Part 22: Ex meets Present meets Future

165 5 0
                                    


hey everyone!!!! kamusta ang lahat?? sorry at hinid ako nakakapag update agad. kumpiskado kase lappy ko kaya di ako maka gawa. haha! sorna! so eto na nga ang UD! keep in touch! sana magustuhan nyo.

-----------------------------------------------------------


Nagising ako na nasa ganoong posisyon pa din ang aking ulo mula nang nakatulog ako kagabi. tahimik na natutulog si king sa kanyang higaan. napansin ko naman ang lalaking pinag kakaselosan ko na nag aayos ng mga dala nya sa table sa sulok ng kwarto.

"gising kana pala, kain ka muna pre" medyo slang nyang sabi

"salamat" sabay abot ng kahon ng pag kain.

"alam kong paborito ni king yan, kaya iyan ang binili para pag gising nya masiyahan sya sa pag kain"

ilang minuto din na katahimikan ang namagitan sa amin dalawa ni calvin.

"ikaw si vince diba?" pang basag ni calvin sa katahimikan.

"calvin nga pala. bestfriend ni king sa canada"  hindi ako umimik. 

"alam mo vince, ang swerte mo kay king."

"bakit naman?"

"mahal na mahal ka nya, kahit alam kong masaya sya dahil mag kasama kami sa pag alis alam kong ikaw ang nasa isip nya. madalas ko syang mahuli na tulala. one time nung nasa tagaytay kami. ikinwento nya lahat ng pinag daanan nyo. lahat lahat ng tungkol sa inyo. it breaks my heart dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko sya, pero hindi ko sya magawang angkinin dahil may mahal syang iba. dahil mahal ka nya. at the same time naiinis ako sayo dahil ilang beses mo na syang nasasaktan. pero ano bang karapatan ko para magalit sayo. mahal ka ng mahal ko, wala akong magagawa don."

"hindi ko intensyon ang lahat ng iyon, mahal ko din sya. at pinag sisisihan ko ang lahat ng sakit na binigay ko sa kanya."

"alam ko naman yun, maiba tayo wala ka bang balak umuwi muna para mag palit or what?"

"meron naman. may aasikasuhin din ako saglit. pano mauna na muna ako?"

"sige pre."


umuwi ako saglit para maligo at mag palit ng damit. pag katapos kong mag ayos ay umalis din ako agad.

papunta ako ngayon sa restobar na pinag billiaran nina king kagabi bago sya maaksidente, balak ko sanang makahingi ng copy g cctv nila para makilala kung sino ang lalaking sinasabi nilang nang inis kay king.

pag dating ko ay agad akong nakipag usap sa manager at pinayagan naman ako, goodthing at HD ang cctv cams nila kaya makikita agad ang mukha sa screen. naiplayback nila ang lahat ng video, nakita ko yung time na nag lalaro si king, namumukhaan ko ang mga lalake sa kabilang table, mga taga eastern university. yung isa kitang kita na sinasadya na banggain si king. nang magawi sa camera ang mukha nga, tumpak! si Villiaruel. tinapos namin ang video hanggang sa umalis si king sa resto bar, sumakay sa kotse nya at malumanay na nag patakbo.tanging si villaruel lang ang lumalapit kay king at sinasadyang asarin. tama ang kwento ni armand, sya lang ang nangungulit kay king.


humingi ako ng kopya ng video at pinasend sa email ko para madownload. alam ko kung saan ang gym nila, at duon ako papunta.


pag dating ko sa gym ng EU, nasa labas ng campus ang gym kaya naka pasok ako agad. pumasok ako at hinanap si villaruel sa coach nila. pag kalapit naman ay kinausap ko agad sya.

"pre, bat napapunta ka yata?"

"may gusto lang sana akong ipaalam sayo."

"ano naman yun pre?"

"gusto sana kitang icongratulate sa pag ka panalo nyo kahapon at sa successful na pang aasar sa courtside reporter namin na si king."

"wait ano naman ang meronsa king na yan?"

"nag karoon kayo ng celebration kagabi sa kayla restobar diba?" this time nag lapitan na ang iba pang ka teammate ni villaruel,

"oo bakit mo alam?"

"yung kalapit na table nyo habang nag lalaro, sina king yon."

"oo pre yung kalapit natin na ginagalit mo." bulong nung isa.

"ano naman ngayon?" at hindi ko na napigil ang luha ko na isa isang pumatak galing sa aking mata.

"kung nabalitaan mo yung aksidenta kagabi sa crossing malapit sa kayla, kotse ni king yon, nabangga ng truck sa likod, nabangga ng isa pang truck sa harap at umikot ikot ang kotse nya, hanggang sa bungga ito sa isang puno at bagsakan ang kotse nya." nag pahid ako saglit ng luha, pero nag sipag tuluan itong muli.

"congratulations, dahil napikon si king sa pang aasar mo, napikon sya kaya umalis sya sa kayla, dahil sa pikon nya at sa aksidente kagabi, on coma sya ngayon. yung lang ang gusto kong sabihin, congratulations villaruel, ang galing mo."

at nag lakad na ako paalis ng gym. pag kaalis ko ay dumerecho ako sa ospital para mag bantay kay king. alam kong tama lang ang ginawa ko. ipapanalo ko ang championship para sayo king at sa prode ng university natin.


Alexander's P.O.V.

nabigla ako sa sinabi ni santos, nabalitaan ko nga yung aksidente pero hindi ko alam na si king yon. kilala ko si king, dahil nag kasabay kami sa flight before, nag papapansin ako sa kanya dahil akala ko ay makikilala nya ako.

pero wrong timing pala nung gabi na yon. binabagabag ako ng konsensya ko. dahil sa akin, nasa ospital si king, at coma. hindi sana mang yayari yun kung hindi ko lang sya inasar.


pag katapos ng training ay nag coffeeshop kami ng bestfriend kong beki na si arnel dahil masyado akong nalulunod sa stress dahil sa nagawa ko.

"bes, bat parang tulala ka dyan?"

"wala bes, may problema lang."

"sus problema lang pala.." pinutol ko sya sa pag sasalita.

"bes hindi lang basta problema to, may napahamak dahil sa kagaguhan ko bes."

"bes seryoso ka ba dyan?"

"tanga ka ba? buhay ang pinag uusapan natin dito arnel! buhay ng isang tao! magagawa mo bang mag biro sa ganon ha?!"

"chill! teka sino ba yan?"

"wala ka namang matutulong eh, badtrip ka din minsan, wala nanaman sa hulog yang biro mo. dyan kana nga!"

at iniwan ko si arnel sa coffee shop.


pumunta ako sa police station na rumesponde kagabi para maitanong ko kung sang ospital dinala si king after ng aksidente. nang makuha ka na ang pangalan ng ospital ay agad akong umalis. pag dating ay tinanong ko agad sa nurse station kung saang room sya naka confine.

pag dating ko sa tapat ng room ay nakita kosi king na tulog sa higaan. sinigurado ko muna na walang tao sa loob bago ako pumasok. nag tanggal ang ng sumbrelo at salamin para makita syang mabuti.

napaka amo ng mukha ni king, para syang anghel, pero bakas sa mukha nya ang mga galos at sugat sa mga kamay dala ng aksidente. naawa ako sa sinapit nya. hinawakan ko ang kaliwang kamay nya at humingi ng kapatawaran sa nagawa ko.

agad din akong kumabas ng kwarto at baka may makakita pa sa akin. dumiretcho ako sa chapel ng ospital upang ipag dasal si king at humingi ng tawad sa aking kasalanan.


----------------------------------------------

hi guys!!! sorry kung napakatagal kong mag UD! busy kasi sa ojt eh. pasensya na!! keep reading and voting and liking guys! 

Bekki Hero BoyXBoy Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon