CHAPTER 2: Worst than worstest day ever

406 21 1
                                    

Joshua's POV:

kakatapos lang ng klase umuwi na kami ng girlfriend ko. oo tama pag-kakadinig niyo. girlfriend ko si Maris. bakit ko siya niligawan? simple lang. ayaw niyang mapag-isa sa buhay. gusto niya may kasama. total, malapit rin naman siya sakin at matagal ko na siyang gusto. kaso nga lang, di niya ramdam. kaya yun. niligawan ko siya at mabuti na lang sinagot niya. 

ayoko rin namang nakikita siyang nasasaktan ng dahil lang kay manolo.

kaya nagpasya akong ligawan siya at mahalin siya ng todo. handa akong gawin lahat para sa kanya.

nandito kami ngayon sa park. tumitingin sa stars and moon. at nagkwentuhan about saming dalawa. tinanong niya ko kung iiwan ko ba siya.

"Joshua?" tanong niya sakin.

"hm?" sagot ko.

"di mo ba ako iiwan?"

tumingin ako sa kanya at hinawakan ang mga pisngi niya. at may sinabi.

"Maris. di kita iiwan. kahit di ko pa maipangako sayo na magiging tayo forever. basta eto tatandaan mo. mamahalin kita magpakailanman. hinding-hindi kita iiwan. i love you, mahal na mahal kita"

"promise?" baby face pa siya. hays.

"promise" hinug ko siya.

habang hinuhug ko si Maris, nakita ko si manolo sa tabi. parang galit yung itchura. sabay pumunta siya towards samen. tumayo ako. akala ko kakausapin kami. yun pala, susuntukin lang pala ako sa mukha.

"MANG-AAGAW KA!!" sigaw niya sakin. sabay sinuntok ko siya pabalik.

"Ano bang problema mo?!?! kasalanan ko ba kung mamahalin niya rin ako?!?" sinabi ko sa kanya.

"tama na ano ba!?" sigaw ni maris.

di parin kami tumitigil. nagsuntukan kami hanggang may mga pasa na kami sa muhka. eh, nauna siya eh. edi sinuntok ko na lang din siya.

"sakin lang siya joshua! mang-aagaw ka! kinuha mo yung pinakamamahal ko! hayup ka!" sigaw ni manolo.

"kasalanan ko bang mahalin ko siya at mahalin niya ako?! palibhasa, babaero ka! sinasaktan mo lang siya!! i-kumpara mo naman sakin!! di ko siya nilulubayan kahit nasasaktan na siya!! di ko siya iniiwan!! eh ikaw?! minahal mo ba siya?! hindi diba?! babaero!!"

"ANO BA?!? TAMA NA NGA YAN?!?" nung sumigaw na si Maris, tumigil na kame.

umiiyak siya. kasalanan talaga to ni manolo. kung di lang siya naghanap ng gulo, masaya na sana kami.

"kung ng dahil lang sakin kaya kayo nag-aaway.. mas mabuti pang lalayo na lang ako. ayoko kayong saktan. *sobs* kaso, ako lang naman pala ang dahilan kaya kayo nag-aaway *sobs*" sabay tumakbo siya hanggang sa hindi na namin siya makita.

"Maris!" sumigaw ako.

"Maris!" sumigaw din si Manolo.

"Kasalanan mo to eh!!" tinulak ko si manolo.

"ako?! bakit mo ako sinisisi?! sisihin mo yang sarili mo!!" sigaw sakin ni manolo.

hinayaan ko na lang siya duon. pero pilit niya parin akong sinusundan. sinigaw na namin lahat. di parin namin makita si Maris. hanggang sa makita ko siyang tumawid sa kalsada at nasagasaan.

"MARIS!!!!" sigaw namin ni manolo.

tumakbo ako habang umiiyak at binuhat si Maris para humingi ng tulong. buti na lang may natawagan agad na ambulansya.

umiiyak ako sa kalsada. hanggang sa lumapit si manolo.

"kasalanan mo to eh! kung hindi mo lang pinapairal yang selos mo at kung hindi ka lang dumating! masaya sana kami! pero hindi eh! umalis ka na nga!"

sinigawan ko siya ng sinigawan hanggang sa makaalis siya.

nakadating na yung ambulansya at dinala na kaagad kami sa ospital.

bwisit na araw to. kung di lang dumating si manolo, di sana naging ganto ang sitwasyon.

Maris. gumising ka. di ko kaya ng wala ka. ayoko pang mawala ka. kaya please. mabuhay ka para sa matibay na relasyong meron tayo. alam mo namang mahal na mahal na mahal na mahal kita eh. please...

bwisit na buhay.. this is the Worst than worstest day ever...

[hi guys!! im back!! pasensya na sa story ko. kung may mali po kayong nakita, pasensya na po talaga. sorry po kung sobrang lame. :)

so guys, sino gustong mapasama sa storyang to? comment your real name and age.

first five lang po. thank you. lab yah.

dont forget to vote, share, and comment

MNLSFRVR123]

One More Chance (MarNolo, and JoRis) [2nd Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon