Part 34: The Warrior

89 4 0
                                    

Hi everyone!!! sorry kung napag antay ko kayo for a long time, sobrang busy lang talaga. here's the update you've been waiting for.

-----------------------------------------------------

Maaga ako gumising dahil pupunta pa ako sa school para kunin yung ibang gamit ko na naiwan sa locker ko sa office, ngayon kasi ang huling araw ng pasok and last day na mag bubukas ang school before the sem break which is nataon naman na Christmas vacation ng mga estudyante.

Pag baba ko ay nag aalmusal na ang mag kuya, nag tataka naman ako dahil hindi ako pinapansin ni josh kaya pag upo ko ay kinausap ko na agad sya

"josh may problema ba?"

"wala naman kuya"

"hindi mo ako pinapansin kagabi pa, may gusto ka ba sabihin?"

"wala kuya"

"okay sabi mo"

Nag simula na akong kumain, pero habang kumakain at nakikipag tawanan kay kevin ay nilapag ni kevin ang phone nya, nakita ko doon ang picture naming ni vince na mag kayakap, kuha yon kagabi sa after party sa gym.

"explain this kuya"

"sa after party yan, sino nag send?"

"nakalimutan mo na ba na muntik kana nyang marape? Na ilang beses ka nyan sinaktan? Niloko?"

"hindi ko nakakalimutan yun"

"so bakit may picture ka nyan?"

"dahil nakipag ayos sya sa akin, okay na kami, nag kapatawaran na kami. May mali ba don josh?"

"kuya bakit ka nakipag bati?"

"it's my decision, ayoko na nang may kaaway, ayoko nang may iniiwasan sa school."

"haaay ikaw bahala"

"now where did that picture came from? Sino nag send?"

"one of our schoolmate, but forget about it"

"does this person saw na hindi lang ako nakayakap ni vince?"

"what?"

"your ate Nicole and ate bea same with your kuya mark, nag sorry sa amin si vince, and niyakap nya kami after naming sya patawarin. We're not young anymore para hindi mag move on and not to give our forgiveness, now who ever sent that picture to you is just a person who has nothing todo with my life, gusto nyang manira and I don't give a damn about it. I need to go, wala na akong gana kumain."

Kinuha ko na ang bag ko at susi ng kotse ko at umalis na sa bahay. Medyo nabadtrip lang ako sa nalaman ko na yun, papalagpasin ko ang nang yari na 'to ayoko na muna ng kung anong isipin. Palabas na ako ng gate nang maka tanggap ako ng tawag galling kay Nicole.

"hello girl, san ka?" si Nicole

"nasa kotse na, papunta ng school why?"

"pasabay ako, at kailangan mo na din mag madali papunta ng school, hot topic kana daw sabi ni bea"

"what? Wait sunduin muna kita tsaka mo na ikwento."

At nag maneho na nga ako papunta sa bahay nina Nicole, sa may phase 4 sila, malas naman at madadaan ako sa bahay nina Xander.

Pinick-up ko na si Nicole, while on the road ay kinekwento nya lahat ng binalita ni bea "so bea called, and sabi nya may mga pictures daw sa bulletin board"

"so anong meron dun at anong kinalaman sa'ken?"

"on the picture is you and vince na mag kayakap"

Bekki Hero BoyXBoy Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon