Day 1: [Part 2]

423 16 8
                                    

Day 1: [Part 2]

Napatili ng pagkalakas lakas ang dalaga nung buksan ni Katrina ang shower at bumuhos sa dalaga ang ubod na lamig ng tubig ng shower.

"KYAAAAAAAAAAAAAAH! Ang sayaaaaaaaaa!" 

Napakunot naman ng noo si Katrina dahil sa attitude ng dalaga, hindi na sya nagtanong dahil pinagbawalan din sya ni Vincent na kausapin muna ang dalaga sa kadahilanang baka kung anu-ano ang sabihin ng dalaga kay Katrina.

Natapos ang nakakatuwang pagshoshower ng dalaga ay inabot na isa-isa ni Katrina ang mga isusuot nya, tinuruan na din pala sya ni Katrina kung paano isuot ang bra.

Bigla namang may naalala ang dalaga nung pagkaclasp nya ng bra sa likod, "Ayyy! Katrina, baket pala kanina hindi ako tinuruan ni Vivi magsuot neto? Madali lang pala."

Biglang nagulat si Katrina sa itinawag na pangalan ng dalaga kay Vincent.

"Kase po miss..." Katrina trailed off waiting for the girl to finish her sentence by giving her her name.

"Halaa! Ang daya! Ikaw si Katrina, tapos si Mister Butler, tapos si Vivi, tapos si Chuchu pero ako walang pangalan!" Pagmamaktol ng dalaga sabay pout pa sa harap ng salamin.

Nagtaka naman lalo si Katrina, sino ba naman kaseng nilalang ang walang pangalan? Eh ultimo nga isda may pangalan sya pa kayang tao?

Magsasalita na sana si Katrina ng biglang humarap sa kanya ang dalaga.

"AHA! itatanong ko kay Vivi! Wait ka lang jan ah!" Sabay takbo nito palabas.

"teka po miss--" Naputol ang sasabihin nya nung marinig nya ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto ni Vincent.

Napailing sya sa kaba at takot dahil matinong ipinagbilin sa kanya ni Vincent na dapat ay maayos na lalabas ang dalaga pero eto ngayon sya, nakatingin sa kawalan, inaalala kung ano ng nangyayare sa dalagang lumabas ng naka-bra at above the knee short lang, tapos basang basa pa yung buhok nito.

May kausap sa cellphone nito si Vincent sa baba lang ng hagdan, Dahil akmang aakyat na sya nun nang biglang tumunog ang cellphone nya kaya sinagot nya muna ito.

Wala naman syang kamalay malay sa pababa ng hagdan na dalaga.

"VIVI!!" halos mabitawan ni Vincent ang kanyang cellphone dahil sa sobrang gulat. Nilingon nya ang pinanggalingan ng boses at halos malaglag ang panga nya sa tumatakbong taga-bundok pero kahit papano ay nagpasalamat na din sya dahil may bra ito ngayon pero kahit na. Nandidito pa naman ang tatlong bodyguard at ang kanang kamay nya.

"ANO BANG PUMASOK SA ISIP MO AT LUMABAS KANG NAKAGANYAN?!" sigaw ni Vincent sa dalaga pagkalapit nito sa kanya.

Pero imbis na matakot ang dalaga ay naexcite lang ito sa ipapangalan sa kanya ni Vincent, "Vivi! Gusto ko din ng pangalan!" Naeexcite na tanong nito kay Vincent at halatang hindi nito pinansin ang pagsigaw ni Vincent.

Sa gilid ng mata nya ay nakita nya ang mga tingin ng bodyguards at ng kanang kamay nya sa katawan ng dalaga.

Pero halos natunaw si Vincent sa ganda ng mata ng dalaga at sa makinang na titig sa kanya ng mga mata nito.

On instinct, tinanggal nya ang suit nya at pinatong sa katawan ng dalaga.

"All of you, leave the fuck, NOW!" he order to the four of them, Nagdadalawang isip na umalis sa likod ni Vincent ang apat.

Nung alam nyang wala na yung apat ay tsaka lang nya pinansin ang nakatayong dyosa sa harapan nya at naghihintay pa din ng sagot.

"Ikaw naman! Wag ka ngang basta basta lalabas! Nasan na ba si Katrina? KATRINA!" Sigaw nya.

Our Dangerous FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon