Part 48: Signature

33 1 0
                                    


*Gio's P.O.V.*

It's just a week after nung huling kita ko kay King, pero parang ang tagal na nang lumipas na araw, inaantay din kasi namin yung email galing sa company nya about sa project.

Subsob ako ngayon sa pag checheck ng ibang projects, hindi naman kasi pwedeng walang gawin habang nag aantay ng confirmation nila.

After namin mag lunch break ay patakbong pumunta ang isang member ng team ko, nag tataka ako dahil malaki ang ngito nito.

"Sir Gio, approved tayo!!" Sigaw na sabi nito.

"Approved saan?" Tanong ko

"Sa RDV corp!"

Natulala ako sa sinabi nya, hindi kami ganoon kalaking kumpanya, pero malaking break talaga to para sa amin.

Naiforward nya ang email sa akin at binasa ko ang details para sa contract signing. Dalawang contract ang naka prepare, una ay ang draft at ang official.

Tumawag ako sa secretary ni King para mag set ng appointment sa kanya para sa draft ng contrata, confidential ito kaya ayokong sa email lang isend.

Tumawag din agad at nag confirm ang secretary at ayon sa kanya ay sa friday na ito, pero ang lugar ay sa bahay nina King sa Antipolo, nakakaexcite na nakakakaba ang pakiramdam ko dahil first time kong mapupunta sa bahay nila.

Inayos ko na ang details ng contract at pinacheck sa legal department ng company.

Days went by, at friday ngayon, 10am ang sabi ng secretary ni King kaya bago pa mag 10am ay nasa bahay na nila ako.

Malaki ang bahay nila, modern style ang yari, as far as i know si king lang ang nakatira dito kapag wala ang parents nya dahil sa business, hindi ko maimagine kung pano tumira sa ganitong kalaking bahay na iilan lang ang tao sa loob.

Pag pasok sa main door nila ay makikita ang malaking portrait ng parents nya kasama si King at si Nathan. Pinag masdan ko ang portrait, masasabi kong malaki na nga ang pinag mature ni King, hindi man nawala yung pag kababy face nya pero mas bumagay sa kanya ang look nya ngayon.

Habang nag aantay sa recieving area ay napansin ko ang nga pictures na nasa lamesa sa gilid, mga picture ni King nung bata pa sya kasama ang parents nya, ibang picture ay kasama si Nathan.

Hindi man mahahalata sa itchura ni King pero bagay sa kanya ang candid picture nya na buhat buhat nya si Nathan, mukha silang mag kapatid lang, pero kitang kita sa mukha nya ang ngiti na proud tatay sya.

Duon natuon ang pansin ko, yung ngiti ni King na nakakapag pangiti sa iba, nagulat ako nang biglang may nag salita sa likod ko.

"Ang saya nyang tignan syan no?" Sabi nang lalake, si Mr. Dela Vega

"Ay good morning sir, I'm Gio, i'm here to present the draft of the contract" kinakabahan kong sabi kay mr. Dela Vega

"Cut the formal thing, wala naman tayo sa office" sabi nya na naka ngiti

"Ay sorry po hehe" nahihiya kong sabi sa kanya.

"He's smile is very genuine sa picture na yan no?" Sabi nya ulit habang nakatingin sa picture, tumango naman ako bilang pag sang ayon.

"We thought that we will never see that smile again, but thank God dumating ang apo ko sa buhay ni King" nag tataka ako sa una nyang sinabi, naputol na lamang ang usapan namin nang lumapit ang kasambahay nila

"Sir nasa veranda na po si sir King" nag pasalamat naman si mr. Dela Vega sa kasambahay at pinasundo na ako sa kanya.

Habang papalapit sa veranda na may overlooking view ay halong kaba at saya yung nararamdaman ko, makikita ko na ulit sya finally.

Bekki Hero BoyXBoy Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon