Part 33: Your Song

101 5 0
                                    


King's P.O.V.

Dahil sa panalo ng university naming ay isang victory party and concert ang gaganapin sa school namin, at dahil student council ang inatasan ng mga nasa taas na mag plano para sa concert ay maaga akong pinapasok ni Karl, ang president ng student council. May meeting kasi para sa concert, sa Friday na agad ito kaya maikling panahon lang para mag prepare.

Dahil nasa akin na lit ang kotse ko ay nag drive na lang ako papunta sa school. Pag dating ay inexcuse muna ako para sa mga Gawain sa disciplinary office para mag give way sa meeting ng victory party. Kaya dumerecho na ako agad sa conference room.

After ng meeting dumerecho naman na ako sa klase ko, inaantay na ako ni Nicole sa room kaya hindi ko na sya dinaanan sa lobby ng building naming. Mabilis na lumipas ang oras ng klase at dahil break time ko na ay sa office ko na lang council ako tumambay.

Habang naka upo at nirereview ang mga list ng packages para sa mag peperform sa concert ay naka tanggap naman ako ng text galing kay Francis, inaaya akong mag merienda sa tapat ng school naming, pumayag naman ako dahil hindi pa ako nakakapag lunch kahit alas tres na ng hapon, hindi ko na napansin ang oras na lumipas dahil sa sobrang busy.

Matagal na din kami nag kakatext ng casual ni francis, simplang kamustahan at biruan lang, pero hindi naman yung tipo na every minute ay mag katxt kami. Lumabas na ako ng school at nakita ko sya sa labas ng gate 4 ng school at isang napaka aliwalas na ngiti naman ang sumalubong sa akin.

Nung una akala ko sa isang restaurant nya ako itetreat, yung pala ay sa hepa lane kung saan may mga tusok tusok na mga pag kain, aminin ko man o sa hindi ay first time kong kakain sa tabing kalye, nakakakain naman na ako ng mga fishball o kikiam, pero sa bahay naman naming niluluto kaya adventure para sa akin ito.

"wag kang mag alala hindi nakakamatay yan" sabi ni francis, napansin siguro nya na nakatitig lang ako sa isang baso ng kwek kwek na inabot nya sa akin.

"sigurado ka ha" paninigurado ko sa kanya..

"oo nga promise, the best yan, walang binat bat ang mc donalds sa sarap nyan"

"okay sabi mo eh" kaya isinubo ko na yung kwek kwek nan aka tuhog sa barbeque stick, kaunting nguya ay nalasahan ko ang maasim na lasa ng suka, tama nga si francis masarap nga!

"sarap no? ikaw lang eh ayaw mo maniwala" nakangiti nyang sabi

Sumubo pa ako ng dalawang kwek kwek at nabulong ng "hindi kase ako naniniwala sa fuccboi" nangiti naman ako sa naisip ko na 'yon.

"may sinasabi ka king?" nagulantang ako at baka narinig nya yung about sa fuccboi!

"dyan ka lang may bibilhin lang ako" sabi ni francis, after a while ay bumalik si francis at may dalang isang supot na brown, inaya nya ako sa isa sa mga nakahanay na upuan sa hepa lane, at tumambay kami.

Inabot nya yung supot na brown, tinignan ko ang laman, parang mga kalamares na flat lang.

"ano to?"

"chicken skin, masarap din yan!"

"jusko, papatayin mo ba ako sa cholesterol?"

"haha minsan lang naman eh, para matikman mo din"

"sige na sige na" at kumagat na nga ako sa binigay nyang chicken skin, masarap ang pag kakaluto nito, malinamnam, at parang chicken joy ng Jollibee

"oh diba masarap? Diba ganyan yung sabi mo na gusto mo"

"anong gusto ko?"

"yung kinukwento mo nung nasa café tayo sa mall, we can do this anytime basta free at tugma sched natin, you can count me in" mahabang sabi ni francis

Bekki Hero BoyXBoy Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon