CHAPTER 8: sana..

38 6 2
                                    

Manolo's POV:

"Kuya manolo gising naaaaaa!!" nagulat ako sa sumigaw sa tenga ko. si Jelay lang pala.

minulat ko ang mga mata ko at paunti-unting tumatayo. ang sakit parin ng katawan ko. seryoso.

"Kakain na daw sabi ni Kuya Fifth" Lee. nauna ng bumaba si Jelay at ako, umupo muna saglit sa gilid ng kama ko. tumingin ako sa salamin.

Eto na ba talaga yon?
kailangan ko na ba talagang itigil to?
ayoko..
wala akong pakielam kahit masaktan ako..
kakayanin ko to..
kakayanin hanggang dulo..

(knock3x)

"Manolo? kakain na" fifth.

"Ah, susunod na ko. maliligo lang" ako.

pumasok ako sa banyo pero bago pa akong magsimulang maligo, pumasok na naman siya sa utak ko.

hinawakan ko ung ulo ko na para bang sumasakit.

bakit ba kasi di ka maalis sa puso ko?
kahit ilang beses ko pang ipagtabuyan ang nararamdaman ko sayo pilit parin akong hinihila pabalik. minsan gusto ko nang sumuko. pero hindi e. hindi ko kaya kasi Mahal na mahal parin kita. sobra.

hayst. makaligo na nga lang.

(fast forward)

Pagkatapos kong kumain, uminom na ko ng tubig. sana di ko muna siya maisip. audition ko pa naman ngayon.

"Kuya, ano na? ready na ba you?" Jelay. aba, mas muhka ka pang masaya kaysa sakin ah.

"Jelay, kita mong magaayos pa e. wag ka ngang atat. paghandain mo muna pinangungunahan mo na naman e" Sabi ni Lee. mukang sumimangot naman tong si Jelay.

"Wag ka ngang ano jan Lee. sino ba namang di maeexcite? hay nako" Jelay. "O tama na yan. baka magaway na kayo jan ah" Sabi ni Fifth.

"O, okay na ko. tara na?" Sabi ko.

tumalon sa saya si Jelay at Lee at hinila ako papunta sa sasakyan. iba talaga tong dalawang to oh.

"Ingat pre! ingatan mo din yang dalawang yan ah! haha!" Pahabol ni Fifth. "Oo! Hahaha" Sagot ko.

sana maging maayos naman. sana..

Maris' POV:

pagkagising ko, ang hapdi ng mata ko. sino ba namang di hahapdi e lagi ka na lang umiiyak. ayoko nang umiyak. di naman nakakatulong e.

nagulat na lang ako ng biglang pumasok sa kwarto ko si Joshua.

"Goodmorning! halika na, kain na tayo" Ani nito. ngumiti lang ako ng saglit at tumayo sa higaan sabay nag hilamos ng muhka at bumaba kasabay si Joshua.

pagkadating ko sa kusina, bakit ang daming handa? nakakapagtaka.

"Joshua, bat ang daming handa?" tanong ko. "Wala lang. naisipan ko lang. ayaw mo ba?" Sabi niya. "Hindi, nagtaka lang ako. pero, salamat" sabi ko na lang at umupo na at nagsimulang kumain.

(a/n: Iron! di man lang nagdasal! hahaha xD)

"Maris, sorry nga pala kagabi kung masyado akong nagalit sayo.." bakit ba nabuksan na naman tong topic na to? nakalimutan na e.

"Okay lang.. naiintindihan kita.." sabi ko at tinuloy ang pagnguya ng kinakain ko.

"Mahal mo pa ba siya?" tanong niya.
"Josh, wag na muna natin pagusapan yan. kumain na muna tayo" sabi ko at uminom ng tubig.

"Nakikita ko sayo.. na mahal mo pa si manolo.. kaya ka nagkakaganito.." tama nga ba siya? pero ayokong may masasaktan sa ginagawa ko. ayokong masaktan si Joshua.

"Josh, Wag na nating balikan yung tapos na. pareho lang tayong masasaktan. kalimutan na natin yan. wala namang pakinabang yan e. kaya please.. wala na yun.. wala na, tapos na... kalimutan na natin. okay?" Sabi ko kay Joshua. tumayo lang siya at umakyat pabalik sa kwarto niya at sinara ulit ung pinto.

at ako, nakaupo lang. iniisip kung anong gagawin.. makanood na nga lang.

pumunta ako sa sofa at umupo sabay binuksan ko yung tv. oo nga pala. start na nga pala ng the voice mamaya. nakakalungkot man kasi di ako makakasali, pero ayos na to. para makaiwas na din.

biglang pumasok si Ate weng at si hannah.

"O, Ate Weng? Hannah? napadalaw po kayo?" tanong ko. "Wala lang. bibisitahin ko lang si Joshua. baka ano na nangyayare dun" nahahalata ko paring galit si Ate Weng. hayst. wag ko na nga lang munang isipin.

"Maris, napapunta ako dito kasi... may sasabihin ako sayo.. pero pwedeng sa labas tayo?" Nakakapagtaka. bakit and weird ngayon ni hannah?

lumabas kami at naupo sandali sa bench na nakatambay sa labas.

"Maris.. Si ano kasi e... si manolo..." nubato patigil-tigil pa ayaw pang deretchuhin.

"ano?" ako.

"Kagabi kasi kumatok siya sa bahay. nagulat ako non tas nagtaka na rin ako. humihingi siya ng favor. sabi ko bakit sakin. ang sabi niya naman, kasi ako lang daw yung matalik mong kaibigan... tapos pinapasabe niya na...." hayst! Hannah ituloy mo na.

"Na ano? hannah deretchuhin mo na kasi" sabi ko. patigil-tigil kasi e.

"na babalik na siya ng amerika sa susunod na buwan. dun na daw ulit sya for 5 or 10 years up. at kaya lang daw siya sasali ng the voice, gusto ka lang niyang kantahan kahit di daw siya pumasa okay lang.. maris.. ayoko sanang sabihin muna e.. kaso ayoko namang itago sayo.. ayokong magkagalit tayo.. yun lang"

di ako makapagsalita..
aalis na naman siya??
matagal na naman siyang di makakabalik??
pano na to??
pano na ko??

bigla na lang akong napaluha..

"Bat ka umiiyak?" Hannah.
"Di ko na alam hannah.. di ko na alam kung ano paninindigan ko.. yung dito lang ako sa tabi ni joshua palagi para di siya masaktan.. o yung pagmamahal ko kay manolo.. Ayokong isipin nila na wala akong kwenta... ayoko din namang may mangyaring masama dahil sakin.. ayoko ng gulo.. ayoko.." Bigla akong niyakap ni hannah. at sinabi, "Alam mo.. kahit masakit kay joshua.. maiintindihan ka niya.. kasi alam mo kung bakit??" Hannah.

"Kasi mahal na mahal ka niya.. kaya kung san ka masaya, masaya na siya... pero sana maintindihan mo na hindi ito yung tamang oras.." bumuhos yung luha ko ng sobra habang nakayakap kay hannah.

sino ba talaga ang pipiliin ko?!?!
mahal ko o mahal ako?!
Ayoko ng ganito. NAKAKABALIW!

"Mahirap piliin ang taong mahal mo kaysa sa taong nagmamahal sayo ng totoo... masasaktan ka lang kasi di mo na alam kung ano ba talaga ang paninindigan mo... pero madalas ang napipili natin, ay kung saan tayo sasaya.. at dun yon sa taong mahal mo.. kaysa sa taong nagmamahal sayo pero di mo maibigay yung pagmamahal na hinihingi niya kasi di siya ang tamang tao na kakasha sa puso mo.. kaya nahihirapan kang ipadama sa kanya ang lahat ng nararamdaman mo kasi hindi naman to para sa kanya kasi para ito sa taong mahal mo... at yun ay si manolo.. " Di ko mapigilan ang sarili ko na umiyak ng umiyak. wala naman akong ibang magawa e..

mahina kasi ako.. sobra.. di ko kayang panindigan yung pagmamahal ko kay joshua.. kasi nasaktan lang ako kaya ako nagmahal ng iba.. ang sakit... ang sakit-sakit.. sobra..

sana.. wala nang ganito.. puro na lang ako sana.. wala namang nangyayare e. para lang akong tanga..

hayst.. nakooo!! ayoko na talaga!!

[new update! hope y'all like it! :))]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One More Chance (MarNolo, and JoRis) [2nd Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon