XANDREI POV
Nilamukos ko ang papel at patakbong bumaba ng hagdan. Halos masira ang pintuan sa guest room.
Wala sya.
I checked the bathroom, wala din sya don.
Binabalot ng matinding kaba ang puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
"X-xan?" pumasok si Ate sa kwarto. Nagtataka sa kinikilos ko.
"may problema ba? Nasaan. . .nasaan si Heira?"
Iling lang ang nagawa ko. Hindi ako makaapuhap ng sasabihin. Nangingilid ang luha sa mga mata ko.
"this is just a dream. A bad dream. . ." usal ko.
"Xan? Anong pinagsasabi mo?"
Hindi ko napapansin si ate. Wala ako sa sarili ko.
This is not real. This is not happening. . .
Gusto kong suntukin ang sarili ko. Gisingin ang buong sistema ko sa isang masamang panaginip.
No. Heira can't leave. She won't leave me. She promised. She can't do this to me. . .
"Xan?" lumapit si ate at hinawakan ako sa balikat. "G-god. You're crying! A-ano bang nangyari?" tumingin sya sa paligid. "nasaan si Heira? Kinakabahan ako sa mga kilos mo."
Lumabas ako ng kwarto at hinarap ang mga katulong.
"S-sir?"
"did you see her leave?"
"s-sino po,Sir?" nahihintakutang sagot nito. Kulang nalang isiksik ang sarili sa sulok.
"Heira. Nakita mo ba ha?!" nasigawaw ko na ito. Nanginginig na umiling ang katulong. I cursed multiple times.
"Alexandrei! What's happening to you?"
"papasukin mo ang mga guards dito! Now!" my sister's eyes widen. Napaatras ng ilang hakbang. Pagtapos ay madaling kinuha ang intercom.
"K-kuya Xan. Anong nangyayari?" nasa puno ng hagdan si Xandrea at kakagising lang. Hindi ko sya pinansin.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Heira pero napalingon ako sa kama ng makitang nakalapag don ang cellphone nya at nagriring. I groaned. She left her phone.
Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama. Did she left me already?
BINABASA MO ANG
Will you be his BABY . . .MAKER ?
HumorUNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.