CHAPTER 25 - Magbabayad ka!

190 3 0
                                    


CHAPTER 25

Late na ako ng magising, napahaba ata tulog ko medyo excited na rin ako sa team building namin. Medyo naiinis pa rin ako sa ginawa sa akin ng demonyitang babaeng yun. Gusto ko siyang gantihan sa ginawa niya!

..

Mamaya, malilintikan talaga siya sa akin!

Wala si demonyita sa Filipino class namin, ewan ko baka umabsent siya dahil natatakot siya sa akin oh alam niyang papasok si Ethan? Ewan ko. Bahala siya.

..

"Asan ba yung demonyita na yun?" inis na tanong ko sa sarili ko, gustong gusto ko talaga kasing gantihan siya sa ginawa niyang panloloko sa akin kahapon.

Hinanap ko talaga si demonyita para singilin sa ginawa niya sa akin.

Gaya ng inaasahan ko, sa P.E. room ko talaga siya mahahanap.

..

HAHA! Alam ko na ang gagawin ko.

"Tug dug! Tug dug!" kinatok ko ng malakas ang P.E room para ma distract siya sa pagsasayaw. Sinilip ko at nagpatuloy pa rin siya sa pagsasayaw.

"TUG! DUG! DUG!" Nilakasan ko ang pagkatok at nakita ko na napalingon siya.

"TUG! DUG! DUG! DUG! DUG!" nilakasan ko ng nilakasan yung parang sa horror na suspense basta ganun.

...

"TUG! TUG! TUG! TUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!"

.

May narining akong babaeng sumisigaw sa loob, haha! Feeling ko talaga ay natakot ko siya at nang sinilip ko yung pintuan ay wala na siya.

"Saan kaya nag punta yung demonyita?"

Sinilip ko ulit yung room

"Aba wala na talaga siya? Baka nahimatay."

..

Humakbang ako at pumasok sa P.E room, dinahan dahan ko yung paglalakad para di niya ako marinig.

Nakapasok na ako sa room ng biglang hinawakan niya ang paa ko  na ikinabagsak ko, tinabunan niya ng tela yung katawan ko at pinaghahampas ng walis tsaka sinipa sipa pa talaga ako.

..

"Aray! Aray! Demonyita! Aray! Araaaay! Masakit na ha! Araaay!" sabi ko sa kanya

"Eh yan napapala mo sa kaka stalk sa akin! Stalker ka kasi! Stalker!"

..

Tumayo ako at hinawakan ko yung kamay niya at kinuha yung walis na hawak niya.

"Akala mo makakaligtas ka sa ginawa mo sa akin kahapon?! Bayaran mo ako! 345 yun lahat! Di pa kasali ang interes na 20 pesos! 365 lahat!! Gagamitin ko pa yung pera para sa team building namin sa sabado kaya magbayad ka!!"

Nagulat ata siya sa sinabi ko, ewan ko kung saan siya nagulat, sa 365 ba o sa sabado?

"Wait.. Don't tell me na kasama ka sa team building this Saturday? Tanong niya sa akin"

"oo kasama ako, bakit aangal ka?" pambabara ko sa kanya

"Eh ano naman maitutulong mo sa soccer team na kahit simpleng kick lang ay di mo pa nagagawa ng tama? Hahahahahaha!"

"Anong pake mo?! Wag mong sabihin na kasama ka rin?" tanong ko sa kanya

"Of course! Mawawala ba ako na ako lang naman ang representative ng dance sport ng buong St.Rita's College!"

..

Ang yabang talaga niya! Ipapatalo niya pa talaga ang St.Rita eh! Puro arte lang naman ang alam neto! Di tulad ko na malaki ang naiaambag, sa kagwapuhan pa lang, TOP CONTRIBUTOR na ako!

"Alam mo dems (shortcut for demonyita) alam ko na ang magiging resulta ng dance sport, LOSE! Hahhaa!"

"dems?" tanong niya

"Demonyita for short!" sagot ko

"ahhhh ganun ba? Whatever yats!" sagot niya

"yats?" tanong ko

"PAYATOT for short! Hahaahahah!"

"Well anyway, at least ako payatot may silbi kahit matalo man kami, eh ikaw? Manalo man kayo o matalo, walang magbabago, wala kang silbi! Che!" pagmamayabang niya sa akin

"at least ako may silbi chuchuchuchu" panggagaya ko sa kanya

Nagpatuloy lang kami sa pag-aaway ng biglang may tumawag sa akin

"Dude!"

Napalingon ako agad-agad kasi nga alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin

"Fe!" at lumapit siya sa amin

"Ano ginagawa mo dito sa P.E room?" tanong ni Fe

"Ah wala, may utang lang akong sinisingil mula sa babaeng ito." Sagot ko kay Fe

"Ahhhhh.. okey"

Nagkatinginan sina Fe at Dems. Ewan ko ba kung anong meron sa tinginan nila but parang nararamdaman ko na may tension sa dalawa. Baka dahil sa akin? Pinagaagawan ba nila ako gamit yung mga mata nila? Kung sinong unang pipikit ay talo? Ganun ba?

Hayss. Sobrang hirap talaga maging pogi kasi pag-aagawan ka talaga ng mga babae, pogi much.

..

"Dude? Sama ka? Sa big trees?" yaya sa akin ni Fe

"oh sige ba! Alis na tayo dito kasi na babadtrip na ako."

"Cge Donna Christine, Mauna na kami" Pagpapaalam ni Fe.

Di na sumagot si Demonyita, umalis na kaming dalawa papuntang the rees.

..

"anong eksena niyo kanina ni Donna dun sa gym?" tanong ni Fe

"eh diba dapat ako magtanong sayo niyan?" sagot ko sa kanya

"Eh kasi nagkatinginan kayo dun kanina, ano problema niyo? Di niyo naman ako dapat pag-agawan eh, kayo ko naman kayong pagsabayin! Haha loko lang! I can handle both of you"

"ay yun ba? Eh kasi ngayon ko lang siya nakita sa malapitan, akala ko maganda siya, hindi naman pala" sagot ni Fe

Umupo na kami ni Fe sa may malaking puno at nagkwento ako sa paparating na team building namin.

"Excited na ako sa team building! Woohooooooo!"

"Anong team building? " tanong ni fe

"Ah kasi this sat ay magkakaroon kami ng team building for one week, yung mga varsities at contestants na kalahok sa regionals ay mag te-team building para makilala yung isat-isa, healthy competition kumbaga."

"ahhhh, ganun ba?"

"oo, ganun yun! Kaya ikaw, mag-iigat ka dito ha? Huwag mo akong masyadong ma mi-miss, haaaha!"

"talagang humihirit pa tong gago! Hahahahahaah!" sagot ni fe

At nagtawanan lang kaming dalawa


HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon