This story contains strong languages. Please beware.
Prologue //
"S-sir.. H-hindi po n-namin s-sinasadya.." Pagmamakaawa ng isa sa tauhan ni Vincent Riley.
Tinitigin lang ni Vincent ang tatlong tauhan nyang nakaluhod sa harapan nya habang hawak hawak ang folder na naglalaman ng mga kapalpakan nila.
Bigla namang may naglagay ng kamay sa balikat ni Vincent kaya agad syang napatingin sa likod nya, at nakitang nyang si Mac pala ang may-ari ng kamay na yun kaya agad nya itong sinamaan ng tingin.
Bakas naman sa mukha ni Mac ang takot ng makita ang mga mata ni Vincent na puno ng galit kaya agad nyang tinanggal ang kamay nya sa balikat ni Vincent at napayuko nalang sya.
"M-master R-riley.. m-may p-pamilya po k-kami.." nabalik naman ang atensyon ni Vincent sa tatlong nang magsalita ang nasa gitna nila.
"Alam mo ba ang trabahong pinasok mo?" Malamig na tanong ni Vincent.
Napalunok naman sa takot ang tatlo.
"O-opo.." sabay sabay na sagot nila.
"Alam mo ba ang parusa sa mga tauhan kong pumapalpak?" Malamig ulet na tanong ni Vincent sa tatlo, sabay angat ng kamay na may hawak ng folder at agad namang kinuha ni Mac ang folder sa kamay ni Vincent.
Umiling namang ang tatlo.
Dahan dahang kinuha ni Vincent ang handgun sa likod nya na nakaipit sa pantalon nya, para makita makita ng tatlo.
"S-sir.." Halos parang nakakita naman ng multo tatlo ng makita ang handgun sa kamay ni Vincent at lalo na nung itunutok ito sa kanila.
"Alam nyo ba kung magkano ang nawala sa transaction na yon dahil sa kapalpakan nyo? isang daang milyon ang sinayang nyo." Saad ni Vincent sa tatlo habang nakatutok pa din sa kanila ang baril.
"H-hindi na po m-mauulit.." pagmamakaawa ng isa sa kanila ngunit huli na dahil isa isang pinatamaan ni Vincent sa noo ng bala ang tatlo, at dahan dahan silang tumumba nadilat ang mga mata.
"Linisin nyo yan." utos ni Vincent kay Tim, ang taga bantay ng warehouse kung nasan sila ngayon,
Humarap sya kay Mac, "Whats the status of the other three warehouses?"
"Maayos na po ang warehouse number 2, tinigilan na po ng police ang pag iimbistiga nung nalaman nilang ikaw ang nagmamay-ari non." Sagot ni Mac.
"Good." Maikling sagot ni Vincent at umalis na sya ng warehouse.
Vincent Riley, the most dangerous and well-known person pagdating sa mundo ng smuggling at drug dealing sa bansa.
At the age of 17 ay sya na ang nagtuloy ng illegal bussiness ng pamilya nya simula nung ipasalvage ang buong angkan ng Riley pero hindi sya napasama dahil sa ampon lang sya, at matapos ang 7 taon ay hindi na pa din nya nahahanap ang ang umubos sa pamilya nya.
-
"Master Vincent." Saad ng butler ni Vincent pagpasok nya ng Riley Estate. Lahat ng katulong nya ay sinalubong sya at naka-bow sa kanya.
Nagnod lang si Vincent, Kinuha ng isa sa maid ang coat na suot ni Vincent. Habang naglalakad sya paakyat sa kwarto nya at dahan dahan nyang tinatanggal ang necktie nya.
Sanay na sya sa ganung set-up. Babatiin sya ng maid nya, aakyat sya ng kwarto at titignan ang ibang papelas na naiwan pa.
Pagpasok nya ng kwarto nya ay nagtungo sya sa pinto ng balcony para lumanghap ng sariwang hangin.
Nagulat sya ng may makita syang babaeng nakahandusay sa balcony nya, naka-all white ito at may pagkakulot ang buhok.
"What the hell?" Buong nya sa sarili nya.
Biglang naging seryoso ang hitsura nya nang maisip nya na baka isa ito sa mga tauhan ng kalaban nya sa negosyo at pinapunta ito para mag-spy sa kanya.
Agad syang nagtungo sa pintuan nya at pinindot duon ang isang buton na nag-uugnay kung saan nasan si Butler Jeffrey. Wala pang isang minuto ay dumating na din ang butler.
"Master Vincent? Ano pong kailangan nyo?" Nagtatakang tanong nito. Madalang lang kasing tawagin ni Vincent si Butler Jefrrey sa ganitong oras ng gabi.
"Mahigpit ba yung security naten nung wala ako?" Malamig na tanong nito.
Tumango naman si Butler Jeffrey, "24/7 pong alert ang security naten, baket po?"
Napataas ng kilay si Vincent, "Mahigpit? Then tell me why there's an unconcious girl in my balcony?"
///
Genre: Fantasy, Romance, Non-Teen Fiction, Mystery, Adventure.
BINABASA MO ANG
Our Dangerous Fairytale
Fantasy[© comebackhey] I'm the most dangerous man, and she's the most annoying fallen Angel (Literally). So what will happen when i bump into her, in my balcony, unconscious?