Feelings

8 0 0
                                    

France's POV

"Paano mo nailagay tong swing na to dito?" tanong ko kay Bullet.
Yung swing na nandito ay yung mahabang swing na pandalawahan tas gawa siya sa wood. And i find it so cute.

"Minagic ko." sagot niya.

"Nakakatawa. Ha-ha-ha." sinamaan niya ko ng tingin at parang may masamang gagawin.
"Oh! Oh! Oh!!!! Anung gagawin mo?! Tumigil ka?!!"

Lalo lang siyang ngumiti ng nakakaloko.
At bigla nalang akong kiniliti ng bongga.

"HAHAHAHAHAHAH-ANO BAAAAA-HAHAHA-TAAAAMAAA NAAAAA HAHAHAHA!!!!"
Sigaw ko sakanya at saka tumakbo palayo sa kanya.

"Hahahaha. O sige na, titigil na. Upo ka na dito." pag-aya niya.

"Tama na kasi, Bullet." pag-awat ko. At saka ako lumakad pabalik sa swing at umupo.

Ilang minuto kaming nanahimik. Marahil ay dahil sa pagod ng pagtawa at pagtakbo. Tinignan ko lang ang langit. Ang ganda. Nakatago ang araw at kitang kita ang asul na kulay ng langit. Idagdag mo pa ang masarap na hangin.

"Myrra,"
Pagbasag niya sa katahimikan ng may seryosong mukha.

"Ano yun?" kinakabahan na ko sa kung anong sasabihin niya.

"From now on, i'll stay by your side. Pag kailangan mo ko, tawagin mo lang ako. Pupuntahan kita. Aalagaan kita at poprotektahan.." sabi niya.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko sa sinasabi niya pero parang masaya ako sa naririnig ko. Sa tagal ng panahon na magkalayo kami, ang sarap sa pakiramdam na sinasabi sakin to ni Bullet.

"Mahalaga ka sakin, Myrra. I-"

riiiing, riiiiing

Biglang tumunog ang phone nya na siyang dahilan kung bakit naudlot ang sasabihin niya. Napabuntong hininga siya bago niya sinagot ang tawag.

"Hello!! Bakit ngayon ka pa tumawag?!" mahinahong sabi nito pero bakas ang pagkainis sa tono niya.
"O sige na, sige na. Bye."
At in-end na niya yung tawag.

"Myrra, tara na. Bumaba na tayo." hinatak na lang niya ko para bumaba na dahil hanggang ngayon ay windang pa din ako sa mga pinasasasabi ni Bullet.

Hindi ko maintindihan. Ano ba tong nararamdaman ko?

Bullet's POV

Ngayon ay pabalik na kami sa classroom ni Myrra. Namin pala dahil simula ngayon, dito na ko mag-aaral.

Tahimik lang si Myrra at sa tingin ko ay di pa ata nagsisink-in ang lahat ng sinabi ko sa kanya kanina. Hindi pa nga natuloy ung dulo dahil sa pagtawag ni kuya. Pinapababa na kami dahil homeroom class na daw ay ipapakilala ako bilang transferee.

"Myrra," pagtawag ko sakanya.

"Ano po?" sagot nito na hlatang wala pa sa ulirat.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili." pagkakamusta ko sa kanya.

"Aaa oo. Ayos lang ako." saka siya ngumiti sa akin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Wala naman ganong studyante sa hallway dahil may mga klase pa. At nang makarating na kami sa room,

"Andito na kami, ku- este Sir."
Sabi ko sa kuya ko na ngayon ay adviser ko. Alam naman ng school na kapatid niya ako at wala naman yun kinalaman sa paglalagay sakin sa section na ito. Mataas naman ang grades ko.

"Mabuti naman." sagot nito. Nakikita ko rin ang mga kaklase namin na pinag-uusapan kami.
"France, take your seat." dagdag pa niya.

Nang maka-upo na si Myrra,
"Ok class, he is your new classmate, Bullet. He's a transferee from London. So be nice to him." hindi niya binanggit ang surname ko, siguro para hindi na rin mapagusapan. "Bullet, dun ka na lang upo sa vacant seat sa right ni France." umupo na ko at tinitigan si Myrra.

Base sa expression niya, di ko malaman kung nag-iisip ba sya ng malalim o nagdedaydream lang. Anyways, kausapin ko na lang ulit mamaya. At least nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. That i have feelings for her.

******

Ilang araw ng sabaw ang utak ko kaya pasensya. Haha. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon