WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
XANDREI POV
Tulog pa si Heira ng umalis ako kanina. Pagbalik ko, tulog pa din. Doi ko naman sya pinagod kagabi ah . I smiled at the thought . Walang nangyari samen but I can't stop myself from kissing her. Imagine, yakap-yakap ko pa sya kagabi. Kung hindi nga lang sa mahalagang bagay na dapat kong asikasuhin ay hindi pa sana ko aalis kaninang alas-syete. Ayaw kong iwan si Heira. Isa pa , gusto kong mag-usap kami ng masinsinan. Gusto kong maging malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa. Minadali ko ang pag-aasikaso ng mga bagay-bagay paramakabaik ako kaagad sa apartment nya. Akala ko pagdating ko, gising na sya pero heto . . . nakahiga pa din . Sleeping like an angel.
Naupo ako sa gilid nya. Ilang beses kong kinastigo ang sarili ko sa nararamdaman ko sa kanya. Can't explain it. A foreign feeling na nakakamatay alamin. Minsan natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. And to think na ilang araw pa lang pagtapos ko syang makilala. Still, hindi ko mapigilan kung anong nagyayare.
Seeing her sleeping like this makes me feel like I'm the luckiest guy dahil may chance akong mapalapit ng husto sa kanya kahit pa nga ba hindi maganda ang sitwasyong kinalalagyan naming dalawa. Wala namang ginagawa si Heira pero lalong lumalalim ang interes ko sa kanya. Eto nga o, tulog. Innocent looking girl with a kind heart. Alam kong kung hindi lang dahil sa ama nya'y hindi nya tatanggapin ang alok ko. A girl with principles.
Di ko napigilan ang sarili ko. Yumiko ako and gave her a good morning kiss. Sandali lang dapat yon pero napatagal ko. Adik na ata ako sa halik nya. Nakarami na nga ako kagabi pero hindi pa din ako nakuntento.
Nakita kong nagising sya. She's one of those girls na maganda kahit bagong gising.
She stirred. Nagising ata sa ginawa ko.
Hindi ako umalis sa kinalalagyan ko kahit aware akong sobrang lapit ko lang sa kanya. Ilang segundo din syang nakatingin lang saken.
"morning ." bati ko. Dun lang ata sya natauhan.
Nanlaki ang mata at biglang tumayo.
BOOGSHH.
Nagkauntugan pa kami sa ginawa nya.
Aray. -__-"7
Parehas pa kaming napadaing at napahawak sa noo.
Nang makita ni Heira na mukhang nasaktan ako ay bigla nyang inalis ang kamay ko sa noo ko pagtapos sya na ang tumingin kung nagkabukol ako.
"Sorry ! Sorry ! Sorry talaga ! M-masakit ba ha ? " umiling ako saka sya napatingin sa mukha ko. Dun lang sya naging aware kung gaano ako kalapit sa kanya. Bigla nya kong binitawan. Namumula na namn sya. Muntik na kong mapangiti. Cute. . .
BINABASA MO ANG
Will you be his BABY . . .MAKER ?
HumorUNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.