France's POV
"Am i late?"
Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun.
Si..
"Bullet!" sabi ni kuya bricks na siya naman paglingon ko.
Si Bullet. Bullet Fuentabella. Ang pinaka malapit kong kababata. Higit kay Claude at kuya bricks, si Bullet ang pinakamalapit sakin. Pero umalis siya papuntang London when we we're 10years old. Now he's back. After 7 years.
"You're just in time. Kakarating lang din niya. Take a seat." pagkausap ni kuya bricks kay bullet.
"Good then."
Sabi niya at saka umupo sa tabi ko.Pinagmasdan ko lang ang lalaking katabi ko ngayon.Mas lalo siyang gumwapo. Mas matangkad na din siya and i guess nasa 5"11 ang height niya. Maganda na rin ang katawan niya. Kitang kita sa suot niyang longsleeve shirt at jeans. He was like the man of every girl's dream.
"Ehem.."
Nabalik naman ako sa realidad. Nakakahiya. Tinitigan ko siya ng matagal. Nakakagulat kasi. Sobramg tagal ng panahon na wala siya ni tawag, text or chat wala din.
"Uhm, hi." sabi ni bullet.
"Hi." nahihiya kong sagot.
"Kamusta ka na?"
"Ayos naman.." sagot ko ulit.
"O wait lang. Bibili lang ako ng makakain natin. dito na kayo maglunch." paalam ni kuya bricks.
"Ok. Sige na. Bye." sagot ni Bullet. Hindi naman halata na pinapaalis niya si Kuya.
"Sus. Ayaw paistorbo. Ge." huling sabi ni Kuya Bricks bago umalis ng tuluyan.
"So it's been 7 years. Wala ka man lang text o call o chat. Wala kong balita sa'yo.." may tampo kong sabi sa kanya.
"Sorry Myrra, sobrang naging busy ako sa studies and extra curricular activities. I tried to contact you but mom stopped me. Saka na daw, uuwi din naman ako." paliwanag niya saakin.
Maliban sa nanay at tatay ko, siya lang ang bukod tanging tumatawag sakin ng Myrra. Ewan ko sa trip niyan."Hmmm, akala ko di ka na magpapakita. Akala ko kinalimutan mo na ko.." sagot ko sa kanya.
"Syempre hindi. Makakalimutan ko ba yang siopao na mukha na yan?" pang-aasar niya sakin. Loko pala to e.
"Hoy! Anong siopao? Grabe ka sakin!"
"Mukha naman talagang siopao yan oh!" asar pa nya habang pinipindot ang pisngi ko.
""Aray!! Napaka neto!!!" saway ko sakanya.
Nagkukulitan na kami na tila wala ng susunod na oras. Inipit niya ang ulo ko sa braso niya at saka kinotongan.
"Aray!! Bullet naman ee! Masakit!" reklamo ko.
"Hahahaha!" tinawanan nanaman ako? Lahat nalang sila, tinatawanan lang ako. Amp. =_=
Biglang sumeryoso ang mukha niya.
"I missed you, Myrra."
Mahina niyang sabi pero malinaw. Napahinto ang mundo ko. Hanudaw ang sabi? I missed you? Napatingin ako sakanya at nakatitig lang din siya sakin. Tokwa! Eto ba yung kilig? Amp.
"Hey guys, let's eat!!" ganadong pasok ni kuya Bricks. Buti nalang talaga. Jusko naman. Nakakakabog.
Umayos na kami ng upo ni Bullet mula sa pagkukulitan namin.
"Mukhang namiss you ang isa't isa ha? Nakakaistorbo ba ko? Lalabas muna ko?" mapangtuksong sabi ni Kuya bricks.
"Pwede ba kuya Bricks. OA mo. Haha. Tara na nga kain na tayo." aya ko sa kanilang dalawa. At ako talaga ang naglabas ng mga pagkain kahit hindi ako ang bumili. :D
Kumain lang kami at nagkwentuhan about sa buhay ni Bullet sa London. And ako palang at ang pamilya ni Bullet ang pag-uwi niya sa Pilipinas.
"Oh it's getting late, Bullet, ihatid mo na si France. Para makamusta mo na din sila Tita Fiona." sabi ni Kuya bricks kay Bullet.
"Oh sige, let's go Myrra." aya niya sakin at sumunod na ako sa kanya.
After 15 minutes of travel, nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
Naipark na din ni Bullet ang kotse niya. Yes, he has his own car. I also have pero minsan ko lang gamitin dahil ayokong magasgasan. Haha.
"Tara, Bullet, pasok ka."
Aya ko sakanya."Manang Irma anjan na po ba si Mommy?" Tanong ko kay Manang Irma.
"Anjan na, nasa Office niya." sagot ni Manang.
"Sige po salamat"
Naglakad na kami papunta sa office ni mama.*tok tok tok.
"Come in." rinig kong sabi ni Mommy.
"Mom?"
"Yes sweetheart?"
"Guess who's here."
"Claude?" ayan nakasanayan na nya kasing si Claude amg nandito sa bahay.
"Hindi po."nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Mommy.
"Sino ba yan? Boyfriend mo?"
"Hindi po!!! Wala pa kong plano!" pagtanggi ko.
"Ahaha. Defensive. Sino ba kasi yan?"
Halatang atat na siya kaya tinawag ko na si Bullet."Hi Tita." nahihiyang bati ni Bullet kay Mommy.
"Bullet?" gulat na tanong ni Mommy.
"Opo Tita."
"Ikaw na ba talaga yan? Ang laki mo na!"
"Hehehe."
"How are you? Tara dun tayo sa garden."
Imbita ni mommy sakanya.Before, si Bullet ang palaging naglalambing kay Mommy. Pag may binili siya sa mommy niya, bibilhan din niya ang mommy ko. At binilin niya din na isama kami sa paghatid sa kanya sa airport 7 years ago. Ganyan siya kaclose kay Mommy.
Nung nasa garden na kami, hinayaan ko muna sila mag-usap ni mommy.
(Haaaaawwwww!!!!)
Nakakaantok naman.
Ramdam ko unti-unti akong pumipikit..------
BINABASA MO ANG
My Bullet
Fiksi RemajaKahit sino pa yan, Wala ka nang magagawa pag tinamaan ka ng bala ng pag-ibig sa puso.