VI

12 1 0
                                    

"Goodmorning Talleah!" bati ko kay Talleah. Nandito siya sa labas ng gate nila malapit sa ng mga puno ng bayabas. Ang alam ko pag-mamay ari to ni Mang Taeyang.

"Ay kabayong manoo!" sigaw ni Talleah my labydabs. Hala, kabayong manoo?

"Ano bayan Jhope, ginulat mo ako." reklamo sakin ni Talleah my labydabs. Ang ganda niya parin kahit naka-kunot ang noo niya.

"Sorry naman, sensya kana ngayon lang ako dumating." naka-ngiti kong sabi sakanya. Kasama niya nga pala si Hoseok yung kabayo niya. Nginitian ko si Hoseok sabay bigay ng damo sakanya.

Buti nalang mga damo ang kinakain ng kabayo, meron akong rason para makita si Talleah my labydabs.

"Ah, okay lang. Hinintay ka nga pala namin ni Hoseok,." naka-talikod ako kay Talleah at nakaharap naman ako kay Hoseok. Kinikilig ako, pati din siguro si Hoseok. Mwehehe.

Hinintay niya ako!

"Jhope, salamat ng sobra kasi lagi mo akong kinukuhaan ng damo para kay Hoseok. Maraming, maraming salamat talaga, sabihin mo lang kung napapagod kana ah, pwede ka namang tumigil." sabi niya pa.

Tumigil? Ako titigil? No, no, no.

Siguro ito na ang tamang tsempo at oras. Humarap ako kay Talleah my labydabs.

"Talleah, kahit kaylan man ay hindi ako mapapagod na dalhan ka ng mga damo at kahit kaylan hindi ako mapapagod na pumunta dito para makita ka." hindi pa siya nag-sasalita, totoo nga ang sinabi ni Manong Suga.

Inilabas ko ang pulang rosas na kinuha namin kila Mang Seokjin.

"Talleah-" di ko kaagad nasabi yung sasabihin ko. Kinuha ba naman kaagad yung pulang rosas, pinalo ko nga siya sa kamay sabay 'shhhh' ko.

Manong Suga kakaiba talaga si Talleah may labydabs medyo may pagka-atat. Mwhehe.

"Talleah, matagal na kitang gusto. At ang pag-dadala lang ng damo ang paraan para makita kita araw-araw, sila ang dahilan kung bakit ako nandito araw-araw. Alam mo bang bawat sako na dinadala ko dito araw-araw ay may-lamang pag-mamahal ko. Alam mo bang sobrang saya ko kapag nakaka-tikim ako ng mga niluluto mo na puro may daing, kahit sawa na ako sa daing, okay lang kasi ikaw naman ang nag-luto. Kahit na malapit na mapigtas tong tsinelas ko, tutuloy parin ako dito sainyo Talleah. Handa akong gawin para sayo. Mahal kita. Talleah my labydabs, sana bigyan mo ako ng chance na ligawan ka." sa wakas na sabi ko. Hindi normal yung tibok ng puso ko. Pati pala sa loob ng puro may karerang nagaganap.

Tinanggap niya yung pulang rosas, tinitigan niya ito. Nakatulala lang siya. Teka? Di ba siya natuwa sa sinabi ko? Galit kaya siya. Wala ba akong pag-asa?

"Ah, yang pulang rosas nayan, kinuha ko kasama si Manong Suga doon kila Mang Seokjin. Hindi naman kami nahuli." ngumiti ako sakanya.

Nasasaktan na ako sa pagiging tahimik niya. Sa pulang rosas lang siya nakatingin. Baka si Mang Seokjin gusto niya. Hindi pwede yun!

Tumingin ako kay Hoseok yung kabayo, mukhang nalukungkot din siya dahil wala pang sinasabi sakin si Talleah my labydabs.

"Hala! Sorry Talleah! Sorry kung umamin ako sayo. Hindi ko na kasi mapigilan. Ayaw mo ba sakin? Galit kaba? Gusto mo ba akong lumayo Talleah?!" madaling sabi ko nang makita ko siyang naiiyak. Ganun niya ba ako hindi ka-gusto? Naiyak siya. Nanlumo naman ako.

Guys dito na nag-tatapos ang kwento namin or kwento ko. Mwuhuhuhuhuhu!

'

'

"Ano ba Jhope, hindi ah! Tears of joy lang to." pagka-sabi niya nun, parang ako naman ang naiiyak. Tears of Joy daw! Diba dapat Tears of Talleah kasi Talleah yung pangalan niya.

"Hindi ka galit sakin?" natutuwa ako pero may konting kaba parin akong nararamdaman dahil sa tanong ko.

"Hindi ah, natutuwa kasi ako. Ang buong akala ko wala kang pag-tingin sakin kaya di ko binigyan ng meaning lahat ng effort mo. Salamat ulit Jhope. " sabi niya habang naka-ngiti. Tumigil na siya sa pag-iyak.

Dahil sa sinabi niya, para akong nabunutan ako ng tinik, naka-hinga na ako ng maluwag. Karera nalang ang natitira sa loob ng puso ko.

"Basta para sayo Talleah my labydabs handa kong gawin ang lahat." buong lakas ng loob na sabi ko.

Maraming salamat kay Mang Seokjin at kay Manong Suga dahil nabigyan ako ng chance ni Mang Namjoon na ipakita kay Talleah my labydabs ang tunay na nararamdaman ko. Maraming maraming salamat Manong Suga sa pagtulong mo sakin. Sa Tatlong Bata, salamat dahil kahit makukulit kayo, sainyo ko nalaman na mabaho pala ako.

"Jhope payag ako." sabi ni Talleah my labydabs. Payag? Anong sinasabi neto? Natulig yata.

"Tulig kaba Talleah?" tanong ko sakanya, kumunot yung noo niya.

"Ang sabi ko payag ako," sabi niya pa ulit. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo na may konting awang ng bibig. "Aish, payag ako na manligaw ka."

Sa huling sinabi niya, para akong nabingi, yung karera lang yung naririnig ko.

"Waaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko. Umaapaw yung kasiyahan ko ngayon. "Wooooooooooooh!" sigaw ko ulit sabay sipa, talon, sayaw habang naka-bukaka. [Isipin niyo yung ginawa ni Jhope nung naka-shoot siya sa American Hustle life ep7.]

Pero napa-tahimik ako nung may-narinig akong sigawan rin at tawanan.

Sila, Mang Seokjin, Mang Namjoon, Manong Suga, Tatlong bata na sina, Jimin na pandak, Taehyung na uhugin, Jungkook na malaki ilong.

Hala mga chismosoa.

"Pumayag si Talleah my labydabs! Salamat sainyo!. Salamat Mang Namjoon." sigaw ko sakanila. Nakangiti naman si Talleah my labydabs.

"Congrats Manong Jhope." bati sakin ni Jungkook na malaki ilong.

"Nice one Manong." si Jimin na pandak + malaki pwet.

"Turn up po!" sabi naman sakin ni Taehyung na uhugin. Nginitian ko sila sabay bigay ng bayabas.

"That's my horsy." sabi sakin ni Manong Suga, naka-ngiti siya, naka-litaw pa yung gilagid niya. Naka-cap na siya ngayon di na bonet.

"Salamat sa tulong Manong Suga." pasalamat ko sakanya, tinapik niya naman ako.

"Naka-jackpot ka Jhope ah. Pero tung rosas ko talaga eh." sabi sakin ni Mang Seokjin.

"Sensya na Mang Seokjin at salamat na din, wag na kayo magalit. Para naman po yung kay Talleah." naka-ngiti kong sabi sakanya. Nag-thumbs up naman siya sakin.

"Nice." nakangiting sabi ni Mang Namjoon.

"Salamat din Mang Namjoon, pinayagan mo ako na makita si Talleah araw-araw at maligawan siya." nakangit kong sabi sakanya. Natutuwa talaga ako ngayon + sobrang saya. Grabe, my heart is.... My hearts is... Oh my gud.

Humarap ako kay Talleah my labydabs.

"Matagal ko tong hinintay Talleah my labydabs, salamat dahil ang wish ko na manligaw sayo ay tinupad mo. Ang saya-saya ko ngayon. Gusto ko lang sana na itanong kung may feelings kaba sakin Talleah?" nahiya ako sa tanong ko.

"Jhope ang totoo nyan, magulo pa. Di ko pa alam, pero masaya ako kapag kasama naman kita. Kaya binigyan kita ng chance na manligaw para mas lalo pa kitang makilala at matukoy ko kung ano tong nararamdaman ko para sayo." sabi sakin ni Talleah na parang iniingatan niya na di ako masaktan.

"Okay lang Talleah, naiintindihan kita. Handa akong manligaw ng matagal para matukoy mo bg tuluyan yang nararamdaman mo. Handa akong mag-hintay." naka-ngiti kong sabi sakanya.

"mwhehehehehehe!" si Hoseok na kabayo ni Talleah. Malikot yung buntot niya. Kinikilig siguro. Salamat sayo Hoseok na kabayo, kung wala ka, walang damo, walang Talleah na makikita ko araw-araw.

I labyu mga damo.

-❁

Update, tumakas ako ngayon sa school eh. Hehe 4hours PE lang naman yun no discussion.

Comment and Vote mga labs.

Once Upon a GrassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon