Part 15: Vicente'ng Pasaway

198 7 0
                                    

Hi guys! so how's the recent UD? any feedback? haha! nag tataka lang ako, bakit kaya tuwing madaling araw gumagana ng maayos ang utak natin? i mean mas productive tayong gumawa ng mga bagay bagay? like me, almost lahat ng part ng story na 'to, madaling araw ko ginagawa. nakakaloka diba? haha! anyway. nasa wisyo ako na mag update ngayon kaya ito na ang part 15! enjoy!


--------------------------------------------

Maaga akong nagising dahil sa isang tawag sa phone ko, tinignan ko muna ang wall clock at 5am pa lang. pag kuha ko ng phone ko, "Vicente Panget calling" ang naka lagay. ano naman kayang nakain ng panget na to at napaka agang tumawag.

"hello?"-me, halata sa boses na kagigising pa lang

"hey, good morning"

"aga mong tumawag ah, anong meron?"

"opening ng intrams"

"ay oo nga pala, pero teka, 'bat ang aga mo tumawag?"

"'coz I'm preparing breakfast."

"ano naman kinalaman ko sa pag hahanda mo ng umagahan?" medyo naiinis ako, dahil na rin sa kalokohan nitong si Vince

"try to go down stairs, have your meal, prepare, and go to school."

"oo na. bye." at binaba ko na ang tawag. alam ni vince na bad trip na ako kapag bye lang ang sinabi ko imbis na good bye. kabisado na nya ako, kahit mga bagay na makakapag patakot sa akin, or makakapag pasya, or sa kahit anong bagay kabisado na nya ako, kahit ang pag kainis ko sa usapang sex ay alam na nya din.


pag baba ko sa dinning area ay may mga naka hain na na pag kain. nag tataka naman ako at masyadong madami ang nasa lamesa. nagulat ako nang biglang lumabas ang mga tauhan ko sa bahay galing sa kwarto nila at bagong gising lamang.


"yaya dahlia, kayo po ba ang nag luto?" tanong ko sa yaya ko

"nako anak hindi eh, nagising na nga lang kami dahil sa ingay sa kusina eh, akala ko naman ikaw nag luluto"

"huh? eh sino po ang nag luto?"

"kumain kana, alam kong naiinis ka sa akin." si vince na nag lalakad galing sa kitchen na may dala pang umuusok na fried rice.

"aga mo ah"

"syempre para ipag handa ng umagahan ang mahal na reyna."

"mang uto ka pa ha"

"upo kana" inassist ako ni vince sa pag upo, sya ang nag lagay ng pag kain sa plate ko pati na ang hot chocolate na paborito. sinimulan ko nang kumain pero hindi ko pa din pinapansin si vince.

"panget, sorry na." may halong pag lalambing ang pag kakasabi ni vince

"alam mo namang maaga pa diba?" hindi ko pa din sya tinitignan

"gusto ko lang naman ipag handa ka ng breakfast"

"pero sana kasi hindi ka nang inis, alam mo namang puyat ako diba?"

"alam ko, at alam kong tatanghaliin ka ng gising kaya ipinag handa na kita."

hindi naman ako naka sagot sa sinabi ni vince, sa tagal na din namin naging mag kaibigan ay nakasanayan ko na ang pagiging sweet ni vince. pati mga pag seselos  nya sa mga kaibigan kong lalaki, kapag tinatanong ko naman kung bakit mainit ang ulo sasabihin lang nya, ayaw nyang may pumalit na bestfriend sa kanya. at susundan ko naman ng malakas na tawa at kurot sa pisngi.


hindi ko na lang sya pinansin at pinag patuloy ko na lang nag pag kain. nagulat ko ng biglang tumayo si vince sa upuan at dumerecho sya sa likod ko at niyapos ako mula dito.

Bekki Hero BoyXBoy Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon