CHAPTER 41 - Mama!

171 1 0
                                    


CHAPTER 41

Umuwi ako sa bahay,


sugatan.

luhaan.

At talunan.


Sugatan ako ako sa mga masasakit na hampas nang mga salita ni Donna.


Luhaan ako dahil sinaktan niya ang puso ko


At higit sa lahat, talunan ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako nananalo kay Ethan, huli pa rin ako sa kanya, siya pa rin ang palaging nananalo, lahat nang gusto niya ay nakukuha niya.



"Ma, andito na ako" tamlay kong pagbati sa kanya

...

"Oh, anak, kamusta? Okay ka lang?"


"Okay lang ako ma" sabay ngiti kong sagot sa kanya


"Sige anak, kumain ka na, sabay na tayong dalawa, inantay talaga kita eh kasi nakakalungkot kumain mag-isa."


Ayoko sanang sabayan si Mama pero ayoko namang magtampo siya sa akin, mahal ko talaga si mama eh.


"Oh anak, how's school?"


"Etong si mama, nag eenglish pa talaga, syempre okay lang ako ma."


"Oh, bakit ganyan mukha mo?"


"Masakit kasi ulo ko ma eh."


Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko, nilapitan ako ni mama.

...

"Jol"


Inakap na ako ni mama na parang bata. Naramdaman ko sa mga yakap niya ang matinding pagmamahal, yung yakap na hindi mo mararamdaman sa iba, tanging sa kanya lang, kay mama lang.


"nak, anong problema?"


"Ma, tungkol ito sa isang babae ma."


...

Ningitian lang ako ni mama


"kasi ma, si Donna Christine, inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko, inamin ko sa kanya na gusto ko siya, mahal ko siya pero wala, wala! Bumalik pa rin siya sa Ethan na gagong ex niya! Hanggang sa babae ma, talo pa rin ako ni Ethan!"


Pinahiran lang ni mama ang mga luha ko.

..

..

"Ma, ba't ganun? Ano bang meron sa kanya na wala ako? Gwapo siya, matalino, mayaman pero hindi naman siya mapagmahal samantalang ako, gwapo na at mapagmahal pa!"


Napatawa lang si mama sa mga sinabi ko.


"Oo nga anak kaya mahal na mahal kita kasi mahal na mahal mo ako eh."

...

.

.

"Aba syempre! Ikaw kaya number one ko!!"


"Di bale anak, andito naman ako, kung di mo naitatanong, mahal na mahal ka din ni mama!"


"talaga??"


"oo naman! Mula batanes hanggang jolo ang pagmamahal ko sayo!"


"mama naman ehh! Ang kornick!"


"halika nga rito!" sabay yakap sa akin ni mama

...


"So ano na ang plano mo ngayon anak?"


"syempre ma, di ako susuko!"


"sabi ko na nga ba! Haha"


At nagtawanan kaming dalawa.


HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon