❁
"Kumusta naman anak?" tanong sakin ni nanay. Kasalukuyan akong nanananghalian ngayon, aalis kasi ako, susunduin ko pa si Talleah my labydabs.
"Nay, lagi tayong nag-kikita." sabi ko sakanya.
"Tinatanong ko kung kumusta na yung pang-liligaw mo kay Talleah!" yun pala yung tinatanong niya. Nung araw na pumayag si Talleah na mag-paligaw sinabi ko kaagad kay nanay. Wala namang problema sakanya, kung yun daw ang kasiyahan ko, okay lang, kasiyahan na din daw niya.
Gaya-gaya nanay ko.
Joke, mahal ko nanay ko, napakabait. Lab lab lab
"Okay naman nay, madalas ko ng nakikita yung mga ngiti ni Talleah my labydabs. Halos mag-iisang buwan na akong nanliligaw sakanya, feeling ko nga sasagutin na niya ako." sabi ko ng may ngiti sa mukha. Patuloy ko parin siyang dinadalhan ng damo.
Close na kami ni Mang Namjoon, minsan nga siya na mismo ang nag-nanakaw ng mga rosas kila Mang Seokjin, tapos ibibigay sakin para maibigay ko kay Talleah. Oo, mag-iisang buwan ko nang nililigawan si Talleah. Feeling ko napaka-close na namin, ramdam ko ang kasiyahan niya palagi. Ang saya ko kapag napapatawa ko siya.
"Nay, maya nalang tayo mag-kwentuhan. Susunduin ko na si Talleah sa school niya." paalam ko kay nanay atska lumabas.
Habang nag-lalakad ako nadaanan ko si Manong Suga, nag-papabunot ng buhok sa kili-kili sa tatlong bata na sila, Jimin na pandak, Jungkook na malaki ilong at Taehyung na uhugin.
"Oh tapos na Manong Suga!" sabi ni Taehyung, sabay punas ng sipon sa bonet ni Manong Suga.
"Malinis na yung kili-kili mo, kaso maasim-asim parin." reklamo ni Jungkook, inamoy pa niya yung kamay niya. Nakita ni Taehyung yung ginawa ni Jungkook kaya inamoy din niya yung kamay niya. Hulaan ko walang naamoy yan, uhugin eh.
"Manong Suga may usapan tayo, wag mong kalimutan." sabi ni Jimin sa tonong parang nag-babanta. Pina tunog niya yung mga daliri niya.
"Oo na, oo na! Babayaran ko kayo. Tska na, nasa bahay yung pera ko." sabi ni Manong Suga.
"Oy Jhope!" tawag niya sakin. Lumpit ako sakanila.
"Oy Manong Suga!" bati ko sakanya.
"Mag-susundo kana?" tanong niya sakin nung makalapit ako. Ngumiti ko sabay tango. Eksayted na nga ako eh.
"Manomg Jhope sama kami." sabi sakin ni Jimin.
"Pasama kami sayo Manong Jhope, kami taga bantay mo." sabi naman ni Jungkook, nangulangot pa.
Tinignan namin si Taehyung, siya nalang kasi ang hindi nag-sasalita. Napatingin tuloy siya samin.
"Ano?! Wala akong sasabihin, tusukin ko yang mga mata niyo." sabi ni Taehyung na mukhang naiinis.
"Ang init ng ulo mo ngayon Taehyung ah." sabi ko sakanya sabay gulo ng buhok niya.
"Pinag 20 push up kasi siya." singit ni Jungkook. Nagtawanan naman kami.
-
Konting lakad nalang makakarating na kami sa school ni Talleah my labydabs. Kasama ko tong tatlong bata, si Taehyung may hawak pa na kahoy na baril sabay hampas kila Jimin at Jungkook.
Binigyan ako ni Mang Seokjin ng tatlong perasong rosas. 'I love You' daw meaning pag-ganon eh hindi ko naman gets. Mwhehehe hayaan mo na nga lang.
"Malayo paba Manong Jhope?" tanong sakin ni Jimin pandak. Tinignan ko siya.
"Kanina kapa reklamo ng reklamo Jimin ah. Gusto mong paluin kita sa pwet ha?" pagbabanta ko sakanya, kanina pa kasi tanong ng tanong.
"Sagutin mo nalang kasi Manong Jhope, sagot mo kasi palagi sakin 'you is very no fun'." sabi niya, ginaya niya pa yung boses ko. Tong bata na'to, lagi ko namang kasama sila pag-nagsusundo ako kay Talleah, di naman sila masyadong nagkukulit kaya okay lang. Pero lagi akong tinatanong ni Jimin kung malayo paba.