CHAPTER 4- Palusot Days

190 29 1
                                    



.

Nakita kame ni Mika na nag uusap ni Dilan,

"Whuaahh, Mikan, lumapit siya sakin at nag tanong,

"Bakit kayo nag uusap!?

"Hah!? Wala! Ahmm, napulot niya ang susi ko! Oo tama napulot nga niya, tama ka Mika mabait nga siya, Oo ang bait niya tama!,, palusot ko para hindi na siya mag duda,

"Ah,ang bait naman niya!,,
"Oo nga,hehe! Sabay ngisi ng alangan.

Buti nalang dumating yung kaibigan ni Dilan at naputol din ang usapan namin,

"Tara na! Gumawa nalang tayo nang ng assignment baka ma zero nanaman ako, ayokong malipat ng klase,,hinila at inaliw aliw ko nalang si Mikan para hindi na mag tanong pa,


---------


Matapos ang mahabang araw sa School uuwe nanaman ako sa bahay! Kaso hanggang bahay kasama ko ang asungot, nakaka asar talaga ang halimaw na yun,

"Lord sana hindi ko siya maabutan sa bahay, sana wala pa siya dun sana umalis siya, Lord please.."

Pag uwe ko nga sa bahay mabuti naman at tinugon ni Lord ang hiling ko na wala pa siya dun,

''Hindi ko kayang mag sinungaling kay Mikan sa isa pang pag kakataon pero hindi ko pwede sabihin sa kanya ang lahat kundi baka ako naman ang mapalayas sa school, haystt.. ang hirap ng sitwasyon ko!,, Napa buntong hininga nalang ako habang kinakabit ko ang kurtina na pang harang namin sa space ko at ng halimaw,

Bigla bigla namang may nag doorbell! "Sino naman yun? Narinig ko namay nag uusap sa labas, whuaah! Ang halimaw may kasama siya,

"Wow! Shuusie ang cute naman ng nalipatan mo!, sana may ganito din ako sa kuarto ko!,, pakinig ko ang usapan nila dahil nag tago ako sa ilalim ng study table.

"Wow! Bakit may sando ng babae dito sa kuarto mo? Wag mong sabihin na nag dadala ka ng babae dito,, dugtong pa nung lalaking kasama ng halimaw na si Dilan,

"Dun yan sa babaeng naka tira sa kabilang kuarto!,,

Sumilip ako mula sa ilalim nakita ko na hinahanap niya ako. Bigla siyang umupo sa upuan ng study table at naharangan ako, siguro nakita niya ako kaya sya humarang dun, mabuti nalang na hindi pa niya ako binubuko, kung nag kataon lagot ako!

Ang tigas talaga ng ulo hindi ba niya alam ang rule #5- hindi pwedeng mag sama ng kaibigan dahil ayaw ko ng kalat,

Umalis din sila agad at ako nilinis ko ang iniwan nilang kalat, perwisyo talaga ang Halimaw na yun, humanda siya pag uwe niya ginagalit nya talaga ako, grrr... hindi tuloy ako naka luto agad ng hapunan ko, ang tagal kase nilang umalis,

"10:00pm na pala? Bakit wala pa siya? Bukas na nga lang ako kakain nakaka walang gana!,, naka pag latag na ako ng tutulugan ko ng may bigla nanamang may nag doorbell baka siya na yun.

Pag bukas ko ng pinto basang basa siya ng ulan at parang maputla pa,

"Dilan, bakit ngayon kalang ha! Diba ang sabi ko, whuahh~„ naputol ang sermon ko ng bigla siyang natumba sa balikat ko naisipan ko ding hawakan ang nuo niya,

"Ang init mo! Hala pwedeng maglabon ng itlog dyan sa kilikili mo! Haha,„ pero hindi oras ng pag bibiro ok fine hindi nakaka tawa,

"Mukhang mapupuyat ako ngayong gabi„ ano ba kase ang ginawa niya? Nag inom ba siya? mukhang hindi naman kase hindi siya amoy alak,san ba siya galing?

Napilitan akong palitan siya ng damit, nanlaki mata ko sa nakita mo hala may abs, O______O ano ba Aoi kung sansan ka tumitingin, iniwan ko muna siya para makaluto ako ng lugaw,

"Ano kayang klaseng tao tong si Dilan, bakit wala siyang kamag anak sabi niya, imposibleng wala kase ako kahit wala na akong Mama at Papa nandyan naman si Lola para alagaan ako,napilitan lang akong malayo sa kanya dahil dito ako naka pasa ng scholarship sa high school, Haystt.. namiss ko lang si Lola bigla.

Nang maluto ang lugaw pinakain ko na agad yun sakanya baka maka tulog nanaman ang hirap pa naman niyang gisingin,

"Oh nga nga! Baka sabihin
mo naman na ang sama kong tao at hindi kita inalagaan, matapos nun pinainom ko nadin siya ng gamot at ng pati ako maka tulog na lalagnayin di ako sa inis sa halimaw na to'

"Papatayin ko na ang ilaw ha! Takot ka ba sa dilim? Sigaw sigawan lang yun para hindi niya maisip na takot din ako sa dilim,Pero hindi siya sumagot tulog na kaya yun, hindi ko kase makita kase may harang na ngang kurtina diba.

Pinatay ko na ang ilaw malapit sa pinto at saka ako nag tatakbo sa higaan ko kaso katangahan ko na takid ako sa isang baitang na sahig kaya gumapang nalang ako papunta dun, ang sakit kaya yung maliit kong ilong nauntog,

"Ouch!.. =﹏=

Hi School: He's my Secret Crush ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon