❁
Ngayong week na'to napaka-lungkot ko. Minsan ko na lang kasi mahatid sundo si Talleah my labydabs. Minsan kasi nauuna na siya pumasok at umuwi. Kapag kakausapin ko naman siya laging nag-aaral, busy daw sabi ni Mang Namjoon.
Si Manong Suga at yung tatlong bata lang ang nakakaalam sa problema ko ngayon.
Minsan nalang kami magkausap at mag-kita ni Talleah my labydabs. Simula nung sinundo ko siya nung nakaraang week, pagkatapos nun, parang nag-iba na siya. Mwehuhuhu.
"Manong Jhope, intindihin mo nalang! Malay mo busy lang talaga yun sa studio." sabi ni Jungkook.
"Hoy bata! Anong studio, study yun! STUDY!" pag-korek ni Manong Suga. Di ko lang sila pinansin.
"Kausapin mo na si Mang Namjoon, baka matulungan ka nun." sabi ni uhuging Taehyung. Tinignan ko sila habang nakasimangot.
"Yoko, baka OA lang talaga ako." sumimangot pa ako lalo. Napatigil lang ako sa pag-simangot ng marinig ko yung kunwaring nasusuka yung tatlong bata.
"Wag ka ngang pabebe Manong Jhope!" sigaw sakin ni Jimin. Paluin ko to sa pwet eh.
"Sabihan mo na si Mang Namjoon, tutulungan ka nun." sabi ni Manong Suga. Tumango ako, si Manong Suga lang naman talaga ang hinihintay ko. Mwehehehe.
"Arte mo Manong Jhope, papilit kapa kay Manong Suga eh." pinanlakihan ko ng mata si Jungkook dahil sa sinabi niya. 'Tong bata na to!.
"Gusto mong tusukin kita gamit tong baba ko?" pananakot ko sakanya.
"Isusumbong kita sa Natay Seokjin ko!" sigaw ni Jungkook na may malaking ilong. Ibig sabihin ng Natay, nanay at tatay na pinaghalo.
"Hala ka Manong Jhope." sabi ni Jimin na pandak.
"Lagot ka!" pananakot ni Taehyung na uhugin.
Tumakbo naman si Jungkook sabay sigaw ng...
"Natay Seokjin! Huhuhuhu!" sumbungero talaga yung batang yun. Sinundan naman siya nung dalawa.
"Mga isip bata talaga yung mga yun." sabi ko.
"Horsy boy, ang bobo mo. Malamang mga bata palang yung mga yun. Alangan namang isip matanda na yung mga yun." gusto ko sana tusukin si Manong Suga kaso wag nalang.
Naglakad kami papunta kila Mang Namjoon. Habang naglalakad kami, iniisip ko kung iniiwasan ba ako ni Talleah. Pumasok din sa isip ko na, baka yung Mark ang dahilan. Hindi pwede yun.
Kakaisip ko natapilok tuloy ako, potek. Pinag-sisipa ko yung bato dahil sa inis. Pero sa huli ako lang din ang nasaktan.
"Aray ko!" hiyaw ko. Sinipa ko kasi yung bato.
"Wag mo kasing kalabanin yung bato." sabi ni Manong Suga. Di nalang ako nag-salita at nag-tuloy na sa pag-lalakad.
Pag-dating namin kila Mang Namjoon, nakita namin siya sa labas ng bahay nila. Nakaupo sa may upuan at nag-kakape.
"Mang Namjoon!" sigaw ko sakanya. Pero di niya ako pinansin. Aba!
"Sigawan mo ulit, yung mapapalingon talaga siya." sabi sakin ni Manong Suga, nginitian niya pa ako ng makahulugan. Oy, sumilip yung mahiwaga niyang gilagid, nakakabulag.
"Mukhang nagulungan ng gulong ka Mang Namjoon!" sigaw ko. Bigla siyang lumingon at mabilis siyang nag-lakad papunta sa gawi namin ni Manong Suga. Tinapon na nga niya yung kape niya eh.
"Ano nga ulit yung sinigaw mo kanina?" tanong ni Mang Namjoon. Mas siningkitan niya pa yung mata niya.
"Hehe, sinigaw ko lang yung pangalan mo Mang Namjoon." nginitian ko siya sabay pakita ng ngipins ko, with S madami kasi. Ngipins kong straight at maganda.
"Akala ko sinigaw mo Poging Mang Namjoon." sabi niya. Balik normal na yung mata niya.
"Ah oo, yan yung sinigaw ko kanina. Diba Manong Suga." siniko ko si Manong Suga.
"Oo, yan nga yung sinigaw niya kanina Mang Namjoon." habang nagsasalita si Manong Suga, sumisilip yung gilagid niya. OMG!. Ngumiti naman ng wagas si Mang Namjoon, hala sige Mang Namjoon maniwala ka samin!.
"Oh e, bakit kayo nandito?" tanong niya.
Sasabihin ko ba kay Mang Namjoon? Parang ang pode naman, parang sumbungero narin ako katulad ni Jungkook.
"May problem sila ni Talleah." nakakaasar naman to si Manong Suga, nangunguna. Gusto ko sanang sabihin kay Manong Suga na 'Ikaw ba si Jhope,Manong Suga ha? Ikaw ba!', kaso wag nalang. Kakaiba pa naman magalit si Manong Suga.
"Anyare ba?" tanong ni Mang Namjoon. Binuksan ni Mang Namjoon yung gate nila at pinapasok kami, umupo kami doon sa inuupuan niya kanina. Kwenento ko sakanya kung anong nangyayari saamin ni Talleah.
"Akala ko ikaw yung lalaking kasabay niya palagi. Wag ka mag-alala kakausapin ko si Talleah."
Dahil sa sinabi ni Mang Namjoon, mas lalo akong nalungkot. Baka may napupusuan na si Talleah my labydabs. Sana hindi yun si Mark.
"Think positive lang Horsy boy. Bukas, aabangan natin si Talleah pag uwian na niya. Kausapin mo siya." sabi ni Manong Suga bago siya umalis at manguha ng mga pang-gatong. Napaka-bait talaga ni Manong Suga.
"Hoy Jhope!" tawag sakin ni Mang Seokjin. Nasa gilid niya ni Jungkook na may malaking ilong at inaasar ako. Pagkatapos niya akong asarin, tumakbo na siya paalis kasama yung dalawa. Papunta ba sila samin?
"Mang Seokjin kung papagalitan niyo ako ngayon, wag niyo na ituloy. Di yan papasok sa utak ko." sabi ko sakanya. Masyadong maraming laman tong utak ko ngayon, di na kasya sasabihin niya.
"Ok." yun lang yung sinabi niya. Tumingin ako kay Mang Seokjin. "May sasabihin lang ako."
"Ano?" tanong ko kay Mang Seokjin.
"Mahal ko yung author ng story na to." alam ko naman yun eh. Alam ko rin naman na mahal ni author si Mang Seokjin. Eh ako? Kaylan ako mamahalin ni Talleah?
"Walang poreber!" sinabi ko kay Mang Seokjin. Nasabihan pa akong bitter, tska alam niya kung anong problema namin ni Talleah my labydabs. Nakwento kasi ng tatlong bata sakanya.
"Kaylangan mo siyang kausapin Jhope. Nakikita kong masaya kayo sa isat-isa, wag mong hayaang mawala yun." sabi pa ni Mang Seokjin bago siya umalis at pumuntang palengke. Umuwi nalang ako sa bahay.
Ano bayan lagi nalang akong inaalisan. Nung una si Manong Suga ngayon naman si Mang Seokjin. Ano! Sino pang aalis?!
"Bye Manong Jhope, tapos na kami makikain sainyo." paalam ng tatlong bata.
"Nak alis muna ako." paalam ni Nanay.
Ok, ok naman ako. Inalisan lang naman ako. Kbye.