SCHOOL:HMSC
Chapter 33
Pag mulat ng kanyang mga mata wala syang ibang makita kundi puro liwanag na tumatama sa mga mata niya.
Nilibot ng mga mata niya ang paligid at tanging si Mikah lang ang nakita niyang naka upo sa sofa at nang makita niyang nagising na ang kaibigan ay agad nya itong nilapitan, at inalalayang maka upo.
Ok ka na ba? Ano? may masakit ba sayo?,, alalang tanong ng kaibigan. Tanging iling lang ang isinagot niya at saka niyakap ng mahigpit ang kaibigan. "Kaori naman anong naisipan mo at—.
"Si Chloe kamusta sya?,, tanong ni Kaori na ikinatigil ni Mikah sa pag sasalita.
"Nasaktan ka na nga sya padin ang iniisip mo?,, galit na sermon ng kaibigan nya.
"Mikah...,,
"Ok naman siya kaunting galos lang ang natamo nya, pero ikaw... dilekado ang lagay mo!,, pilit na pag sagot niya, nahalata ni Mikah ang pasimpleng pag hawak ni Kaori sa kanyang tiyan. "Sinabi ko na sakanya ang lahat, bahala na sya kung maniniwala sya o hindi! Last na ito Aoi, pag hindi sya dumating ngayon kalimutan mo nalang sya,, prangkang sabi nya.
Halata sa mga mata niya ang kalungkutan, Nag hintay siya na sa bawat nag bubukas ng pinto ng kwuarto niya, nag babaka sakaling dumating siya. Pero gaya nuon nabigo lang ulit siya, walang Dilan Shuusei na dumaring.
Maka lipas ang isang linggo bumalik na ng skwelahan si Kaori, inaasahan na nya na sya ang pinag uusapan sa buong skwelahan dahil baka naikalat na ni Chloe ang bali-balita na buntis siya. Pero pag pasok niya ng klasrum wala siyang ibang narinig kundi ang mga nag aalala nyang kaklase.
Napa tingin sya kay Chloe na may benda padin ang braso, inirapan lang sya ng dalaga, Kahit may sama siya ng ugali may natitira pading kabutihan sa puso niya.
Naupo na si Kaori sa tabi ng bintana at halata sa kilos niya na inaantay niyang dumating ang katabi sa upuang si Dilan, Naunang dumating si Conan sumunod si Mikah.
"Aoi, kamusta na,, panganga musta ni Conan.
"Medyo ok na ako, Conan, ahm. . . sangapala salamat sa pag babantay nyo saakin nung nasa ospital pa ako, bukas din pala ililibing na pala si Lola, Pansamantalang uuwe muna ako saamen,,
"A ganun ba! mabuti yun para makapag isip isip kana din, at para malayo ka na din sa mga stress mo!,, mahinang sabi ni Mikah.
Maya maya lang dumating na si Dila, Mula ng pumasok si Dilan sa pintong yun hindi na maalis ang tingin ni Aoi sa kanya at umaasa syang titingin din ito sa kanya.
Tahimik na naupo si Dilan sa tabi niya, "Dilan,, mahinang tawag nya.
Inis na palihim na lumingon si Mikah, "Ang kapal niya sinabi ko na nga sa kanya ang lahat bakit hindi man lang sya nag pakita sa ospital,, bulong nya sa sarili niya.
"Dilan,,
Walang lingon lingon nag salita si Dilan "Hindi mo na sana ginawa pa yun!.. nasaktan ka pa ngayon, at utang pa ni Chloe sayo ang lahat, hanggang kailan ka magiging ganyan Kaori,, pag kasabi nya nun agad siyang tumayo at lumipat ng ibang mauupuan.
"Dilan...
Dilan's PoV.
Sorry Aoi, sorry kailangan ko itong gawin, alam kong mag kaka anak na tayo pero habang tumatagal na namamalagi ako dito lumiliit ang chansa na gumaling ako. Alam kong kailangan mo ako ngayon, pero sorry talaga... wala man lang akong magawa para damayan ka. Sana maintindihan mo din ang lahat balang araw, hindi man ngayon pero darating din ang tamang panahon.
Biglang sumakit ang ulo ko, palihim kong sinabunot ang buhok ko.
"Ok kalang? halika muna sa clinic baka may ibang maka kita,, pabulong na sabi ni Chloe, ni hindi ko na nga namalayan na naka lapit na pala sya saakin.
Kinuha ko muna ang pain reliever ko bago ako tumayo, sumunod lang ako kay Chloe habang naka hawak ako sa likod niya, di sinasadyang napa tingin ang mga mata ko sa gawi nina Mikah na naka tingin din pala saamin.
Pag dating namin ng clinic naupo agad ako at saka ininom ang gamot ko, pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit,
"Sa susunod na buwan aalis na tayo, inaantay ko nalang ang aproval ni kuya Deo at ate Nami, Hangang kailan mo ba ililihim ang sakit mo sa kanila? kapag patay ka na?,, Sabi ni Chloe habang naka tayo malapit sa bintana.
"Wala ka nang pakealam dun, bahala na akong mag sabi sa kanila, at saka diba sasama na ako sayo sa states kaya sana wag mo na silang guluhin pa! lalong lalo na si Kaori, hayaan mo na sana siya!,, Medyo pasigaw na sabi ko kay Chloe hindi yun pakiusap, kundi isang utos.
Natahimik siya sa mga sinabi ko. Nahiga ako at saka nag takip ng kumot, "Lumabas kana gusto ko munang mag pahinga!,, mahinang sabi ko sa kanya pero sapat lang para marinig niya.
"Sige, basta tawagin mo nalang ako kapag may masakit sayo ha!,, sabi niya bago lumabas ng clinic.
Narinig ko nalang ang pag bukas at pag sara niya ng pinto.
Conan's PoV.
Kanina ko pa napapansin ang madalas na pag ka tulala Aoi at pagiging tahimik niya,
"Aoi,lunch tayo!,, aya ni Mikah sa kanya.
"Lunch? puro ka pagkain! hahaha!,, sabay kaming natawa ni Mikah pero siya parang hindi niya kami naririnig. Naka tingin lang siya sa bintana, nang sundan namin ang tinitingnan nya, sina Chloe at Dilan nanaman ang mag kasama.
Lumapit sa kanya si Mikah at tinabihan "Alam mo, kung wala na syang pakelam sayo! Kami din wala ng pakelam sa kanya!,,
Napa tingin si Kaori sa kanya, "Kain na tayo nagugutom na ako!,,
Natawa kami parehas sa sinabi niya, "Anong gusto mo? ,, pa ngungulit ni Mikah sa kanya.
Tunay ngang mapaglaro ang tadhana hindi natin masasabi kung kelan tayo dapat maging masaya o kung kelan dapat tayo malungkot, Pero minsan tayo din ang gumagawa ng paraan para maging masaya, hindi porke naka ngiti ka, masaya kana! minsan nag tatago ang kalungkutan sa kabila ng isang pekeng mga ngiti. Gaya ng ginagawa ni Kaori ngayon, pinipilit niyang ngumiti pero halata naman sa mga kilos niya ang lungkot.
Pero posible nga bang maka takas sa kalungkotan at mapalitan ang lahat ng saya?,
Ang dami kong pero! kahit alam ko naman ang kasagutan sa mga katanungan,
BINABASA MO ANG
Hi School: He's my Secret Crush ✔
Teen FictionFeel the Love and Heartbreaks! "Kare wa watashi no himitsu no tokimekidesu!" Cast: Kim Sae Ron as Kaori "Aoi" Geronimo Miura Haruma as Dilan Shuusie Haruma Park Shin Hye as Mikah Andrea Pascua Nam Woo-Hyun as Conan Daichi Narimiya Hiroki as Deo L...