Part 35: December to remember

65 4 2
                                    

Hey everyone!!! sory sa napaka tagal na UD, sobrang nabusy lang sa graduation and many things, i hope i can make it up to you all...

---------------------------------------------------------------

First day pa lang ng sem break ngayon at wala magawa sa bahay, sa sobrang bored ko, nakapag linis na ako ng kwarto ko, pinipigilan nga ako ng mga kasambahay ko at sila na lang daw ang mag lilinis. kalagitnaan ng pag mumuni ko sa kwarto ay kumatok si ate celia telling me na may visitor daw ako, so nag palit muna ako ng damit at shorts dahil naka cycling shorts lang ako ngayon at jersey.

pag baba ko sa salas ay si Francis pala yung sinasabi ng kasambahay ko na bisita, umupo naman ako sa kalapit na couch at nakipag kwentuhan.

"oh napadalaw ka, bakasyon nyo na din?" sabi ko kay francis

"ngayon yung last day, pero wala naman na akong pasok kaya dito na lang ako pumunta"

"so what brought you here?"

"wala lang, gala, patambay, wala din kasi ginagawa sa bahay eh"

"aaah i see, anyway, uh juice? water? wine? cake? cookies?" alok ko sa kanya

"juice and cookies will do" sagot ni francis

at nag pautos na ako kay ate celia na dalhan kami ng juice at cookies.

"grabe nag laki ng bahay nyo ah, ikaw lang nakatira dito?"

"no, sa akin nakatira yung dalawa kong pinsan. tapos mga kasamabahay ko dito din naka stay in"

"i see, eh parents mo?" -francis

"nasa canada sila both, sila kasi nag aasikaso sa business namin"

"naks! yaman naman pala"

"baliw hindi, payak lang"

while nasa middle kami ng kwentuhan ay bumaba na ang mag kapatid

"goodmorning kuya" bati ni josh

"kuyaaa! goodmorning kuya!" bati naman ni kevin

"itong bebe ko naman, ang aga aga ang taas ng energy! morning kiss nga si kuya!" sabi ko kay kevin then binuhat ko na sya

"by the way, francis, this is my cousins, joshua and kevin, gusy this is francis bagong friend ni kuya"

nakipag shake hands naman si joshua at pag lingon sa akin ay nang aasar na ngiti ang sinalubong, dinilatan ko naman sya ng mata. si kevin naman ay kumalong kay francis at nakipg apir.

"josh punta na kayo sa dining area, nakahain na yata breakfast dun, sabay mo na kapatid mo" at umalis na nga ang dalawa.

"come on francis, sumabay kana sa amin mag breakfast"

"di na, kumain naman na ako"

"i don't take no as an answer." at tumungo na nga kami sa dining area.

habang kumakain naman ay narinig ko na bumukas yung main door ng bahay, sabay umalingawngaw yung maingay na bunganga ni ciara, itong babaeng to talaga walang pinipiling oras ang ingay, pero love ko pa din yan.

"goodmorning badeng!!!" bati nya, at nag beso sya kasunod naman nya sina bea at nicole na nag beso din sa akin.

"oh umupo na kayo at sumabay na kayo pag breakfast, ate celia pa dala pa ng fried rice and eggs"

"ay may visitor ka pala" puna ni ciara

"aga natin ah, wala na pasok?" tanong naman ni nicole

"wala na but last na namin ngayon, wala naman na gagawin sa school kaya gumala na lang ako dito.

Bekki Hero BoyXBoy Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon