HEIRA POV
Nagbonding ulit kami nila Anne at Rhea pero di na kami gumala.
Dito lang sa school. Paikot-ikot lang. Palakad-lakad habang nagkukwentuhan.
"saturday bukas! Ano? Sa bahay ko naman?" aya ni Rhea.
Hindi kasi kami natuloy kagabi di ba? Dahil nga umuwi ako pagkatapos naming magbonding sa mall.
Kung bukas,papayag ako. Wala naman akong gagawin e.
"I have something to tell." napatingin kaming pareho ni Rhea kay Anne.
"what is it?"
"ano yon,Anne?"
Hinintay namin syang magsalita uli.
"hindi na matutuloy ang alis ko next week."
"really?! E di matagal ka pa dito! Maganda yun,bestfriend!" sigaw ni Rhea.
Ganon ang naging reaction nya dahil akala nya naurong ang pagalis ni Anne.
Ako naman ,iba ang nasa isip ko. . .
Napatitig ako ng matagal kay Anne. She looked sad. Parang kanina lang nagtatawanan kaming tatlo pero ngayon hindi na maipinta ang mukha nya. Hindi kaya. . .
"no,Best. Hindi ganon."
Nawala ang ngiti ni Rhea. Lalo namang lumakas ang kutob ko.
"bukas na ang alis ko."
"WHAT?!" sabay na sigaw namin ni Rhea.
"BUKAS NA?! Are you kidding us,best? Hindi magandang biro yan."
"A-anne naman. . . Bakit ganon? Bakit biglaan?"
"ayos na kasi lahat ng kailangan ko. Napadala na ni papa ang plane ticket ko at. . .at nung tumawag sya kanina sabi nya bukas na ang alis ko." nalulungkot na sabi ni Anne. Naiiyak na din sya.
"ano ba yan! Hindi pa nga ako ready mag goodbye sayo tapos bukas na pala ang alis mo!" sigaw na naman ni Rhea. Ewan ko kung galit sya o nadadala lang sya ng damdamin nya.
"Hindi ka pa nagpapaalam sa klase,Anne. Hindi pa nila alam na aalis ka. . ." sabi ko naman.
"they dont have to know. Kung di na nila ako makikita next week, ipapaalam na lang ni Ma'am yun."
"nakapagpaalam ka na kay Ma'am?"
"yeah. . ."
BINABASA MO ANG
Will you be his BABY . . .MAKER ?
HumorUNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.