❁
Mabilis akong natapos sa pag-ligo pero sinabon ko ng mabuti yung katawan ko. With matching sayaw pa ng 'Touch my Body'. Mwhehehe.
Lumabas na ako sa kwarto ko. Aalis nako, ihahatid ko na yung isang sako kay Talleah my labydabs.
"Aba anak kung manliligaw ka wag naman naman damo ibigay mo." sabi sakin ni Nanay paglalabas ko.
"Di ko pa sya nililigawan Nay. Pero malapit na." mwhehe, matagal ko ng gusto si Talleah, at matagal ko narin siyang binibigyan ng damo. Nagpa-papansin palang ako sakanya, pero malapit ko na siyang ligawan. Hoho
Nagpaalam na ako kay nanay. Habang nasa daan ako hinarangan ako ng tatlong bata.
"Manong Jhope, wag mong kalimutan yung bayabas namin." sabi ni Jimin pandak pinatunog niya pa yung mga daliri niya. Kala mo kunh sino. Pandak naman.
"Paki-hi ako kay Mang GD." sabi naman ni Jungkook, sabay ngiti.
Mga bagong ligo tong tatlong to pero si Taehyung may uhog parin.
"Wala akong sasabihin." yun lang yung sinabi ni Taehyung.
"Oo na di ko kakalimutan. Tabi na dyan." tinuloy ko na pag lalakad ko habang pasan pasan nanamang tong sako na to.
"Di kana mabaho Manong Jhope!"
"Nice One Manong Jhope!"
"Turn Up Manong!"
Sigaw ng tatlo sakin. Mwhehe mabango at presko nako. Humanda ka Talleag my labydabs
.
.
.Nakarating na ako sa bakuran nila Talleah, mula dito tanaw ko siya. Kasama nanaman niya si
Hoseok.... ang kabayo niya.
Isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Mahilig siya sa kabayo.
Si Hoseok ang kabayo niya, minsan nga naaasar ako sa kabayo niya. Lagi niyang nakakasama si Talleah my labydabs
Ang ganda niya talaga kahit sa malayuan. Mwehehehe.
Nasira ang maganda kong moment, may matandang sumasayaw na parang robot na lumapit sakin. Si Mang Namjoon.
Bat ko nga ba nakalimutan na si Mang Namjoon nga pala ang tatay ni Talleah my labydabs
"Oy Mang Namjoon magandang umaga. Gusto turuan kitang sumayaw?" bati ko kay Mang Namjoon na tumigil na sa pagsayaw.
Dapat pala na 'po' ako.
"Bawal pekeng kabayo dito." sita sakin ni Mang Namjoon. Grabe naman to.
"Joke lang naman yung Mang Namjoon. Tara sayaw tayo ng Up and Down." aya ko sakanya. Nag-sayawan kaming dalawa.
"Teka! Nililibang moko eh." napatigil tuloy ako sa pag sayaw. Asar naman to si Mang Namjoon. Tsk, napakalaking hadlang. Pati yung ano niya malaki. Halata eh.
"Mang Namjoon namam papasukin niyo na ako." reklamo ko sakanya, eh siya kaya pag-pasanin ko netong isang sako ng damo. Mahirap din kaya. Medyo mabigat to oy, may halong pagmamahal to kaya mabigat. Lol
"Nako Jhope di ka pasa sakin." bat ba to naging tatay ni Talleah my labydabs
"Mang Namjoon tignan moko, bagong ligo ako. Presko at mabango pa." sabi ko sakanya. Sayang naman effort kong maligo kanina kung di ako maaamoy ni Talleah my labydabs
"Aba! Bago yan Jhope ah. Buti naligo ka, malapit na ma-immune anak ko sa amoy mo." asar talaga to Mang Namjoon na to eh. Kung di lang to mas matanda sakin at kung di ko lang to magiging bayaw, uupakan ko na to. Sisipain ko ng ubod ng lakas hanggang umabot siya sa mundo ni Taehyung, yung uhuging bata.
SA
WA
KAS
Binuksan na din ni Mang Namjoon yung gate nilang kahoy na kulay puti. Malaki-laki tong bahay nila Mang Namjoon. Mayaman sila eh. Pero real talk, di kamukha ni Talleah my labydabs si Mang Namjoon.
Si Mang Namjoon kasi mukhang gulong na napirat. Mwhehehe