CHAPTER 11 - Si Epal at si Demonyita

270 2 1
                                    


CHAPTER 11

Ginising na naman ako ng usual na "Ang gwapo mo Jol" alarm clock. I feel so inspired today at naghanda talaga ako para sa wash day! Favorite day of the week eh. Dito masusukat kung sino ang totoong gwapo kasi hindi na naka uniporme.

..

Naglakad mayabang uli ako papuntang school, makapag CR nga muna.

Inayos ko yung buhok ko at nagpabango, BENCH lang afford kong pabango eh, for one day lang naman, PENSHOPPE naman bukas.

Ayun, yung inner swag ko kinakalabit na naman ako, para na silang sardinas na nagsisiksikan sa loob ng katawan ko sa sobrang dami ng swag ko mga 54,389 yung huling bilang ko ata.

Umupo ako sa garden ng school namin. Ang garden kasi sa school ay nasa center at dito ko nakikita ang mga students na dumadaan sa hallway. Actually, 9:00 A.M pa ang pasok ko pero maaga ako because gusto kong magpacute for 1 hour eh.

Dito lang ako sa garden, tinitignan ang mga dumadaan, naghihintay na tignan din nila ako at pag-usapan.

..

.

"Uyy! May group of girls na nasa kabilang aisle ng garden!"

..

I bet pinaguusapan na ako netong mga chikababes na to. Tinititigan pa nila ako oh! Haha pogi ko talaga! (swag cells regenerating 54k+ and counting).

Ganun lang yung pose ko for the next 30minutes naka number 4 at tumitingin sa malayo (iniisip ko kung nakatingin pa rin sila sa akin at pinagpapantasyahan pa rin ako).

..

Hinawi-hawi ko yung buhok ko(super gay) with matching kagat labi at beautiful cute eyes. Tumayo ako at naglakad mayabang na naman at lumipat sa kabilang aisle malapit sa kanila. Inangat ko yung left foot ko at nag astig astigan pose.

Tapos nilapitan ako ng isa sa mga chikababes..

"Di na talaga natiis ng mga babaeng ito ang kagwapuhan ko at talagang nilapitan na ako." Sabi ko sa sarili ko. Iba na talaga kapag pogi, lapitin!

...

"Excuse me." Sabi nyng girl

..

"Yes, Miss?"

.

"Eh kasi.."

"May problema ba?"

"Kasi po..."

..

"gusto mong makuha ang number ko?" tanong ko sa kanya

Hhahaahah me so pogi talaga hihingi na nga ng number, nahihiya pa

..

"okay lang naman miss eh ,walang problema sa akin kung gusto mong makuha ang number ko, alin ba sa mga kaibigan mo ang type ako? Oh wag mong sabihin na gusto niyo akong lahat? Nako! Ang hirap niyan! Di ko kaya mag multitask at higit sa lahat..."

..

"Eh kasi ang zipper niyo po bukas!!" napakalakas na sabi ng babae

"HAH?!"

Nagtawanan silang magkakaibigan. Wala na talaga! Akala ko pa naman gusto nila ako. Wala na talaga olats ako. Kakahiya!! Nagasgasan ang pogi points ko. Umalis nalang ako sa sobrang hiya ko, but don't worry, "once a pogi, always a pogi!"

HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon