Day 2.

440 21 13
                                    

Sorry for the typo errors. 

Day 2.

Biglang nagising si Vincent ng may marinig syang bagay na nabasag. Agad syang tumingin sa paligid nya, at bigla nyang naalala si Avi, Ngunit nung tumingin sya sa tabi nya ay wala naman ito dito.

Bigla syang umiling, Baka panaginip lang ang lahat. 

Nakarinig nanaman sya ng may nabasag galing sa labas kaya minabuti na muna nyang mag-shower at mag-ayos. Dahil hindi sya lumalabas ng kwarto ng hindi pa sya nakakashower. 

Habang nagshoshower ay hindi nya maiwasang isipin kung panaginip nga lang ba talaga yung babaeng walang malay sa balcony nya at sinasabing anghel daw sya. 

Napailing nanaman sya, Matutuwa ba sya kase panaginip lang yun o madidisappoint dahil hindi sya totoo. Napasuklay nalang ng buhok si Vincent gamit ang kamay nito dahil sa frustration. 

Matapos ang shower ay nagulat sya ng may mabasag nanaman na kung ano galing sa labas at kasabay nun ang mga sigawan. 

Muling nagtaka si Vincent. Hindi naman tanga-tanga ang mga katulong nya, at siguradong nasa labas si Butler Jeffrey at hindi nya hahayaang may kung anong mangyare sa loob ng bahay at mas lalong walang makakapasok ng kung sino sa estate nya dahil halos isang daan ang gwardya na nakapalibot sa buong estate at may order silang shoot to kill. 

Agad agad syang nagbihi ng business attire at madaling lumabas ng kwarto nya. 

Halos malaglag ang panga ni Vincent dahil sa natunghayan. Halos lahat ng vase nyang mamahaling at galing pa sa ibang bansa ay pira-piraso nalang na nakakalat sa sahig.

At ang mga maids nya ay busy sa paghuhuli sa tumatakbong si Phantom at.. Avi? Na nakasuot pa ng night gown at naka-paa lang.

"Chu-chu! Chocolate cake ko yaaaan! Bumalik kaaaa!" Sigaw ni Avi kay Phantom habang hinahabol nya ito. 

Si Phantom naman ay halos masagi na lahat ng vase at mga babasagin na antigo sa estate ni Vincent. 

Tumahol lang ang asa na tuwang tuwa pa sa paghabol ni Avi. Akala nya ay nakikipaglaro lang si Avi sa kanya. 

Ang mga maids ay lalong nataranta at hindi alam kung paano papatigilin ang isang anghel at asong naghahabulan. Napahinto ang lahat ng maids pati na din si butler Jeffrey ng makita si Vincent na halos malaglag ang panga na pinagmamasdan ang dating maayos na estate nya na ngayon ang punong puno na ng basag na vases.

Biglang sumama ang tingin ni Vincent sa mga maids na sobrang takot sa kanya samantalang si Avi at Phantom ay busy sa paghahabulan. Hindi naman na napansin ni Vincent ang mangiyak-ngiyak na itsura ni Avi dahil sa takbo diin ito ng takbo. Nagkalat namang sa nguso ng aso ang mga chocolates.

Magsasalita na sana si Vincent ng makita sya ni Avi at tumakbo ang dalaga patungo sa kanya sabay niyakap nya ito sa leeg, Hindi naman inaasahan ni Vincent iyon kaya na-out balance sya ang napaupo sa sahig. 

"Vivi! Kinain ni Chu-chu yung mga chocolate cakes ko! Wala ng chocolate cakes sa ref! Wala na, wala na kong chocolate cakes! inubos na lahaaat!" Pagrereklamo ni Avi kay Vincent. 

Vincent chukled, So hindi pala talaga yon panaginip, Totoo pala talagang may anghel na napadpad sa balcony nya, at eto sya ngayon halos paiyak na dahil lang sa kinain ng aso ang chocolate cakes daw nya. 

Biglang tumahol si Phantom na nakaupo sa harap ni Avi at Vincent habang nagwiwiggle wiggle ang buntot neto. Agad na napaharap si Avi kay Phantom, Tumayo si Avi at nilagay ang dalawang kamay sa bewang, "Ikaw Chu-chu! Hindi na tayo bati! Dahil sa'yo wala na kong chocolate cakes! Ubos na, Tignan mo nga yang bunganga mo, Puro na chocolate cakes ko!" sabay binelatan ni Avi ang aso, na tumahol lang. 

Our Dangerous FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon