Part 51: ElYu

2 1 0
                                    


Steven's P.O.V.

Been an hour and a half na mula nung umalis kami ng Baguio, medyo nakaramdam na din ako ng gutom, puro snacks lang kase kinakain namin ni King sa sasakyan, minsan sinusubuan nya ako while ako naman nag ddrive.

Sulitin ko na habang wala pa syang toyo. Minsan tinatawagan nya si Nate sa messenger, minsan naman sya ang tinatawagan ni Nate.

Bale sabi ni King, sa sunday daw uwi namin pa Manila, hindi ko pa alam kung ano errands namin today, pero mag aambag pa din ako kung ano man ang magiging gastos namin today, nahihiya kasi ako kay King lalo na kung sya sasagot ng lahat ng gastos.

Nasa may bandang Bauang La Union na kami nang pinapasok ni King ang sasakyan sa drive thru ng jollibee.

"Yung tatluhan na peach mango pie large dalawang order, yum burger with drinks and fries na, tsaka ice cream sundae dalawa din. " Utos ni King, mag aabot sana si King ng cash sa akin pero hindi ko kinuha, ako na ang nag bayad ng orders.

"Bakit hindi pa rice meal yung inorder mo?" Tanong ko sa kanya

"Sa san juan na ako mag rice, nag crave ako sa bagnet" sabi nya

Nakakacrave nga yung bagnet! Nag laway tuloy ako.

Pag kaabot ng foods ay umalis na don kami, medyo traffic nga lang. Habang nasa byahe ay kinain na ni King ang foods nya

"Pano ako? Nag ddrive ako?" Tanong ko na may nakakalokong ngiti

Kita ko yung pag rolyo ng mata ni King, binuksan nya yu g isang burger at pinakagat ako. Natatawa ako habang ngumunguya kasi kita ko yung simangot ni King, have i mentioned na cute pa din sya kahit naka simangot or kahit naka poker face?

Si King na din nag asikaso ng drinks at nilagay nya sa bottle port sa desk ng sasakyan. Hindi ko na kinain yung peach mango pie, balak ko sa pupuntahan na lang namin ko kakain yun.

Di nag tagal ay naubos na din ni King yung mga pag kain nya, tho may natira na 2 peach mango pie, natatawa naman ako kasi sunod sunod yung dighay nya, napapatingin sya sa akin minsan pero sabay kami natatawa sa dighay nya haha!

Around 40mins. ay naka dating na kami sa arko ng san juan la union, hindi naman nag tagal ay tinuro na ni King yung resort kung saan sya pinag check in ng parents nya.

Kinonfirm lang ng guard yung reservation nya, at pinatuloy na kami sa loob.

Vallet parking din dito kaya iniwan na lang namin sa drop off entrance yung sasakyan, kinuha naman ng porter yung bags namin at dumerecho na kami sa reception desk.

"Sir, your room is delux type, with one delux bed po, free breakfast by tomorrow morning 5am to 10am sabi ng receptionist sa front desk

"Miss is there other room na available na mag kahiwalay ng bed? Sudden change of plan kase and may kasama ako?" Tanong naman ni King na medyo seryoso ang mukha

"Sir we're sorry but fully book po lahat ng rooms"

Napabuntong hininga na lang si King at tsaka nag smile sa receptionist. Inabot nya ang key card ng room at nag thank you sa receptionist.

Dumerecho na kami sa room namin, pag pasok namin at iisa nga lang ang bed sa kwarto, may veranda sa labas and beach front ang view.

Pag ka hatid ng gamit namin sa room, agad naman lumabas si King sa veranda, inayos ko muna gamit namin aside sa underwear ni King, at lumabas na din sa veranda, inabutan ko si King na nag vevape at naka sunglasses na dahil sa init ng sinag ng araw.

King's P.O.V.

Umupo saglit si Steven sa kabilang single couch, pero pumasok ulit sya, iniwan lang nya ang vape nya pati na phone nya. Hindi naman ako si pakielamera ng phone kaya kahit may tumawag dyan or ano man di ko gagalawin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bekki Hero BoyXBoy Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon