Yay! Day 4 na. Grabe! Belated Happy Birthday to my Mars! This is my gift. Kahit super late. Hihihi.
/
Day 4: [Part 1]
"Aalis kami ni Vivi, Aalis kami.." Paulit ulit na pakantang saad ni Avi habang paikot na tumatakbo sa dining area. Tahol lang ng tahol si Phantom sa likod nito habang halatang excited na excited na si Avi.
"Pupunta kame sa gawaan ng chocolate cake.. yeah yeah yeah.." Dagdag pa nito.
"Avi?" Napahinto sya nung marining nya ang boses ni Butler Jeffrey, Nilingon nya ang matanda.
"Baket po?" Nakangiting tanong nito. Tumahol ng dalawang beses si Phantom sa harap ni Avi at winagayway ang buntot nito sabay umikot at tumahol ulet.
"Shh Chuchu, wait lang." Saad ni Avi habang nakalagay ang hintuturong daliri nito sa labi. Agad na tumahimik si Phantom at tumitig lang kay Avi.
Ngimiti si Butler Jeffrey, "Nandun na sa kwarto mo si Katarina, Mag-ayos ka na daw sabi ni Master Vincent."
Agad na napa-frown si Avi, Maliligo na agad sya? Pero hindi pa sya kumakain ng chocolate. Yung pancake kase ang pinakain sa kanya ni Butler Jeffrey.
Pero hindi na nya ito itinanong at nag-nod nalang sya. Dun naman sila pupunta sa gawaan ng chocolate cake eh.
Tumakbo na agad si Avi sa kwarto at susunod na sana si Phantom ngunit pinigilan ito ni Butler Jeffrey.
"TADAAAAAAAA!" Masayang bungad nito pagkabukas ng pinto.
Sa sobrang gulat ni Vincent ay nabagsak nito ang cellphone na hawak hawak at agad na napalingon sa direkson ng pintuan.
Agad ni isinira ni Avi ang pinto at tumingin-tingin sa paligid, Ignoring the half naked Vincent who's only wearing a white towel around his waist.
"Katarina? Katarina? Nasan ka?" Sigaw nito habang palingon lingon, "Vivi? Sabi ni Mr. Butler punta na daw ako sa kwarto ko kase andun na si Katarina, baket wala sya?" nagtatakang tanong ni Avi kay Vincent.
Napashake nalang ng ulo si Vincent at napabuntong hininga, Ang ibig sabihin naman kase ni Butler Jeffrey ay yung kwarto ni Avi na inayos para sa kanya hindi itong kwarto ni Vincent.
At sya ang babaeng hindi nag-swoon sa kanya, He's only wearing a towel pero walang epekto kay Avi, but if it was the other way around..
Again, napashake sya ng ulo. Nope. No time para sa ganyan.
"Avi, nandun si Katarina sa kabilang kwarto na inayos para sa'yo, hindi dito sa kwarto ko." mahinahong saad ni Vincent.
"Pero.. pero... May monster dun eh!" Natatakot na saad ni Avi.
Magsasalita na sana si Vincent ng may kumatok sa pintuan nito.
"Master Riley? Hindi ko po mahanap si Miss Avi, nandito po ba sya?" Katarina didn't stutter pero halata sa boses nito na kinakabahan sya.
Agad na naglit up ang mukha ni Avi ng marinig si Katarina, Hindi alam ni Vincent kung matutuwa sya o magagalet, dahil ang alam nya ay sya lang ang may kayang magpasaya kay Avi ng ganyan.
Agad na tinalikuran ni Avi si Vincent at masiglang binuksan ang pinto, "KATARINA!!"
Halata sa mukha ni Katarina ang gulat at nakataas pa ang kamay nito na akmang kakatok ulet.
"M-miss..." And this time she did stutter, dahil na din sa half naked Vincent sa likod ni Avi na yumuko at kinuha ang cellphone nya.
Binalik ni Katarina ang tingin kay Avi, "Miss, Aayusan ko na po kayo."
BINABASA MO ANG
Our Dangerous Fairytale
Fantasy[© comebackhey] I'm the most dangerous man, and she's the most annoying fallen Angel (Literally). So what will happen when i bump into her, in my balcony, unconscious?