CHAPTER 31 - And the best actor goes to...

164 2 0
                                    



CHAPTER 31

Nagpalakpakan ang lahat ng tao, Di mahulugang karayom ang mga pagbati na natanggap namin sa lahat, may mga naiyak, natuwa at nadala sa pagganap namin.

..

Sinirado na ang kurtina at sinalubong kami ng groupmates namin

" ang galing niyo! Ang galing niyong dalawa! Maiyak-iyak na pagsalubong ni Ada sa amin."

Nagkatinginan lang kami ni Donna. At nag gantihan ng ngiti. Ewan ko ba, di mawala yung ngiti sa mukha ko, Sobrang saya ko talaga kasi.

..

"Oo, ang galing kasi ni Juliet eh!" sagot k okay Ada

"Hindi Ah! Ikaw nga yung magaling eh!" Sagot na man ni Donna sa akin.

..

"Kayong dalawa ang magaling, kung wala si Romeo, wala din si Juliet." Sabi ni nerd sa amin

Nakita kong palapit sina Bebot, Pat at Grace sa amin

"Ang galing niyo kanina Napaniwala niyo talaga kami na nagmamahalan kayo!" Bati ni Bebot sa amin

Nakita kong umalis na si Donna Christine at nakita ko siyang papunta sa direksyon ni Ethan, sinulyapan niya ako at nawala na siya sa paningin ko nakita ko rin si Fe na papalapit sa amin.

..

..

"Galing mo dude ah! Best Actor!"

"Hahahahaha! Hinde, minor pa na acting yun, di pa major! Heheheeh!"

"Ang cool mo dude!"

"Salamat Fe, nakita mo ba si Donna?" Tanong ko sa kanya

"Lumabas ata sila ni Ethan, di ako sure."

"Salamat Fe hah."

Lumabas ako para sundan sana sila,

"Maabutan ko sana si Diwata"

Nakita ko sila sa beach na naguusap

Inakbayan ni Ethan epal si Donna, tinawag ko silang dalawa.

"Donna!, Ethan!"

Napalingon silang dalawa

"Jol!" May ning-ning sa mga mata ni Donna nang tinawag niya ang pangalan ko

"Not Again! Why do you always do that? Yung nangdidistorbo ka?"

"May announcement kasi sa loob, tatawagin ko lang sana si Donna para kasi sa group."

..

Bumalik na kami sa function hall. May mga announcements na ginawa si Miss Abang.

"Tomorrow will be our last day because on Sunday, aalis tayo ng maaga after mass, tomorrow evening naman ang announcement of winners. And overall champion for this team building. You all did well today and I would like to congratulate you all for that."

Bumalik na kami sa kanya kanyang rooms namin. Ngunit di ko alam pero dinala ako ng paa ko sa beach, hoping na makikita ko siya, si Donna Christine, si demonyita, si Diwata.

Nag-antay ako ng mahigit isang oras sa paghahangad na pupunta siya dito at siya ay makikita ko, makakausap at tatanungin kong ano ang nararamdaman niya sa play.

Kung lahat bay un ay pagpapanggap lamang o may halong katotohanan. Kung gusto niya rin ba ako gaya ng pagkakagusto ko sa kanya.

Ngunit walang Donna Christine na dumating, wala siya. Di ko napigilan ang aking sarili at pumunta ako sa roon nila.

Pinuntahan ko siya,

..

"Anjan ba si Donna Christine?"

"Ah kasi tulog na siya, pagod na pagod ata, congratulations pala, ang galing niyo."

"Ahhh, hehe sige thank you! Mauna na ako miss."

Kinabukasan tinipon kami for spiritual activity, kanya-kaniyang sharing of experiences, may bang students na nag share ng family problems, may ia naman about gender at yun iba naman about lovelife and tanging na share ko lang ay ng problema ko sa aking papa, babaero.

..

Natapos na ang spiritual activity before 7 at nag dinner kaming lahat ng sabay-sabay. Mami-miss ko to, ang team building ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

"Please gather around the Hall."

"Are you all ready for the announcements?"

'Yes we are ready!!"

"Okay, for our third place, Group 7!!"

"before ko i.aanounce ang 2nd and 1st, i.aanounce muna namin ang special prizes."

"Most valuable player is Ethan Suarez for Basketball!"

"Most valuable player for valuable player is Feliza Asuncion!"

"most cooperative group goes to group 5

Nagpalakpakan kami dahil sa amin napunta ang award!

"best dancer goes to Donna Christine River!"

Natuwa ako kay demonyita for the first time, ngumiti siya sa akin at kinuha niya ang award.

..

..

"At ang pinakaaabangang award para sa gabing ito ay ang Best actor and best actress sa gabing ito."

"The best actress goes to ..."

"Donna Christine Rivera as Juliet for Romeo and Juliet!"

Nagpalakpakan ang buong participants, expected na si Diwata ang mananalo.

"Salamat po sa award na to, one of the best awards ever." Pagpapasalamat niya

"And the best actor goes to..."

"Ethan Suarez as Peter Pan for the play Peter Pan!"

'Boooooooooooooo" Natahimik ang buong hall ng narinig nila ang pangalan ni Ethan, sila at pati na rin ako ay nabigo.

Sa pagaakalang ako ang mananalo bilang best actor.

"Thank you for this Award, one of the best days of my life."

Kinuhanan sila ng litrato, magkatabi. Tama nga sila, bagay na bagay silang dalawa, power couple.

Tinapik lang ako ni Ada

"okay lang yan, para sa amin alam mo naman kung sino ang best actor diba?"

Di ko maintindihan, siguro ngayon pa nag sisink in ang lahat ay para akong binagsakan ng mabigat na bakal sa magkabilang braso ko.

"And the champion of this 2014 St.Rita college team building goes to... Group 10"

Anoooooo? What? Talo pa rin kami?

"It was so close, 2 points lang ang lamang ng group 10 sa group 5. It was indeed a very close fight!"

Unti-unting ko nang tinanggap ang mga nangyari, lumabas na ako, mabilis ang aking paglalakad, hinabol ako ni Donna

"Jol! "wait"

Tumakbo ako ng mabilis na mabilis papasok sa aking kwarto, tanging ang kadiliman ng aking kwarto ang huli kong naalala bago ako makatulog.

HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon