❁
Ako si Jhope pwede mokong tawaging, Hobie or Hoseok. Nakatira ako sa Bukid TownS a.k.a BTS. Bukid po ito, halos mga berde lahat ng nakikita mo dito. Mga damo damo, puno, bundok maliit man o malaki, madami ding hayop. Kahit anong hayop.
Naglalakad ako ngayon pasan pasan ang isang sako ng damo. Galing ako sa bundok.
"Ki aga-aga Jhope nanguha kana ng damo." sabi sakin ni Mang Seokjin. Kapit bahay ko. Pakihulaan nalang kung anong gender niya di ko mahulaan eh. Lalaki ba o Binabae.
"Ganun talaga." sabi ko nalang kay Mang Seokjin. Tinuloy ko na paglalakad ko. Nakita ko sa daan si Jungkook na may malaking ilong, anak ni Mang Seokjin, ewan ko kung pano nangyari yun.
Kalaro niya si Taehyung na uhuging bata. At si Jimin na may malaking pwet na pandak. Lahat sila madudungis. Mga nag-lalaro ng Chinese garter kasama yung iba pa nilang mga kaybigan.
"Mang Jhope sali ka samin?" harang sakin ni Jimin. Ang liit niya at ang dungis pa.
"Alis ka dyan bata. At wag moko tawagang 'Mang' disisais palang ako." kita mong nahihirapan na'ko sa pasan pasan kong mga damo, haharangan pa ako.
Anim na taon ang tanda ko sa mga batang to.
"Manong Jhope nangangamoy kana." biglang sabi ni Jungkook sakin. Lakas ng pang-amoy netong laki ilong na to.
"Amoy putok si Manong Jhope?" tanong ni Taehyung kay Jungkook. Palibhasa uhugin kaya di maka-amoy. Nagtawanan silang tatlo. Aba! Mga gunggung tong mga to ah. Pinitik ko nga isa-isa yung mga tenga. Sabay takbo ko kahit hirap ako sa pasan pasan kong mga damo. Narinig kong umiyak yung tatlong batang madudungis kasabay nun, narinig ko rin yung boses ni Mang Seokjin.
Paliko na ako sa bahay nang madaanan ko si Manong Suga. May bonet na suot, mukha siyang magnanakaw. Mas matanda si Manong Suga sakin ng dalawang taon.
Nag bo-bomba siya sa may poso negro, inutusan sigurong mag-igib.
"Oy damo boy." tawag niya sakin. Ngimiti siya sakin, labas nanaman yung gilagid niya.
"Oy bomba boy." tawag ko naman sakanya. Tropa tropa ko yan si Manong Suga ang taong may mahiwagang gilagid.
"Damo nanaman sa umaga?" sabi niya sakin sabay ngiti nanaman. Nasilip nanaman si gilagid.
"Syempre naman." sabi ko sakanya sabay ngiti. Perfect kaya ng ngipins ko. Hawig daw sa kabayo.
"Nays one, dag-dag pogi points." sabi ni Manong Suga sabay bomba nanaman. Sinayawan ko siya ng 'Sugar Free' kasi natuwa ako sa sinabi niya. Kahit may pasan pasan akong isang sako ng damo, di ako nahirapan.
Dancing is my fasion. Tama ba? Basta ganyan. Kowts ko yan.
"Una na ako Manong Suga." paalam ko sakanya.
"Ihahatid mo naba yang mga damong yan Jhope?" tanong niya sakin kaya napatigil nanaman ako sa paglalakad.
"Oo eh." dadaan lang ako saglit sa bahay tapos ihahatid ko na tong mga damo
"Di pwede yan Jhope. Ito oh tatlong timba, maligo ka muna para presko at mabango." bait talaga ni Manong Suga. Nangangamoy na nga pala ako sabi ni Jungkook. Buti nalang sinabihan ako ni Manong Suga maligo.
Nag-pasalamat ako kay Manong Suga. Kaso pano ko mabibit-bit yung tatlong timba, eh may dala akong isang sako ng damo.
Sakto namang nakita ko yung tatlong madudungis. Mwheheheheh may naisip ako.
"HELLO MGA BATA!" sabi ko sa tatlong madudungis.
"Oy Brney." sabi sakin ni Taehyung. Busit tong batang to ah.
"Kabayo na pala si Barney ngayon." sabi naman ni Jungkook. Kapal talaga ng ilong neto.
"Kabayong Barney na may putok." kukurotin ko sana si Jimin pandak kaso wag nalang may ipapagawa ako dito sa tatlong bata na to.
"Buhatin niyo nga yang tatlong timba na yan, isa isa kayo." utos ko sakanila. Pagod nako kaka-pasan dito sa isang sako ng damo ah.
"Tara laro na tayo." sabi ni Jimin pandak sabay takbo nilang tatlo.
"Pssst, bibigyan ko kayo ng bayabas!." sigaw ko sakanila. Huminto naman silang tatlo sabay takbo papunta sakin.
"Weh?" sabay sabay na tanong nila. Mwhehehehe.
"Oo, mamaya ihahatid ko tong mga damo. Pag-uwi ko, kukuhaan ko kayo ng bayabas kila Mang Taeyang." sabi ko sakanila. Kaagad naman nilang kinuha yung timba. Kanya kanya sila. Goodboys.
Nilagay nila yung timba sa may banyo na nasa labas at tska umalis sila. Ako naman tinabi ko yung isang sako ng damo. Maliligo nako.
"Nanguha ka nanaman ng damo ano?" sabi sakin ni Nanay na nag-sasaing.
"Oo nay. Teka maliligo nako." paalam ko sakanya.
"Oy bago yun ah." iba talaga tong nanay ko.
Perstaym ko kasi maligo bago pumunga kila Talleah my labydabs. Oo, para kay Talleah tong mga damo.
Minsan lang kasi ako maligo pag pumupunta ako dun para ihatid tong mga damo. Hala! Baka naa-amoy niya ko. Sabi pa naman ni Jungkook amoy putok ako. Eh lagi ako sinasabihan nun. Tsk, bat ngayon ko lang naisipan maligo bago pumunta kila Talleah my labydabs?