WYBHBM ~~ Chapter 64

166K 1.7K 394
                                    

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

HEIRA POV

"whoo! Excited na talaga ako sa graduation. At last, maaappreciate ko na ang pag-graduate ko." kasabay kong pumasok si Xandie. Kanina pa sya nagkukwento. Naririnig ko sya pero di ko maproseso sa isip ko ang mga sinasabi nya.

"kasi sa finishing school sa states, hindi ko masyadong feel ang pag-aaral ko. Buti pa dito-hey! Ate Heira? Nakikinig ka ba?"

"h-ha?"

"ay. Ang lalim na naman ng iniisip mo,ah. May problema ba?"

"w-wala."

"sure?"

Ngumiti na lang ako. Ngumiti din sya. Umangkla sya sa braso ko.

"excited ka na ba sa graduation natin?"

"o-oo naman."

"ako din! Pero alam mo ba kung anong mas nakakaexcite?"

"ano?"

"yung kasal ninyo ni kuya Xan!" tumili tili pa si Xandrea. "kyaa! Kinikilig ako! Sabi ni kuya,ako ang bridesmaid mo e. Hihi. Excited na ako!"

Nawalan ang ngiti sa mga labi ko.

"ate Heira? Bakit bigla kang natahimik?"

"h-ha? Ano, may. . .may naisip lang ako."

"huhulaan ko kung anong iniisip mo. Yun pa ding nangyaring pag-amin ni Jen na baby maker sya? Yun yon no?"

Wala sa loob akong napatango kahit hindi naman talaga iyon ang nasa isip ko.

"alam mo bang hinahunting ko yon? E kaya lang hindi ko talaga sya mahanap-hanap. Ang dami ko kasing gustong itanong sa kanya. Kung paano nya nalaman,kung bakit nya ginawa yon, kung totoo ba talaga. . .ay ewan! Naawa ako sa kanya kasi yung ibang estudyante dito ,even my classmates, jinajudge na sya agad. Ang babaw talaga ng tao minsan no?" patuloy lang sya sa pagsasalita. Wala akong ginawa kundi tumango lang ng tumango.

"ate,pwede na ata natin makuha ang toga natin e! Tara."

Ahh oo nga pala. Ngayon na nga pala ang kuhaan non.

Hindi naman kami nahirapang kumuha dahil madami naman nag-a-accomodate sa mga estudyante.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon