Claude and Bullet

12 1 0
                                    

Sa mga may balak basahin ito, pagpasensyahan nyo na po ang mga typo errors. And i highly appreciate kung magcocomment kayo or kahit Pm po for suggestions or anything. Basta wag po masyadong harsh. Thank you po. Godbless. :)

Ps. Ngayon po, POV ni Bullet at ni Claude. :)
-----

Bullet's POV

"Actually Tita, sinubukan ko pong kontakin si Myrra kaso po hindi naman siya matyempohan na naka online. And sabi din po ni mama na wag na muna since uuwi din naman ako." sagot ko kay Tita. She just asked me why i didn't communicate with them for 7 years.

" oh kaya pala. But at least andito ka na. :)" nakangiting sabi ni Tita Fiona.

"Oo nga po. Gusto ko nga pong makabawi kay Myrra. Ang tagal ng panahon na magkalayo kami." sabi ko. Mejo komportable naman ako magkwento ng ganyan sa kanya dahil parang pangalawang nanay ko na sya.

Ako nga pala si Bullet Fuentabella. Ang mas nakakababatang kapatid ni Brickson Fuentabella, ang pinakasikat na bachelor sa Bridgelane City. Kababata ko si Myrra pero nung 10 y/o kami, kinuha ako ng mama ko at isinama sa London. Kaya nalayo ako sakanila.

"Just go. Basta magpapaalam kayo. Ok?" bilin pa niya.

"Yes po." masaya kong sagot.

"Good. Speaking of Myrra, yan katabi mo tulog na. Mukhang napagod sa school." nakatingin siya ngayon sa babaeng nasa tabi ko. Si Myrra. Mahimbing ang tulog nito.

"Bullet, would you mind bringing Myrra to her room?"
Sabi ni Tita.

"Ha? E Ok po." nahihiya kong sagot. I didn't thought that she still trusts me with Myrra.

"You know her room right. Babalik na rin ako sa office ko." paalam niya, bumeso at umalis na. "Ikaw na bahala ha."

"Opo."
Hay, Myrra, tulog mantika ka pa rin gaya ng dati.

Binuhat ko na sya ng bridal style. Naglakad na ko papasok sa loob ng bahay at paakyat sa kwarto niya. Nakita naman ako ni Manang Irma kaya inalalayan niya ako at siya na din nagbukas ng pinto ng kwarto ni Myrra.

"Nako, ang batang yan di na natuto kung saan saan parin natutulog." sabi ni Manang.

"Ahaha. Ganyan naman yan manang. Mula pa nung bata."
Tumawa lang kami ni Manang hindi talaga nagbago si Myrra. Dati pa nga sa ilalim ng centertable yan natutulog. Haha.

Inihiga ko na si Myrra at kinumutan. Hindi na ko makakapagpaalam kaya bigyan ko siya ng halik sa noo.

"Matulog ka ng mahimbing. Aalis na muna ko." bulong ko sakaya at saka tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Laging gulat ko ng makita si Claude sa paglabas ko.

"Long time no see.. Tara usap tayo." pag aya ni Claude.

Claude's POV

Andito ko ngayon sa tapat ng bahay ni France. Napansin ko ang isang kotseng nakapark na hindi ko pa nakikita sa bawat pagdalaw ko kay France. May ibang tao kaya ngayon?

Pumasok na ko sa loob at nakita naman ako ni Manong Jason.

"Magandang gabi sir." bati nito.

"Magandamg gabi rin. Ah manong may bisita po ba ngayon?" tanong ko sakanya.

"Opo. Hindi ko nga po kilala kung sino e. Kasama ni Ms. France." sagot nito. Classmate niya siguro.

"Sige ho. Salamat. Papasok na po ako." Sabo ko kay manong.

Pumasok na ko sa bahay nila.
Nasa may pintuan pa lang ako ng may matanaw akong lalaki na may kargang babae na parang bride.

"Teka, si France yun ah?" Sino yung may karga sakanya? Alam ba to ni Tita?

Unti unti akong lumakad papalapit habang paakyat sila. Nilapitan naman sila ni Manang irma at inalalayan hanggang sa kwarto ni France.

Sumunod ako pero hanggang sa labas lang ako ng kwarto. Narinig ko silang nag-uusap.

"Nako, ang batang yan di na natuto kung saan saan parin natutulog." sabi ni Manang Irma.

"Ahaha. Ganyan naman yan manang. Mula pa nung bata." rinig kong sabi nung lalaki.

Lumabas na si manang at siya namang pagkakataon ko na magtanong.

"Manang sino po ung lalaki?"
Nagtataka kong tanong ma parang atat na atat sa sagot.

"Ah, Si Bullet. Inihatid lang si France kanina." sagot ni manang.

Bullet. So nakauwi na pala siya. Hindi man lang siya nagpasabi.

"Sige salamat ho."
Sumilip ulit ako sa kwarto at nakita kong hinalikan niya sa noo si France. Duon ko naman mas maaninag ang mukha niya. Si Bullet nga. Papalabas na siya kaya lumayo ako sa pintuan.

Nang makalabas na siya saka ko siya nilapitan. Halata ang gulat sa mukha niya.

"Long time no see.. Tara usap tayo." sabi ko sa kanya.

"Tara. Huwag tayo dito." sagot nito.

"Sige dun sa Villen's tayo."
Aya ko.

Lumabas na kami ng bahay nila France at sumakay sa kanya kanyang kotse.

After 15minutes, nakarating na kami sa Villen's.
Bar ko ito. Hindi pa ako ang official na humahawak nito pero sakin binigay ito nila mom at dad. Ako nga pala si Claude Villena. Ang unico hijo ng mga Villena, isa sa mayamang pamilya sa Bridgelane. Kababata ko si France at ang magkapatid na Fuentabella. Matagal ko nang gusto si France kaya bago pa ako maunahan ng iba, pinopormahan ko na si France.

Umorder na ko sa may counter ng drinks.

"Kelan ka pa umuwi?" kanina ko pa gustong itanong yan sakanya.

"Last week lang bro." sagot nito sakin.

" hindi ka man lang nagpasabi."

"Nasurprise ba kita? Haha." biro nito.

"Oo e bigla bigla kang sumusulpot. Haha."

"Gaano ka katagal dito?" tanong ko pa sakanya.

"Dunno yet." maikli niyang sagot.

"Ganun ba? Well, it's good to have you here. " i said with a smile.

Nagkwentuhan lang kami for hours. Nakarami na rin kami ng inom.

"Claude, salamat sa pag-aalaga mo kay Myrra." nagulat ako sa sinabi niya. But still i remember my promise to him before he left.

"Walang anuman. Mahalaga din sakin si France kaya aalagaan ko siya." sagot ko sakanya with whole honesty dahil na din sa influence ng alcohol.

"Thank you." nakita kong ngumiti niya ng may hindi ko malamang emosyon.

Sana lang hindi kami magkaron ng alitan ng dahil sa babae.. Dahil hindi ko isusuko si France.

--------

My BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon