Day 1: [Part 1]

458 15 4
                                    

Day 1: [Part 1]

Nakatayo habang naka-cross arms lang si Vincent sa may pinto nang magising ang dalagang natutulog sa kama nya. Napataas ang kilay nya nang pagmasdan ng dalaga ang paligid nya, Bigla pa itong napahawak sa likod nya at may tinignan duon. Nung wala syang nakapa ay biglang nag-lit up ang mukha nito.

Bumangon ang dalaga at nagtungo sa salamin at tinignan ang sarili. Hinawakan nito ang dalawang pisngi at napangiti.

Hinawakan din nito ang reflection sa salamin.

Mas lalong kumunot ang noo ni Vincent habang pinagmamasdan ang wierdong dalaga.

Wala itong ibang suot kundi isang puting sleeveless dress na hanggang tuhod at masyado itong manipis.

Agad namang iginala ng dalaga ang tingin at nang makita nya si Vincent at agad syang lumapit dito.

Dahan dahang lumapit ang dalaga sa kanya ng hindi tinatanggal ang tingin sa mata nito.

Nung kumunot ang noo ni Vincent ay biglang nag-lit up ang mukha ng dalaga na para bang hindi makapaniwala.

Tinatanya lang ni Vincent ang dalaga, nung makalapit na ito sa kanya ay nilapit ng mukha ng dalaga ang mukha nya kay Vincent, nagulat nalang sya nung biglang sundutin ng dalaga ang kanang pisngi nya ng hintuturong daliri nito.

"What the hell?" Naiiritang tanong ni Vincent.

Agad namang napaatras ang dalaga at nagside to side. Sinundan naman ng tingin ni Vincent ang dalaga.

"N-nakikita mo ko?" Tanong ng dalaga.

"Why wouldn't i?" Maikling sagot ni Vincent sabay taas ng kilay.

"Talaga?!" Hyper na tanong ng dalaga.

"Galing ka bang mental? Pa'no ka nakapasok sa balcony ko?" Malamig na tanong ni Vincent.

Agad namang napahinto ang dalaga sa pagtatalon at tinignan si Vincent.

"Ano yung mental? Tsaka saan ang balcony?" Nagtatakang tanong nito sabay ikot ng tingin.

"What the fck are you?" Hindi napigilang itanong ni Vincent. Bigla syang umayos ng tayo.

"Hey! Masama ang magmura! Tsaka, isa akong Angel.. ay wait, Fallen Angel kasi wala na ko sa heaven tsaka.." sabay tingin sa likod nito, "wala na yung pakpak ko." Sabay pout.

"Nanggagago ka ba?" Galet na tanong ni Vincent.

"Hindi!"

Sasagot pa sana sya nang may kamay na pumatong sa kanang balikat nya, "Ano bang pangalan mo Hija?" Tanong ni Butler Jefrrey na nasa likod na pala ni Vincent.

Nilingon sya ni Vincent. Mukhang narinig lahat ni Butler Jeffrey.

"Tawag po nila saken sa heaven ay Number 101." Sagot ng dalaga.

"Dalmatians?" Pang-aasar ni Vincent.

"Ano yung dalmatians?" Inosente at nagtatakang tanong ng dalaga.

Bigla namang natawa si Vincent. This girl is so entertaining and annoying. Nagulat pa si Butler Jeffrey nung natawa si Vincent dahil matagal na itong hindi ngumingiti lalo na ang tumawa.

"Wala." Maikling sagot ni Vincent sabay iling iling.

Tinignan ni Vincent ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Our Dangerous FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon