CHAPTER 27 - Oyy! si ...

186 3 0
                                    


CHAPTER 27

Nakita kong lumalapit si demonyita sa amin.

"Hay! Kung minamalas ka nga naman talaga ay mamalasin ka talaga!." Parinig ko sa kanya

Inirapan lang niya ako.

"Hindi ka ba nagsasawang irapan ako? Palagi ka nalang kasing ganyan eh."

"Pake mo? I know na matatalo na talaga tayo, may black sheeo kasi sa group natin eh." Sagot naman niya

"Teka, teka wait, Hi Donna!" ako nga pala si Bernie Reyes "bebot" friend ni Jol." Pakilala ni bebot

Ningitian lang siya ni demonyita

..

"Now that you are all grouped, I will explain the process of our games, this will an elimination type, kapag natalo ang group niyo sa limang laro o natalo kayo ng tatlong sunod-sunod ay ma eeliminate na kayo at isasakay sa bus 4 na uuwi ng maaga na hindi na makakasali sa ating mga susunod na activities." Paliwanag ni Ms. Abang

"Kaya paghusayan niyo para mapasali kayo sa top 6 teams na huling uuwi. Are we all clear?!"

..

"Yes Maam!"

"Dapat nating galingan guys! Baka kasi mapauwi tayo! Ang sad naman!" pag aalalang sabi ni nerd sa grupo.

"Don't you worry nerdy! Im here to save all of you, mananalo tayo!" pabida kong sagot

"May cash prize ba sa mananalong team?" Tanong ni bebot

"Ahhhh balita ko meron eh pero sa awarding na e-aanounce kasi dati natalo kami kaya hindi ako sigurado ha, pero sabi ng friend ko, meron daw." Sagot ni nerdy

..

"Wag niyo na lang intindihin yung cash prize! Ang importante mag stay tayo dito at mapabilang sa top 6." Sabi ni ada na friend ni pat

"yeah she's right! What's important is we stay here and sa bus no.1 tayo sasakay." Dagdag ni demonyita

"bla blab la chuchu chuchu." Pangagaya ko sa kanya.

"shut up!"

Nagsalita ulit si Ms. Abang

..

"These are the following games na lalaruin for this afternoon, Volleyball (male & female mixed) quiz bee and track and field. Goodluck!"

Nagsimula na ang iba't-ibang palaro. Dahil hindi ako magaling mag volleyball ay hindi ako pinasali. Dahil hindi rin naman ako matalino ay hindi rin ako nakasali sa Quiz Bee, si demonyita, isang girl at isang boy and representative namin sa quiz bee.

Sa kasamaang palad, natalo kami dahil masyadong magagaling ang kalaban nila at hindi magaling si demonyita, haha! ^_^

..

Nagsimula na ang track and field na ginawa lang namin sa may buhangin, nakakatawa man itong tignan pero inaamin ko na nag enjoy ako at dahil naputol yung tsinelas ko ay second lang kami, sayang!

Marami pang mga palaro ang naganap sa first day ng team building namin. May mga laro na natalo kami pero kadalasan ay nagti-third place or second naman kami.

At dun na natatapos ang nakakapagod na first day ng team building namin. Nagsibalikan na kami sa aming mga kwarto. Magkatabi ang rooms ng mga varsities kaya ang mga lalaki kong teammates ay nagtutulakan para katukin yung girl varsities sa kabilang room.

..

"sige na pre! Ikaw na! Kausapin mo sila, mag bonfire tayo sa labas!" pakiusap ng teammate ko

"ayoko pre! Ang gwapo ko naman masyado para ako talaga ang kakatok sa kanila" Sagot ko sa kanya.

"ABA ANG YABANG MO AH! Gusto mo suntukin kita?!" paninindak sa akin ng mataba kong kasama.

"EH KAYO YUNG MAY GUSTO DIBA? BA'T DI KAYO ANG KUMATOK?" ganti ko sa kanila.

..

Pinagtulungan nila akong kinarga sa labas ng pintuan ng kabilang room at ibinagsak.

"Oh katukin mo na, pa bebe ka masyado!"
..

Kinatok ko yung pintuan nila

"tok! Tok! Tok!" katok ko sa door nila

"knock! Knock! Knock!" katok ko ulit

"TAO PO!!! Knock knock!" inis ko na katok, talagang nabanas ako sa mga kasama ko.

Biglang binuksan ng babae ang pintuan at hindi ko inakalang makikita ko si...

"Fe?!?"

"Oyyy! Dude! Hehe!"


HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon