IX

6 0 0
                                    

Ilang oras nalang uwian na ni Talleah my labydabs. Kasama ko ngayon sila Manong Suga, Mang Seokjin, yung tatlong bata, Mang Namjoon. Nandito din ang Chicka Dolls, sila Manang Bom, Manang Dara, Manang CL at Manang Minzy. Nagbebenta sila ng Banana Q, napadaan sila dito kaya bumili kami. Pang meryenda.

"Dadalhan ko ng Banana Q si Talleah." sabi ko. Kaya binigyan ako ni Manang Dara ng isang supot na may lamang dalawang Banana Q.

Nagpaalam na ako sakanila. Kasama ko ulit yung tatlong bata at si Manong Suga.

"Hoy Jimin natatae kaba?" tanong ko kay Jimin ang likot kasi eh.

"Hindi ah, kinakabahan lang ako. Pano pag may kinalaman yung Mark nayun." sabi sakin ni Jimin.

"OA ah, ikaw ba kakausap kay Talleah ha?!" sabi ko sakanya. Pa kaba kaba pang nalaman.

"Think positive nga daw sabi ni Manong Suga eh." sabi naman ni Jungkook. Bati na kami ni Jungkook, nakikain nga ulit samin kanina eh.

"Wag mo nga banggitin yung Mark nayun, babarilin ko yun mamaya." naaasar na sabi ni Taehyung. Ang sweet naman ng mga batang to. Mweheheh, nakakatuwa.

Pag-dating namin sa school ni Talleah my labydabs. Labasan na. Hinintay namin na maka-labas si Talleah. Nandito lang ako sa harap ng gate, sila Manong Suga nanduon sa gilid, nakaupo sa kahoy na upuan. Nakain naman ng ice cream yung tatlong bata.

Imbis na si Talleah ang makita ko, si Mark ang lumitaw. Nakita niya ako kaya lumapit siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin. Pero di ko siya pinansin. Snob ako.

"Kinakausap kita." sabi niya pa. Tumingin ako sakanya.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito at hindi ikaw ang gusto kong kausapin." sabi ko sakanya. Maya maya biglang lumitaw si Talleah sa likod niya.

"Talleah." tawag ko sakanya. Lalapit sana ako kaso humarang si Mark.

"Anong kaylangan mo sakanya?" ano bayan paepal naman tong Mark na to.

"Ikaw ba si Talleah? Ikaw ba?" tanong ko kay Mark. Sinamaan naman ak ng tingin ni Mark.

"Bakit ka nandito Jhope?" tanong sakin ni Talleah. Namiss ko yung boses niya. Nakakunot yung noo niya saakin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.

"Nag-uusap na kayo." paepal ni Mark.

"Wag ka nga sumabat, naaamoy ko yang hininga mo!" sabi ko sakanya, inamoy niya naman kaagad yung hininga niya.

"Ano bang pag-uusapan natin Jhope?"

Tumingin ako kay Talleah, iba na yung tingin niya sakin, parang may halong panghuhusga.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sakanya. Matagal siyang di nakasagot at tumingin kay Mark.

"Iniiwasan ka niya dahil alam na niya ang balak mo." nakakunot noong tumingin ako kay Mark. Balak? Ano bang balak ko? Wala akong masamang balak kay Talleah.

"Jhope tumigil kana sa panliligaw mo." sabi pa sakin ni Mark.

"Sino kaba para sabihin yan?!" inis kong sabi kay Mark. Napakuyom nalang ako sa kamao ko. "Ikaw ba ang nililigawan ko ha?"

"Jhope tumigil kana sa panliligaw saakin." napalingon ako kay Talleah ng bigla siyang mag-salita.

"Talleah may nagawa ba akong masama?" malumanay na tanong ko sakanya. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama, dinalhan ko lang naman siya ng damo tska masaya naman kami dati ah.

"Jhope alam na namin, kaya mo niligawan si Talleah dahil pera lang ang habol mo sakanya." para akong nabingi sa sinabi ni Mark. Pera? Pera ang habol ko? Hindi ko kaylangan ng pera. Si Talleah lang ang gusto kong makuha hindi yung pera nila. Alam ni Mang Namjoon yun, hindi masama ang motibo ko kay Talleah.

Tumingin ako kay Talleah, naiiyak na siya.

"Talleah hindi. Matagal mo na akong kilala. Hindi yun totoo." sabi ko sakanya.

"Jhope, hindi rin tayo para sa isat-isa. Mahirap ka, paano ang future ko kapag ikaw ang pinili ko. Ano magiging katulad mo rin ba ako na mangunguha ng damo araw araw? Magandang kinabukasan ang gusto ko Jhope. Sorry pero wag ako, iba nalang." sa mga sinabi ni Talleah, aaminin kong tinamaan talaga ako. Masakit para saakin yun. Alam kong mahirap lang ako pero di niya kaylangang ipamukha saakin yun, lalo na't nandito kami sa school na halos may mga kaya ang nakakapag-aral dito.

"Pero hindi pera ang habol ko sayo." halos pabulong kong sabi sakanya.

"Buti nalang pina-realize sakin ni Mark ang lahat." tumingin ako kay Mark. Aba! ngumiti pa siya ng nakakaasar, tusukin ko na kaya to ng baba ko o di kaya sipain ko hanggang sa kabilang planeta.

Lumapit sakin sila Manong Suga. Hinawakan niya ako sa balikat, yung tatlong bata naman nag fefeeling malakas. Pinapatunog kasi nila yung mga daliri nila.

Muntikan na ako matawa nung tinarayan ni Taehyung si Talleah.

"Ito oh, dalawa yan. Pakabusog kayo." sabi ko sakanila sabay bigay nung supot na may lamang dalawang Banana Q. Bakit kaya ang ganda parin ni Talleah kahit umiiyak siya.

Nginitian ko sila, wala naman akong magagawa. Pera daw habol ko. Kung magiging kami ni Talleah sa huli, kaya ko naman siyang buhayin, bigyan ng magandang kinabukasan. Kakaasar hawak ko na eh. Nakawala pa.

"Uwi na tayo Manong Suga, nabigay ko narin naman yung Banana Q." sabi ko sakanila. Tumalikod na kami at naglakad. Konting hakbang palang ang nalalakad namin ng humarap si Manong Suga.

"Hoy Mark na mukhang stick, wag kang masyadong mapang-husga. Ikaw naman Talleah, sana mas pinaniwalaan mo yung taong MAS matagal mo ng kilala. Kbye!" stick lang pala tong Mark na to eh. Ako horsy. Lalakad na sana kami kaso yung tatlong bata naman ang humarap.

"Teh Talleah! Hindi tayo bati. Isusumbong kita kay Natay Seokjin ko!" dumila pa si Jungkook.

"Sabi na nga ba eh! masama yang Mark nayan. Ano! suntukan tayo oh, ano?!" nag-fefeeling maangas nanaman to si Jimin na pandak.

"Babarilin kita!" sigaw ni Taehyung. Kaso walang lumabas na bala. Kaya ang ginawa niya binato niya kay Mark yung baril.

"Aray!" sigaw ni Mark, natamaan kasi sa labi. Gusto ko sana tumawa kaso ayaw naman lumabas ng tawa ko.

Tumakbo papunta samin si Taehyung. Naglakad na kami. Kaso yung tatlong bata ayaw paawat may sasabihin pa yata.

"MATITIKMAN NIYO ANG BATAS NG ISANG API!" sabay sabay na sigaw ng tatlong bata. Pumalakpak naman si Manong Suga.

"Ako nagturo sakanila. Nakuha ko kay Amor." paliwanag si Manong Suga.

Once Upon a GrassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon