That Voice

16 0 0
                                    

France's POV

"France Myrra Gonzalvo."

"present ma'am"
nakakaantok.

Though maaga ako humiga para matulog, nilayasan naman ako ng antok. Almost 1am na sya bumalik. Kaya eto puyat.

"Ok class, this will be our last day for now. i won't be around for 2 month." Sabi ni Ms. Hernandez.

"Bakit ma'am? San kayo pupunta?" sabi ni Abigail, ang class president.

"May aasikasuhin ako sa States regarding with my family. But i'll be back before the 3rd grading period so don't worry. Hindi ko kayo mamimiss. Haha." masayang sabi ni Ma'am.

Kung aalis si Ma'am, for sure may substitute teacher siya. Sino kaya?

"So for the mean time, Your temporary adviser will be Mr. Brickson Fuentabella." announce ni maam.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Bakit siya pa ang substitute adviser namin? Jusko naman!

"Yess!" sigaw ng mga babaeng tuwang tuwa.

"Buti na lang pogi! Gaganahan ako pumasok nito!" kinikilig na sabi ni Clarissa, katabi ko at bestfriend ko.

"Clarissa, maghunos-dili ka nga." saway ko sakanya.

"Hindi ka ba kinikilig kay Sir Bricks?" tanong ni Clarissa sakin na may pagtataka.

"Hindi." tipid kong sagot.

"Bakit? Gwapo, matalino, mayaman, mabait. Ano pang hahanapin mo?" pangangatwiran niya.

"Basta." pag-iwas ko sa tanong niya.

"Sus. Siguro may type kang iba no?" tanong nito na may ngiting nakakaloko.

"magtigil ka nga sa pang-iintriga. May sasabihin si ma'am oh" saway ko.

"Ok, Sir Bricks will be here after your breaktime. You can have your early break." sabi ni maam at saka lumabas ng room.

Yari na ko neto. Si Kuya Bricks ang adviser. Bahala na nga.

*fast forward*
After 45 minute break..

"Ayan na!! Papasok na si Sir!!"
Excited na sigaw mg classmate ko.

"Badtrip, matatabunan nanaman ang kapogian natin. Pambihira!"
Yan naman ang say ng mga lalaki. Mga insecure. Haha.

"Oy France, hindi ka ba talaga kinikilig?" pangungulit na tanong ni Clarissa.

"Hindi nga!"

"Kfine. Haha" tinawanan pa ko neto. =_=

"Good morning class!"
Bati ng isang lalaki na napakaganda ng boses.

"Good morning Sir!" sagot ng buong klase maliban sa kin.

"So i know, Ma'am Aina told you already that i will be your adviser for the mean time and Math teacher as well. Sana maging maayos ang pagsasama natin sa maikling panahon." sabi nito with smile in his face.

Hindi ako makatingin sakanya..
Dahil kilala ko siya, kilalang kilala.
Bakit?
Kababata din namin siya ni Claude. At ngayon na adviser ko na siya, kailangan kong maging maingat.

"Any questions? I'll answer it. Anything." sabi niya at ngumiti na siya namang ikinakilig ng mga babae sa klase.

"Sir, ilan taon ka na?" sabi ni Abigail.

"21" sagot niya na sinabayan ko rin.

"Nakailang girlfriend ka na sir?"
Tanong ng mga lalaki.

"2" sabay naming sagot. i knew him well. Mula bata magkakasama na kami.

"Single ka ba ngayon sir?" tanong ni Clarissa.

"Yes but my heart is already taken." sagot ni Sir na halatang ikinalungkot ng mga babae.

Madami pang tinanong. Ung iba non-sense na. Like anong brand ng toothpaste gamit mo?, Favorite food, dessert etc..

"Ok class, that's enough. Tomorrow we'll start our lecture so be prepared. Goodbye." paalam nito.

"Bye Sir!" sigaw ng klase.

Tumigil siya at bumalik. Tumingin siya sakin.
" Oh, France, kindly go to my office. Now."
Paktay na!

Nakarinig ako ng iba't ibang reaksyon pero di ko na lang pinansin.

Lumabas na ko ng room pagtapos ko ayusin ang gamit. Nagpaalam na din ako kay clarissa na di na ko makakapasok ng last subject.

Nang makarating na ko sa tapat ng office ni Sir Bricks. Kumatok na ko.

*tok tok tok*

"Pasok ka." pumasok na ko. "Pakisara ng pinto." isinara ko naman.

Oh wag kayong mag-isip ng kung ano. Syempre centralized aircon ang office niya.

"Upo ka" anyaya niya sakin.

"Kuya, alam mo ba yang si Claude, nagfifeeling boyfriend nanaman." sumbong ko.

"Hahaha. Yaan mo lang. Alam mo namang importante ka dun e." pagtatanggol niya.

"Nakakainis na minsan e."

"Hahaha!" tinawanan lang ko? Amp.

"Bakit mo ba ko pinatawag kuya?" tanong ko sa kanya.

"May taong gusto kang makita."

"Sino naman yan?"

"Wait ka lang."

Narinig kong bumukas ang pinto.
"Am i late?"
That voice. Siya nga ba yun?

****

My BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon