshua?" sabi ko. tumingin siya saglit. nakikita kong bakas sa muhka niya ang lungkot at galit ng dahil sa nagawa ko.
Lumapit ako sa kanya.
"Joshua, sorry na kung di ako umuwi ng maaga. pero maniwala ka.. totoong hindi ako pumunta sa kanya.. alam mo namang di ko gagawin yon diba?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
nagulat naman ako ng bigla niya akong yinakap.
"Ayoko lang naman kasing bumalik ka sa taong sinaktan ka ng husto e.. ayokong masira ulit ang buhay mo dahil sa kanya.. ayokong makita na masaktan ulit.. kasi parang napaparamdam ko sayo hindi ako sapat e.. ayokong magmuka akong barumbado dahil nasaktan ka ulit.. parang awa mo na.. wag mo kong iiwan ah?" sabi niya habang umiiyak.
yinakap ko siya pabalik.
"Joshua.. wag mo nang isipin yan.. okay?" sabi ko na lang.
Pagkatapos ng dramahan, bumaba ulit ako at nakita si Ate Weng na nagaayos ng kakainin sa kusina.
"nasunog na tong niluluto mo oh" sabi niya. muhkang napansin niya ko kahit busy siya sa pagluluto.
"Sensya na 'Te weng. nag—" pinutol niya ang sinasabi ko at nagsalita, "Nagaway na naman kayo ni Joshua?" feeling ko galit na naman to. "opo.." sabi ko ng mahina.
"Nga pala, san ka nanggaling kanina?" pangalawang tanong niya. "Namili po ako ng damit.." ako.
"para saan?" Ate Weng.
"Sa... Audition po.." Ako."Bakit ? para makita si Manolo ?" sabi ni Ate Weng. at laking gulat ko ng binanggiy niya si Manolo.
"Mag-Auaudition din siya e. di mo alam? o nagkukunyareng hindi mo alam?" Ate Weng.
Muhkang galit na talaga to. di ako makapagsalita.
"Maris, Eto lang sasabihin ko sayo..." Lumapit siya sakin at tinuloy ang sasabihin niya. "Please lang.. wag mo nang saktan si Joshua.. naiintindihan mo?" sabi niya sabay umakyat pataas.
di na niya inalala yung niluluto niya. muhkang pang-isang tao lang to. nagets ko naman kung bakit.walang silang gana. at ako rin.. muhkang nawawalan ng gana...
Sabi ko na nga ba e..
magsasayang lang ako ng effort dito..
sana pala Di na lang... para wala aking nasasaktang tao sa ginagawa ko... sana Di na lang..[Heyoo. new update! sana magustuhan niyo. okay lang kung hindim haha. di po ako namimilit.
-queenxxadc]
BINABASA MO ANG
One More Chance (MarNolo, and JoRis) [2nd Version]
FanfictionKapag may nakipaghiwalay ba sayo na minahal mo ng todong-todo, bibigyan mo parin ba ng One More Chance? (sorry po kung lame po sa tingin niyo. kinikilig din po kasi ako sa JoRis (joshua and Maris) haha. nakakakilig din po kasi konte. pero Solid MarN...