A/N:
Another Chapter. I was having a tough time with this. So this it!!!!
I hope guys, you would like it!
Enjoy Reading :)
SANTI’S POV
Parang namanhid ang labi ni Santi, dahil sa nagparusang halik. Habang patuloy ang paghalik ni Blue sa kanyang labi, ramdam na ramdam ni Santi ang galit at poot ni Blue. Ilang secondo din bago syang palayain ni Blue, ay tila mauubosan ng hininga. Dahil dun, di napigilan ni Santi ang mapaluha. Tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang mukha.
Sa kabilang banda, tila natauhan si Blue sa kanyang ginawa. Agad nyang binitawan ang labi ni Santi at tuluyang umalis.
Naiwang luhaan si Santi, at sa araw na din yun ay pinangako nya na hindi-hindi na syang magpapatanga sa isang lalaking nag-ngangalang NEON BLAKE “BLUE” VILLAR!
**** AFTER 6 YEARS*****
Tok…tok…tok..
Isang katok sa pinto ang nagpagising sa kamalayan ko.
“Please, Come in”sagot ko.
“Good Morning Mam Santi!”bati ng aking Secretary.
“Good Morning too!” balik kung sagot.
“What are my activities today?” tanong ko sa aking Secretary.
Pero tila wala sa sarili ang aking kalihim, kung kaya’t kinuha ko na lang sa kanyang kamay ang notes at tiningnan lahat na nakasulat. Ilang minuto din ang nagdaan bago ko natapos lahat basahin.
Grabe! Tila namanhid ang katawan ko ah.
Kakasimula pa lang ng araw nay un, pero parang napagod na ako agad.
Hay, Iba na talaga pag working girl.
Binalingan ko ang aking Secretary at pina’alis.
“Okay, you can go now”.
I stretch up and shouted at the top of my lungs.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”
Kung kaya’t napatakbo ang lahat ng aking kasamahan pati na din ang aking Secretary.
“Mam, Ano po’ng nangyari sayo?” tanong ng aking Secretary.
“Ahm, wala naman. Gusto ko lang sumigaw para mawala ang stress ko,” sagot ko sa kanilang lahat.
“Hay, Mam naman eh, kala naming kung napano ka na eh” sagot naman ng aking kasamahan.
Binalingan ko silang lahat, at sabay sabe,
“O sya, sya back to work na”.
Ilang minuto din akong tulala, bago makabalik sa huwisyo.
Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala sa nangayayari sa akin. Di ko akalain, na mapupunta ako sa Business, samantalang BS Biology ang aking tinapusan.
Buhay nga naman, parang LIFE!
Sa kasalukuyan, ako ang namamahala ng isang factory ng Espasol.
I love ESPASOL! :D
May iba’t iba na akong branch around Metro Manila at sa iba pang Lugar.
Sa ngayon, my sampu akong branch na talaga namang pinupuntahan ng karamihan.
Isang araw naman ang nagdaan, pauwi na ako sa aking town house.
Papaliko na sana ako ng may biglang sumulpot na isang Matanda sa daan.
Agad kong inapakan ang preno at sabay kabig ng manibela sa kabilang kalsada, at dahil dun sumalpok ang aking sasakyan sa isang puno. Nakasubsuob sa manibela ang aking ulo, inangat ko ng kunti at doon din, nilamon ng kadiliman ang lahat.
Thank you for reading :)