A Surprise

18 1 0
                                    

France's POV

It's been 3 days simula nung nagising ako na hindi ko alam paano ako napunta sa kwarto ko.

Wala naman akong mapagtanungan. Si mommy, busy. Si Manang, umalis papuntang probinsya, bukas pa daw ang balik. Hindi naman nakita ni Manong Jason ung nangyari.

Hindi rin pumupunta si Claude ng mga nagdaang araw. Di ko pa nakakausap. Si Kuya Bricks, busy sa school lalo at nadagdagan ang hawak niyang klase. Si Bullet, hindi rin nagpapakita. Ano bang nangyayari sa mga tao?

"Uy dali na kwento ka pa tungkol kay Sir Bricks!" pangungulit ni Clarissa na may kasama pang pagyugyog. Patay na patay talaga to kay Kuya.

"Hindi naman halata na patay na patay ka sakanya ha?!"
Pang aasar ko sakanya.

"Hindi ah!" pag dedeny niya.

"Asus!! In denial ka pa ha! Hindi ebidensya yang nagbblush mong mukha." sarcastic kong sabi.

"Whatever. Wag na nga!" haha! pikon na siya. I win! XD

Bigla namang nagring yung phone ko na nasa desk.

Ring... Ring..

May tumawag. Tinignan ko kung sino.

Unknown number.

09*********

Sino to?

Nung sasagutin ko na. Biglang nawala. So ano? Miss call lang?
Paasa. Amp.

"Antagal naman ni Sir Bricks my sweetie pie." inip na sabi ni Clarissa.

"Huy, Claring!! 5 minutes pa bago mag time oh! Atat na atat lang?!" saway ko kay Clarissa, yan ang tawag ko sa kanya pag nang-aasar ako.

"Utang na loob France Myrra Gonzalvo! Wag na wag mo ko tatawaging Claring! Pangmatanda!" asar na sabi nito. "Mamaya marinig ka pa ni Sir bricks. Ma-turn-off pa yun." dagdag pa nya.

"Whatever Claring! Hahaha" asar ko pa.

"Ang kulit! di na kita papakopyahin!"

"Hello te, ikaw kaya kumokopya sakin?" natatawang sabi ko.

"Ako ba?! Edi.. Edi.. Fine! " pikon nitong sagot.

"Eto naman, wag ka nang pikon Clarissa Fuentabella. Yieeee." pag-aamo ko sakanya na may kasamang pang-aasar.ang pang-aasar na gustong-gusto niya.

Tumingin siya sakin at

"BWAHAHAHAHAHAA.. PFFFT.. What's that face Claring! Hahahaha!"

Hindi ko talaga malaman kung naasar na sya o kinikilig! Hahaha. Aminin may mga kaibigan kayong ganyan. Kunwari naasar pero kung magblush daig pa kamatis sa pula. HAHAHAHA!

"France naman eh!!!"

"Oh oh oh! Huwag kang mamalo masakit!" at akma nang papaluin ako. Isa pang aminin, may kaibigan kayong nananakit pag kinikilig. Hahaha

"E kas- " putol na sagot niya.

Ring.. Ring..

Sabay kaming napatingin sa phone ko sa desk.

Siya nanaman. Si Unknown number. Dali dali kong sinagot.

"Hello?"

"Rooftop. Ikaw lang mag-isa. Now"

"Ano?! Hel-"

Aba biglang pinutol!

"Ansabi friend?! Ano na? Sino daw un?!"

"Teka lang! Sa roof top daw." sagot ko.

"O tara puntahan natin!" Claring.

"Ako lang daw mag-isa." sabi ko pero mukhang desidido syang sumama.

"Hindi naman niya malalaman. Magtatago lang ako." suggestion niya.

Ayoko rin naman pumunta mag-isa kaya sige. Lumabas na kami ng room nakasalubong naman namin si sir bricks.

"Oh san kayo pupunta?" tanong niya.

"Magsi-CR lang po." sagot ko.

"Bakit dalawa pa kayo? Maiwan ka na Clarissa." sagot ni kuya.

Nagkatinginan kami. Sa isip ko, may alam ba si kuya bricks? Pero impossible.

"Sige na, magCR ka na." sabi niya.

Wala nakong nagawa kundi pumunta mag-isa sa rooftop.

Sa pag-akyat ko, ang hagdan ay may mga pink rose petals sa gilid.

Habang papalapait ako sa pinto, lalong dumadami ang petals at may balloons sa mismong pintuan ng rooftop. May ilang papel ding nakasabit.
"You're special", "keep smiling", "stay strong", "always beautiful" etc.
Pinitas ko ang mga yun at pumasok na sa pinto.

May nakita akong lalaking nakauniform nakatayo sa gilid ng swing..

Teka, wala namang swing dito, paano nagkaron?
Anyway, sino nga ba tong lalaki na to?

Unti-unti siyang humaharap at kinakabahan ako.

To my surprise, "Bullet.."

Oo, si Bullet nga, naka school uniform. Meaning dito na sya mag-aaral? Omo.

"Myrra.." banggit nya sa pangalan ko habang naglalakad papalapit sakin. "Surprise."

"..."

"Myrra?"
"Huy! Myrra!"

"Hah?! Ano, ah, hello!" wala sa sarili kong sagot and i heard him chuckled. Juskonaman kasi. May pasurprise-surprise pang nalalaman ito.

"Hahaha. Tara na nga, upo na tayo." saka kami lumakad at umupo sa swing. "Wag kang mag-alala, nagpaalaman ako sa teacher mo."

"Malamang, kuya mo yun. Haha" sarcastic kong sagot.

"Oh kuya ko pala yun. Ngayon ko lang nalaman. Salamat sa pagsasabi." pang-asar na sagot nito.

"Pishti!" walangya. Hahaha.

"Bakit may pasurprise ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Di ba pwede? Hahaha. Saka alam kong magugustuhan mo ang swing." he said, smiling genuinely.

"Wow. Haha. Anyway, thanks. "

Nagkwentuhan lang kami the entire time at kumain na din. Nagbaon pala siya.

Bumabawi talaga siya sa mga panahon na di kami magkasama. ..

*****

Sorry for so late update. :D

My BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon