Chapter 1

132 4 0
                                    

A/N: Slow update lang po ito. as in S L O W.


[One]

I'm normal. breathing, eating, sleeping giving off carbon dioxide while intaking oxygen.

Hindi rin ako pansinin ng mga tao sa paligid ko, and I'm cool with that ayoko namang nasa akin ang atensyon ng mga tao masyado na kasing judgemental ang mga tao sa mundo including me, including you at ayoko lang dumagdag pa duon. School-bahay-school-bahay lang ang routine ko sa araw-araw epekto na rin siguro nang pang bu-bully na naranasan ko dati nung elementary at High school.

"Class dismissed" sinara ko na ang notebook ko sa pag bangit ng prof ko na tapos na ang napaka boring niyang lesson, hindi ko alam kung pano ko nakakayang hindi makatulog sa klase niya

"Don't forget, the submission of the final report is due on Monday" pahabol niya pa, buti nalang pinaalala niya dahil nakalimutan ko at wala kaming internet sa bahay ngayon, naputulan kami ng WiFi connection kahapon lang. I guess sa Library ang deretcho ko muna ngayong araw.

"Yana! Yana!"

... Maybe not.

liningon ko kung saan nangagaling ang boses na tumatawag saakin, at hindi nga ako nag kamali

nakangiti ka nanaman

lumapit saakin ang taong hindi ko inaasahang lalapit saakin sa loob ng school parameters. Hindi ko alam kung matutuwa ako na tinawag niya ako o hindi.

yung mga taong nag lalakad napatingin sakin ng masama.

alam niya naman na ayaw ko ng atensyon! bwisit talaga.

"Thank God naabutan kita! kahapon pa kita hinahanap"

nag taka naman ako sa sinabi niya. Bakit niya naman ako hahanapin? like... nah nevermind

"bakit?"

nawala yung mga ngiti niya at unti unting itinapon sa harapan ko ang gym bag niya

mabuti nalang at wala ng tao sa corridor

"what the!"

"iuwi mo na yang gym bag ko may pupuntahan pa ako. Kapag bumisita si mommy sa bahay paki sabi nalang na patay na ako"

pinulot ko ang gym bag niya na nasa may paanan ko, at itinapon pabalik sakanya.

"bahala ka sa buhay mo"

nakita ko nanaman ang pag kainis niya sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin at nag lakad na ako papunta ng library or yeah.. bukas na lang siguro sa computer shop ko gagawin ang pag research

"Yana!" he called my name with his gritted teeth and alam ko na inis na siya. madali siyang mainis eh

"What?!" hindi ko na rin napigalang mainis 

"I said bring this gym bag at home dahil may pupuntahan ako. you know I don't have my car with me" halatang naiirita siya 

pinapakonsenya mo ba ako?

pero instead na sundin siya hindi ko ginawa

"Hindi ko na kasalanan kung sa tow away zone ka nag park ng kotse mo last night!" sabi ko pa

Oo na, kasalanan ko naman talaga kung bakit na kaladkad yung sasakyan niya

nag bar kasi ako kagabi dahil sa sobrang depression na nararamdaman ko sa school at yeah sakanya

hindi ko naalala na tuwing thursday eh may family dinner kami kasama ang family niya

So kahit hindi bukal sa loob niya napilitan siyang sunduin ako sa Bar kagabi at dahil nag mamadali siya hindi niya napansin na sa tow away zone niya na ipark ang kotse niya, Kasalanan ko pa ba yun?

"hindi ka uuwi?" hindi ko alam kung bakit yun ang natanong ko sakanya.

tatlong araw na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay, siguro nakikitulog nanaman siya sa mga babae niya. Nasa akin naman ang susi ng condo niya so malamang wala siya dun, so maybe..just maybe sa loob ng tatlong araw kasama niya ang kung sino man.

sana hindi

he looked at me with disgust, na para bang mikrobyo ako, na parasite o isang nakaka diring sakit

ganyan naman siya lagi, hindi pa ako nasanay.

"why would I? kung ikaw lang naman kasama ko sa bahay I'd better stay outside"

"a-ah, sige" 

hindi ko nahanda ang sarili ko sa narinig ko. kumirot nanaman ang dibdib ko sa mga sinabi niya.

tumalikod na siya saakin, yung gym bag nya nasa sahig, napabuntong hininga nalang ako

now, pano ko ito dadalhin? I have books in my right hand. ang bigat pa naman ng gym bag niya.

patuloy ko syang tinitignan palayo, ganon naman lagi....

hindi ko alam pero huminto siya sa pag lalakad kaya na curious ako baka may sasabihin siya?

yan ka nanaman Yana, pinapaasa mo ang sarili mo!

"I paid the internet bills kanina, wag kana pumunta ng library o computer shop"

He said but he didn't look back. pag katapos nag patuloy na siya sa pag lalakad nung may nag back hug sakanya.. si Tricia, Girlfriend niya

napabuntong hininga na lang ako sa nakita ko.

nabaling ang atensyon ko sa pag vibrate ng phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag

si mommy

"hello po" I Said habang sinusundan ng tingin ang dalawang tao. mabuti pa si Tricia nakikita siyang nakangiti.

[Yana, kasama mo ba si Aries?]

patuloy ko lang silang tinitignan, sinungaling. nakuha na niyayung sasakyan niya

pinagbuksan niya pa ng pinto si Tricia.

"ay hindi po mommy. may pasok pa po kasi ako"

nag sinungaling na  lang ako. baka kasi pag sinabi ko na nakita na kita o kaya kasama kita baka pumunta sa bahay ang mommy mo at maiistorbo nanaman kita.

[hay nako! yang asawa mo talaga hindi nag papakita sakin. I called to say that we have family dinner on Sunday, wag kayo mawawala ha.]

hanggang sa naka alis yung kotse niya sinundan ko nalang ng tingin.

"opo mommy. bye"

I ended the call. pinulot ko ang gm bag niya na nasa sahig saka lumabas ng building.

alam ko namang ayaw mo sakin Aries eh, wala namang may kasalanan sa ating dalawa kung ganito ang kinalabasan natin.

kaso ang kasalanan ko ay ang mahalin ka habang ikaw tingin mo sakin ay isang parasite na kailangan ng host para mabuhay, you always made me feel like that.. sa dalawang taong pagiging mag-asawa natin pinaparamdam mo sakin na parasite ako at ika ang host. 

am I missing reality? or are you?





Missing Reality [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon