V

21 2 2
                                    

Makalipas ang anim na araw.

Kakatapos ko lang manguha ulit ng damo sa may bundok. Pero di muna ako dumeretso kila Talleah my labydabs. Kila Manong Suga ako pumunta kaagad. Iniwan ko muna yung isang sako na may lamang damo at pag mamahal ko sa bahay.

"Jhope, sa tingin ko ngayon na ang tamang panahon." panimula ni Manong Suga, nagpapatulong ako sakanya para kay Talleah my labydabs.

Naka-upo ako ngayon sa kama ni Manong Suga na gawa sa kahoy, medyo malambot yung kama niya dahil may pinatong siyang kotchon.

"Ramdam ko rin Manong Suga." kanina ko lang naramdaman na parang ngayon na talaga ang tamang panahon. Sa makalipas na anim na araw madaming nangyari. Kung dati nag-susungit sakin si Mang Namjoon tuwing hinahatid ko ang isang sako ng damo kay Talleah, ngayon hindi na masyado.

Dahil yun kay Mang Seokjin.

«
Galing akong palengke inutusan kasi akong bumili ni nanay. Dahil nadadaanan ko ang bahay ni Mang Seokjin, nakita ko siya kasama si Mang Namjoon pati yung tatlong bata at si Manong Suga.

Nag-iinuman yung tatlo at yung tatlong bata kumakain. Nakita nila akong dadaan kaya tinawag nila ako.

"Pokehorse!" sigaw ni Manong Suga kaya napahinto ako. Binato naman ako ni Mang Seokjin ng Pokemon catcher.

"Horse lang walang poke!" sabi ko sakanila. Nagtawanan naman sila pati yung tatlong bata. Pero si Mang Namjoon tahimik lang.

Pinalapit nila ako.

"Balita ko Namjoon itong si Jhope may gusto kay Talleah." sabi ni Mang Seokjin.

"Payag kaba Mang Namjoon na man-ligaw si Jhope kay Talleah ha?" tanong naman ni Manong Suga. Teka ano bang trip nila.

"Yan? Wala, walang pag-asa yan kay Talleah." mayabang na sabi ni Mang Namjoon.  Oh my gud, my heart is.. Oh my gud. Sakit nun ah.

Nag 'boo'  naman yung tatlong bata na sila Jungkook na malaki ilong,  Taehyung na uhugin at si Jimin na pandak na may malaking pwet. Babatuhin ko sana ng patatas kaso baka magalit si Mang Seokjin.

"Wag kang ganyan Namjoon, masama yan. Baka sa paningin mo lang walang pag-asa, pero kay Talleah meron naman. Wag mong hadlangan ang kasiyahan ng mga bata." halos maiyak ako pati yung tatlong bata dahil sa sinabi ni Mang Seokjin, mukhang may pinag-dadaanan eh.

"Oo nga Mang Namjoon. You is.. is... ah basta! bigyan mo nalang ng chance si Jhope the none poke horse." pag-sang ayon ni Manong Suga kay Mang Seokjin. Tumingin sakin si Mang Namjoon. Nag-paawa look naman ako sabay tingin sa ibang dereksyon. Napatingin ako sa may bandang hita ko, ang sarap lang ibalik sa totoong planeta niya si Taehyung na uhugin, pinahiran ba naman ako ng sipon. Kaasar ah.

"Actually the truth is, I'm just afraid that Talleah might get hurt not physically but emotionally because of that 'love'. Jhope, I'm sorry if I'm always looked mad or pissed at you. I'm giving you a chance to tell and show to Talleah what you really feels for her." saad ni Mang Namjoon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyion ko kasi di ko naman naintindihan mga sinabi niya. Nag dugo na nga ilong ni Jungkook pati yung kay Jimin, kay Taehyung rin, di na sipon ang lumalabas kundi dugo na.

"Are you foreigner?" basag ni Manong Suga sa katahimikan namin.
»

Kaya ngayon tutulungan ako ni Manong Suga.

"Dahan-dahanin mo lang dapat Jhope," sabi sakin ni Manong Suga habang palakad-lakad siya sa harap ko, feeling titser. Mwhehe

"Humanap ka ng magandang tsempo para aminin mo yung nararamdaman mo sakanya," sabi niya pa.

"Manong Suga naman bilisan mo naman pag-sabi mo." sabi ko sakanya habang naka-kunot yung noo.

Patagal ah.

"Ano ba, dahan dahan nga eh. Makinig ka nalang dyan Jhope the horsy." sipain ko kaya tong si Manong Suga. Mwhehe joke lang, baka ma-infires ako nyan.

"Kapag aamin ka sakanya, dapat may dala kang pulang rosas, ilabas mo yun bago ka umamin. Alam kong hindi niya pa tatanggapin yung rosas, alam mo naman ang mga babae gulat pa. Kaya habang di niya pa tinatanggap, aminin mo na lahat ng nararamdaman mo sakanya." tuloy ni Manong Suga. Grabe talaga to si Manong Suga, napaka-galing.

"At tska, wag mong kalimutang ngumiti, ipakita mo sakanya ang napaka-ganda mong ngipin na katulad ng kay Hoseok na kabayo ni Talleah." nakangising sabi ni Manong Suga, labas nanaman yung gilagid niya.  Feeling ko napaka-proud ko sa sairili ko, dahil sa sinabi ni Manong Suga.

Pero...  May problema pa pala ako. Biglang kumunot ang noo ko, nawala rin yung tuwa ko.

"Oh bakit Jhope?" tanong sakin ni Manong Suga habang inaayos niya yung bonet niyang kulay itim.

"Manong Suga, " tawag ko sa kanya na malumanay ang boses ko. Alam niyo yung halatang may problema.

"Bakig Jhope?"

"Manong Suga,"

"Oh?"

"Manong Suga, "

"Bakit nga Jhope?!"

"Manong Suga, "

.
.
.

"KABAYONG HAYOP KA JHOPE! BAKIT NGA!" nagulat ako sa sigaw ni Manong Suga. Tumayo pa nga mga balahibo ko.

"Manong Suga naman maka sigaw wagas." reklamo ko sakanya.

"Eh paulit ulit ka eh, ano ba kasi yun?" tinapon niya yung bonet niya, nainis siguro.

"Eh kasi nga, san ako kukuha ng pulang rosas? Eh puro cactus tanim ni nanay eh. Tska puro mga sampaguita yung mga tanim ng kapit bahay natin." yan, yan ang problema ko.

Nakakaasar naman kasi si nanay eh, puro cactus. Dati nga nadulas ako habang dinidiligan yung mga tanim ni nanay tapos  saktong sakto yung pwet ko sa mga cactus. Kaya simula nun di na ako nag dilig.

"Tss, yan lang pala problema mo. Madami tayong suplayer." nakangiting sabi ni Manong Suga. Binigyan niya ako ng kalamansi juice, tinanggap ko naman.

"Sino naman yun?" tanong ko sakanya sabay inom ng juice na gawa daw niya. Pero agad ko din tong dinura, kalamansi juice nga talaga, pure kalamansi walang halong iba, ang ASIM.

"Si Mang Seokjin, alam mo naman yun nag-tatanim ng mga rosas. Hehe" sabi niya sabay tawa ng nakakaloko.

Buti nalang di niya nakita na dinura ko yung ininom ko. At buti nalang may basahan na kulay itim dito sa kwarto ni Manong Suga.

"Da best ka talaga Manong Suga!" nakangiti kong sabi sakanya sabay akbay.

Ngumiti naman si Manong Suga na nakalabas ang mahiwagang gilagid.

'

'

"Salamat Manong Suga, alis na ako." paalam ko ko sakanya. Di siya naka-bonet ngayon, diba nga kanina tinapon niya sa sahig yung bonet niyang itim.

Galing kami kay Mang Seokjin at nanguha ng pulang rosas. Buti nga di kami nahuli ni Mang Seokjin, pero yung tatlong bata nahuli kami. Mwehehe, tinakot ni Manong Suga eh, kaya di na nag-sumbong.

"Smaller things Jhope the horsy. Mag-ingat ka, alalahanin mo ang mga sinabi ko sayo." sabi ni Manong Suga saakin.

Kinakabahan ako, para akong natatae na ewan.

"YUNG BONET KO! BAKIT BASA TO?!" narinig kong sigaw ni Manong Suga, agad akong tumakbo. Kaya pala kanina nung ipinunas ko yung akala ko basahan eh, may nararamdaman akong kakaiba. Bonet pala yun ni Manong Suga!.

Once Upon a GrassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon