Day 4: [Part 2]

404 27 32
                                    

Hi! I'm here again. May nagbabasa pa ba neto? Medyo naluha ako habang sinusulat ito, sana magustuhan nyo.

Day 4: [Part 2]

She was supposed to feel scared, will cling to him because of the bad aura inside the warehouse.


May ibang nag-iinuman ng cheap beer, may mga nag babaraha, Yung iba naman may hawak hawak na mga baril na nililinis nila.


Vincent just shook his head, Malamang walang kamalay malay tong mga to na darating sya kaya ganyan mga itsura nila.


Ngunit hindi natinag si Avi sa paligid nya, Actually, nagniningning pa nga ang mga mata nito at kinakagat nya ang labi nya, halatang pinipigilang magsalita nito.


"Boss!" Sigaw ng isa sa mga gunman nyang si Billy—malaki katawan, maayos gumawa ng trabaho, mapagkakatiwalaan, kaso medyo tanga minsan.



Tumango lang si Vincent at huminto sa paglalakad. Nakita ni Avi na papalapit ang isa sa mga lalakeng may malaki katawan kaya agad itong nagtungo sa tabi ni Vincent at kumapit sa braso ni Vincent na parang linta.


Kumunot ang noo ni Vincent dahil sa naging reaksyon na iyon ni Avi pero hindi na nya nagawang itanong pa iyon dahil nakalapit na si Billy sa kanila.


"Boss Riley, Ano pong meron? Ba't napabisita po kayo dito?" Malakas na tanong ni Billy kaya't lahat ng tao sa loob ng warehouse ay aligagang umayos ng upo at nag-bow kay Vincent.


Napa-wow lang si Avi sa ginawa ng mga tao duon.


"Tinawagan ako ni Shawn, pumalpak nanaman daw yung shipment naten kaya nandito ako para ayusin yung kagaguhan nyong mga nandito." Vincent spat out. He can't help it, he was supposed to be spending his day with Avi only, pero tignan mo ang nangyare ngayon.


Imbis na matakot or mag-cowered in fear ay kumunot lang ang noo ni Billy, "Pero wala naman akong nabalitaan na ganyan, nakakapagtaka."


Vincent just glared at the man.


Billy blinked at nung marealize nya ang pagkakamali nya ay nagsorry kaagad ito, at duon palang nito napansin si Avi na kanina pa paikot ikot ang tingin.


"Why hello Miss, i'm Billy." Saad ni Billy kay Avi sabay iniliyad nito ang kamay nya para sa isang shake hand ngunit ay hindi sya pinansin ni Avi.


Napansin iyon ni Vincent kaya't ginalaw nito ang braso nya para makuha ang atensyon ni Avi.


"Kinakausap ka nya." Bulong ni Vincent kay Avi.


Tinignan ni Avi si Billy ng mga ilang segundo at tumingkayad para makabulong sya kay Vincent, "Pero sabi ni Mr. Butler wag ko daw kakausapin paghindi ko kilala."


Napa-facepalm nalang si Vincent, "Pero kinausap mo yung mga bata at yung matanda dun sa simbahan."


Napablink si Avi at sinulyapan si Billy sabay balik ang tingin kay Vincent, "Hindi ka galet?" mahina at dahan dahang tanong ni Avi kay Vincent.


Umiling naman si Vincent.


Napangiti si Avi, "Edi, okay lang?"



Vincent nodded, "Yes, Avi, its okay."


Naglit up naman ang facial expression ni Avi, bumitaw sya kay Vincent at nagtungo sa direksyon ng tatlong lalakeng nakaupo sa harap ng isang maliit na wooden table. Nanlaki ang mga mata nila ng makitang patungon si Avi sa direksyon nila.


Our Dangerous FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon