CHAPTER 29 - Kami? Partners?

217 1 0
                                    


CHAPTER 29

Nagpatuloy na ang 2nd and 3rd day ng team building namin. Doon ko lang din nadiskubre na mag kasama pala ng team sina Ethan at Fe.

..

"Subukan niya lang na diskartehan si Fe! Makakatikim talaga siya sa akin!"

..

May isang bus nang napauwi at yun ay nilalaman ng tatlong teams, sa kasalukuyan ay nasa 3rd place kami at nasa 1st place naman ang team nila Ethan. Mabuti nalang talaga at teammate niya si Fe, tiyak naman na si Fe ang nagdadala sa team nila.

Lately, I think parang di ko na masyadong na che-check yung SWAG meter ko ah! Wala na masyadong chix, busy kasi eh! I need to join sa mga games para mapansin na nila ako ulit.

Tinipon ulit kami ni miss Abang para sa announcements and sa major games at competition na parating.

..

"Okay, here are the leading groups as for today; group 7 sa first place, group 10 sa second place and group 5 for the third place. At ang mga laro na magaganap bukas ay ang finals ng basketball, volleyball and swimming. Samantalang, sa Friday naman magaganap ang dance sport, choir singing at ang main event natin for this year is our Play so better prepare your teams for these events and the announcement of winners will be on Saturday Evening."
..

Nako! Sure na talaga akong sasali sa choir singing at play! Artista ako eh! Kung di nila ako magagamit sa sports edi dito nalang ako babawi sa actingan at kantahan!

...

"This afternoon, you will be given time to practice your assigned plays and select your performers. Remember, lahat ng members ay dapat magamit." Paglilinaw ni miss Abang

...

"I will volunteer myself as the representative of dance sport for our group and whoever dances great in our group, of course lalake dapat, make yourself available." Pambungad ni Donna demonyita sa group namin

..

Akala niya talaga ang galing galing niya, conceited!(English yun ha!) at nag "I volunteer myself" pa talaga.

Samantalang nagvolunteer naman ang baklang katabi ko sa bus na kagroupmate din namin.

Pumili na si Donna ng mapapasali sa choir at nagvolunteer ako para sumali.

"Wait, magaling ka bang kumanta? Or nagyayabang ka na naman? Wala kana kasing alam gawin kung hindi ang magyabang, kung may paligsahan pa nga sa kayabangan ay talagang ikaw talaga ang ipapasali ko."

"Gusto mo sampolan pa kita jan!" sagot ko kay demonyita

"At teka teka, di ko na kailangang hingin sa inyo lalo na sayo na sasali ako dahil talagang sasali ako at walang makakapigil saken!"

..

Medyo nahirapan kami ng pipiliing members sa magiging play namin

Si Ada ang tumayong lider at directress namin sa play.

"Ang gagawin nating play ay Romeo and Juliet by Shakespeare."

"Donna, Ikaw ang magiging Juliet at Jol, Ikaw naman si Romeo."

"HAAAAAAH? NO WAY!! AYOKO!!!!!" sabay naming sagot ni demonyita.

..

"Sige kayo nalang kaya maging ako, dito kayo tumayo kayo na director, you like?" sabay walk out ni Ada

HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon