SCHOOL: HMSC
Chapter 31Kaori's PoV.
Ang pag uusap namin nung gabing yun ang huli na pala naming pag uusap, wala man lang akong ka alam alam, anong klase akong kaibigan, Ni hindi ko man lang sya natanong kung Hannah, ok kalang ba? anong gusto mong gawin? Hannah masaya ka ba?
Naging malungkot ang lahat matapos mawala ni Hannah, Ang bakasyon na yun ang pinaka masaya at pinaka malungkot na nangyari sa buhay ko..., sa aming anim...,
Kasabay ng kalungkutan ko ang unti-unting pag buhos ng ulan, Nag bukas kami ng payong na itim, Andito kaming lima sa harap ng puntod ni Hannah, nag lapag si Ryan ng isang magandang bulaklak, Bulaklak na paboritong paborito ni Hannah, ang puting rosas.
Sabi nila apat na beses nabubuhay ang tao matapos nilang ma-reincarnate. Sana sa susunod mong buhay maging mag kaibigan padin tayo.
"Hannah, sana masaya kana ngayon! ang daya daya mo! hindi ka man lang nag paalam, bigla bigla ka nalang umalis,, naiiyak na sabi ni Mikah.
"Wag kang mag alala kay Ryan, babantayan namin sya pag ng chx ito multuhin mo!,, pabirong sabi ni conan.
"Salamat at naging mabuti kang kaibigan saamin,, dugtong pa ni Dilan.
Pero nanatiling tahimik lang si Ryan kaya napag disisyunan namin na iwan muna sya para mapag-isa, Nanatili lang syang naka tayo at naka titig sa puntod ni Hannah.
Ang madilim na kalangitan at malumanay na pag patak ng ulan, ay sumisimbulo ng kalungkutan, nakiki dalimhati siguro ang langit sa kalungkutan namin... Nabubuhay ang mga tao at namamatay sa tamang panahon, Malungkot, sobrang nakaka lungkot. pero yun ang naka takda.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang hinawakan ang mga kamay ni Dilan, dahil siguro sya ang taong ayaw kong mawala sa buhay ko, ulit.
Si Hannah, si Ryan hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sa kanila! Pero kailan? saan o paano? mga katanungan na walang ibang nakaka alam ng kasagutan kundi ang Diyos lamang. Sana sa susunod nilang buhay sila na ang mag katuluyan.
Ryan's PoV.
Tatlong araw palang ang nakaka lipas parang namimis nakita agad. Namimis ko na ang maganda mong ngiti, ang maaliwalas mong mukha, bakit ikaw pa! Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak ng sobra, nanatili lang akong naka upo sa study table ko at naka ub-ob lang, hanggang ngayon naka suot padin ako ng itim na damit, ayokong maniwala na wala na sya, nag bago ako dahil sa kanya, Pero malulungkot sya ng sobra kapag nalaman nya na nagkaka ganito ako ngayon.
"Hayst Ryan, ayusin mo nga ang sarili mo!,,
Inayos ko ang magulo kong kwuarto aksidenteng natabig ko ang picture frame namin ni Hannah, nabasag at nag ka hiwahiwalay ang frame.
Dali dali ko yung pinulot at niligpit may nakita akong sulat sa likod ng mga litrato,
Ryan,
Siguro kung binabasa mo ito ay wala na ako, Sorry kung parati kitang sinisigawan sa tuwing nag kaka usap tayo, sa tuwing nakaka salubong kita iniirapan lang kita, naiinis naman ako kapag hindi mo ako pinapansin, hindi ko alam pero naiinis din ako sa sarili ko, Habang sinusulat ko ito ngayon, alam mo bang ikaw lang ang iniisip ko, alam mo bang ngayon palang namimis na kita, Sana kahit wala na ako sa buhay mo, sana maging ok ka, sana mag mahal ka ulet ng paulit-ulet, wag kang matakot na masaktan,ang sakit minsan lang yan pero pag nakilala mo na ang taong mamahalin mo, lahat nagiging masaya,
Siguro balang araw magigising ka nalang na wala na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo sa pag kawala ko,Mahal na mahal kita Ryan, so don't cry again, because of me! I love you....and i miss you.... so much...!-Hannah Lee,
Matapos kong basahin ang sulat na iniwan niya pakiramdam ko lalo akong naiyak, pinipilit ko namang wag maiyak pero tumutulo parin ang mga luha ko.
"Hannah-!,, Napa higa nalang ako sa kama ko habang umiiyak, Ang sakit sakit sobra ng puso ko,hindi ko maintindihan pero parang gusto ko syang sundan kung nasan man sya naroroon.
Napa tingin ako sa bintana at lumapit dun, habang yakap yakap ko ang litrato ni Hannah, punong puno ng mga luha ang mga mata ko, at pakiramdam ko naiiga na ang lahat ng tubig sa katawan ko.
"Hannah hintayin mo ako, susunod na ako sayo,,
Mikah's PoV.
"Aoi, sigurado ka bang andyan si Ryan,,"Oo ang alam ko, yun kase ang sabi ng Mama niya, Hindi rin naman siya pumasok, sabi ni Aoi.
"Ryan..!,, kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot,
Binuksan ni Aoi ang pinto at laking gulat namin ng makita namin si Ryan sa tapat ng bintana na naka tayo.
"Ryan, Anong ginagawa mo? bigla ko syang hinawakan sa braso.
"Oo nga! anong ginagawa mo?,, Sabi ni Aoi.
"Oh, Aoi.. Mikah? nandito pala kayo! Napa dalaw kayo!?,, kalmado nyang sabi.
"Akala namin mag papakamatay ka!,, mahinang sabi ko.
"Mag papaka matay? ako? bakit?,,
"Akala kase namin!,, bigla siyang natawa.
"Hindi, hindi ako mag papaka matay, binuksan ko lang ang bintana, dahil parang dumidilim na dito sa kwuarto ko, at saka hindi matutuwa si Hannah pag ginawa ko yun,, naka ngiting sabi niya.
"Ah, ganun ba! dadalhan ka sana namin ng pag kain dahil sabi ni Tita na di kana daw lumalabas ng bahay,, mahinang paliwanag ni Aoi habang inilalapag namin yung pag kain.
"At kelan pala tayo papasok, lampas na ang araw ng ating pag babakasyon,, dugtong ko pa.
"Balak kong bumalik na ng states, at mag simula ulet,, sabi niya napa tingin ako sa hawak niyang litrato.
"Kung yan ang disisyon mo Ryan, di ka namin pipigilan, Basta kapag kaya mo na! balik ka lang, mag kakaibigan tayo diba!,, sabi ni Aoi sa kanya.
Biglang niyakap ni R si Aoi, kaya naki sali nadin ako, "Bukas sabihin na natin sa iba ang pag alis ko para di nadin sila mag alala..,,
"Salamat Aoi, Mikah... Salamat Hannah,,
Niyakap niya ang litrato ni Hannah at saka hinalikan ng madiin, Niyakap ulet namin siya, kawawa naman si Ryan.
BINABASA MO ANG
Hi School: He's my Secret Crush ✔
Teen FictionFeel the Love and Heartbreaks! "Kare wa watashi no himitsu no tokimekidesu!" Cast: Kim Sae Ron as Kaori "Aoi" Geronimo Miura Haruma as Dilan Shuusie Haruma Park Shin Hye as Mikah Andrea Pascua Nam Woo-Hyun as Conan Daichi Narimiya Hiroki as Deo L...